You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Ikatlong Markahan
Iskor

Pangalan:
Pupil No.
_______________________________________________________________ Baitang at Seksyon: ________________
I. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong.
________ 1) Ang pagbabalita ay dapat makatotohanan, makatarungan, at walang _______________.
A. inaatrasan B. inaalagaan
C. kinikilingan D. kinalulugdan

________ 2) Ang pagpapahayag ay dapat nakabase sa _______________.


A. katotohanan B. katarungan
C. pinaniniwalaan mo D. sinabi ng iba

________ 3) Ang mga mamamahayag ay dapat sumunod sa _______________ ng propesyon nila.


A. Code of Attitude B. Code of Responsibility
C. Code of Conduct D. Code of Ethics

________ 4) Alin sa mga sumusunod ang maaaring mapagkunan ng impormasyon?


A. internet B. telebisyon at radyo
C. dyaryo at iba pang babasahin D. lahat ng nabanggit

________ 5) Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sa palagay mo ay HINDI TAMA?


A. Ipinagkaloob sa lahat ang karapatan sa pamamahayag upang gamitin sa wastong paraan.
B. Ang kalayaan sa pamamahayag ay maaaring manghihimasok sa karapatan ng iba.
C. Ang pananaw ng isang mamamahayag ay dapat balanse at walang pinapanigan.
D. Ang pamamahayag ay isang karapatan at responsibilidad.

________ 6) Alin sa mga sumusunod na pahayag ang SINASANG-AYUNAN mo?


A. Ang pamamahayag ay isang karapatan na may kaakibat na pananagutan at limitasyon.
B. Dapat mag-ulat ng mga balitang ikasisira ng tauhan ng pamahalaan.
C. Maaaring pagtawanan kung may maling naiulat sa radyo o diyaryo.
D. Iwasan ang mag-ulat ng mga balitang makapaglalagay sa iyo sa kapahamakan.

________ 7) Sino sa mga sumusunod ang nakapag-uulat ng tama?


A. Hindi na lamang itinuloy ni Mang Ben ang ulat ukol sa kinasasangkutang kaso ni Konsehal dahil pinagbantaan siya nito.
B. Isinulat ni Marissa sa kanyang FB Page ang kanyang puna tungkol sa pamamalagi ng sikat na blogger sa kanilang Rest
House dahil sa mga kalat na iniwan nito.
C. Nagsaliksik, nagtatanong-tanong at kumuha ng mga datos si Tony para sa kanyang ulat ukol sa Tree Planting Activity ng
paaralan.
D. Gumawa na lamang ng kwento si Lea para sa kanyang ulat sa Patrol Bayan tungkol sa naganap na sunog dahil hindi niya ito
naabutan.

________ 8) Si Mang Rico ay isang mamahayag. Napag-alaman niya sa kanyang pananaliksik ang mga katiwaliang nangyayari sa
Bayan ng San Sebastian. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Isiwalat ang kanyang nalalaman batay sa katotohanan.
B. Tukuyin lamang ang mga taong sa palagay niya ay hindi makapaglalagay sa kanya sa alanganin.
C. Maghahanap na lamang ng ibang maiuulat.
D. Ipagsasabi sa mga mamamayan ng bayan ang kanyang napag-alaman.

________ 9) Ikaw ay naatasang mag-ulat tungkol sa idinaos na Oplan Linis sa inyong Barangay. Ano ang gagawin mo?
A. Tatanggi ka dahil wala kang alam tungkol dito.
B. Mag-uulat ka lamang base sa kung ano ang nakita mong ginawa nila sa Oplan Linis.
C. Magsasaliksik ka at magtatanong sa mga kinauukulan tungkol sa naisagawang Oplan Linis.
D. Liliban ka sa araw ng iyong pag-uulat.

________ 10) Hindi mo sinasang-ayunan ang nagawang parusa ng inyong guro sa inyong kaklase. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ipopost sa Facebook ang ginawa ng inyong guro sa inyong kaklase.
B. Irerecord sa cellphone ang ginawa ng guro at ipopost sa Youtube
C. Magtatanong sa guro at aalamin ang kanyang dahilan kung bakit nya iyon nagawa.
D. Magsasawalang kibo na lamang.

________ 11) Suriin nang mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng
pagpapahalaga sa pagbibigay ng ideya, opinyon o pananaw?
A. Sinunod ni Pedro ang opinyon ni Samuel kahit na mali ito.
B. Malugod na tinanggap ng bawat kasapi ng pangkat ang ideya ni Helen.
C. Tumiwalag na lamang si Anthony sa kanilang grupo dahil hindi nila sinang-ayunan ang kanyang suhestiyon.
D. Mas pinanigan ni Jose ang kaibigang si Mario kahit na mas sinasang-ayunan niya ang suhestiyon ni Elena.
________ 12) Sino sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagbibigay ng ideya, opinyon o pananaw?
A. Ipinipilit ni Tony ang kanyang gusto kahit hindi sang-ayon ang kanyang kapatid.
B. Napahiya si Marlon nang magbigay ng opinyon si Cathy sa kanilang talakayan.
C. Ipinahahayag nang malumanay ni Edgar ang kanyang suhestiyon o ideya sa mga talakayan.
D. Nakikipag-usap si John sa kanyang katabi habang nagbibigay ng opinyon ang kanyang kasamahan.
________ 13) May batang bagong lipat sa paaralan ninyo. Kulot ang kanyang buhok at itim ang kanyang balat. Palaging tinutukso
kaya nakakaawa siya. Nais mong tulungan siya. Ano ang nararapat mong gawin upang mahinto ang panunukso sa
kanya.
A. hahayaan ko na lang ang panunukso sa kanya
B. aawayin ko ang mga batang nanunukso
C. derektang ipaaalam ko sa nanay niya ang ginagawa ng aking mga kaklase.
D. ipagbibigay alam ko muna sa guro upang mapigilan ang panunukso sa kanya

________ 14) Nag-uusap kayo ng boardmate mo tungkol sa kaniyang relihiyon. Naniniwala siya na malaking kasalanan kay Allah
ang pagkain ng karneng baboy. Paano mo maipakikita na isinasaalang-alang mo ang kanyang paniniwala?
A. bibigyan ko siya ng pagkain na lingid sa kanyang kaalaman ay may halong karneng baboy
B. igagalang ko ang pinaniniwalaan niya
C. ipagkibit balikat ko nalang ang mga pinagsasabi niya
D. hindi ako maniniwala sa kanya
D. ipagbibigay alam ko muna sa guro upang mapigilan ang panunukso sa kanya

________ 15) Nagtatalumpati ang inyong punong-guro. Sa kalagitnaan ng kanyang talumpati niyaya ka ng kaibigan mong umuwi
na. Paano mo maipapakita ang paggalang sa inyong punong-guro?
A. sasama ka sa kaibigan mong umuwi ng patago
B. sisigawan mo siyang ayaw mong sumama sa kanya
C. aakyat ka sa entablado at isusumbong siya sa inyong punong -guro
D. pagsabihan mo siyang tapusin muna ninyo ang programa bilang paggalang sa inyong punong-guro
Si Isabel ang pinakamagaling magpinta sa kanilang klase. Nang inanunsyo ng punongguro na magkakaroon ng paligsahan sa
pagpipinta sa buong paaralan ay hindi siya nag-atubiling magdesisyong sumali. Araw-araw siyang nag-eensayo upang paghandaan ang
patimpalak.
Dumating ang araw ng paligsahan at labis ang nadarama niyang kaba dahil magagaling din ang kanyang mga katunggali. Hindi siya
nagpadaig sa nararamdaman; bagkus ay buong husay niyang ipinamalas ang kanyang angking galing sa pagpipinta. Humanga ang lahat pati
na ang mga hurado sa kanyang ginawa. Itinanghal siyang kampiyon ng mga hurado dahil sa mataas na kalidad ng kanyang ginawa.

________ 16) Anong pamantayan ang nakatulong kay Isabel sa kanyang pagkapanalo sa paligsahan sa pagpipinta?
A. paghanda sa patimpalak B. pabago-bago na pagpinta
C. ang angking galing sa pagpinta D. lakas ng loob at de-kalidad na pagpinta

________ 17) Ano ang maaring maipagmamalaki ni Isabel kaya siya nanalo?
A. pagsunod sa tamang pamantayan B. sariling kakayanan lamang
C. hindi naabot ang inaasahan D. bilis nang kamay sa pagpinta

________ 18) Ano ang dapat mong gawin kung gusto mong manalo sa paligsahan?
A. Manggaya sa iba lalo na sa may marami nang napalunan.
B. Pag-isipan ang tamang paggawa sa oras ng patimpalak.
C. Gamitin ang kakayahan na makapagpinta batay sa tamang pamantayan.
D. Humingi ng tulong sa nakakaalam upang mapabilis ang paggawa.

________ 19) Ano ang dapat gamitin sa paggawa upang manalo sa paligsahan?
A. Sundin ang tamang panuto na magpapakita ng de-kalidad at maayos na paggawa.
B. Ibibigay ang lahat na makakaya sa lahat ng mga gawain.
C. Lakas ng loob na harapin ang paggawa sa paligsahan.
D. Bilisan ang paggawa kahit mayroon pang kulang

________ 20) Paano naipapakita ni Isabel sa kanyang pagpipinta ang etika sa paggawa?
A. Sa pamamagitan ng pag-eensayo araw- araw.
B. Sa mabilisang pagpinta ang mga magagandang kulay.
C. Pagsunod sa tamang pamantayan sa paghahatid ng produkto o serbisyo.
D. Sa pamamagitan nang pagpinta sa kanilang klase

________ 21) Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng de-kalidad na paggawa?


A. Gawin kaagad ang mga bagay na ipinagawa sa iyo at ipasa sa takdang oras.
B. Nakasusunod sa tamang pamantayan sa paggawa.
C. Pagbutihin ang ginagawa upang maipagmalaki ito
D. Lahat ng sagot ay tama.

________ 22) Kahit nahihirapan si Ana, pinag–aaralan niya nang mabuti ang pananahi, gamit ang makina nang sa gayon pagdating
ng tamang panahon, hindi na siya mahihirapang humanap ng trabaho. Ano ang masasabi mo sa kanyang ginawa?
A. Pinalawak at pinabuti niya ang kanyang kakayahan bilang paghahanda.
B. Siya’y nagkulang ng tiwala sa kanyang sarili.
C. Si Ana ay hindi makapaghintay nang tamang panahon.
D. Nawala ang dati niyang gawi sa pananahi

________ 23) Kailan dapat tapusin ang isang gawain na iniatas sa iyo?
A. kahit kailan mo ito gustong tapusin
B. bago ang itinakdang oras o sa mismong araw
C. kung kailan sinabihan ka na na ipasa
D. puwede nang ipasa kahit hindi pa tapos

________ 24) Sino sa kanila ang sumusunod sa pamantayan sa paggawa at malamang na maging matagumpay balang araw?
A. Si Leo na masipag maglaro sa araw at gabi.
B. Si Pedro na gumagawa kung nakatingin ang amo.
C. Si Jose na tinatapos ang trabaho sa tamang oras.
D. Si Juan na nagtatrabaho lamang nang dahil sa sahod.

________ 25) Bagamat mahirap, nakapagtapos ng abogasya si Ben sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Bakit kaya naaabot ni
Ben ang tugatog ng tagumpay?
A. Pinagbutihan niya ang kanyang pag-aaral.
B. May malaking suwerte si Ben.
C. Mahal siya ng kanyang mga kaklase.
D. Maraming pera si Ben.

________ 26) Sino ang dapat tularan?


A. Si Rojohn na gumagawa ng lumang basahan sa maghapon.
B. Si Allen na hindi maayos ang mga gawa pero marami at mabilis.
C. Si Joffrie na pinipili ang mga tela at kulay na gagamitin upang gumanda at de-kalidad ang maging yari ng basahan.
D. Si Rey na ipinasa ang proyektong basahan kahit mayroon pang kulang.

________ 27) Alin ang matalinong hakbang upang matapos ang mga gawain sa loob ng itinakdang oras?
A. Gawin lamang ito kung gusto mo
B. Unahin ang pinakamadaling gawin para matapos agad
C. Iiskedyul ang gawain, galingan at husayan ang paggawa.
D. Huwag gawin ang mga gawain.

________ 28) Inatasan ni Bb. Flores ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang na tapusin ang proyekto bago sumapit ang takdang
oras ng pagpapasa nito. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng mga mag-aaral upang matiyak na dekalidad at
maipagmamalaki ang kanilang proyekto?
A. Pag-aralan at planuhing mabuti ang mga paraan sa pagbuo ng proyekto.
B. Kopyahin ang disenyo ng proyekto ng iba.
C. Madaliin ang paggawa upang maipasa ang proyekto nang maaga.
D. Gawing ang proyekto na kasalungat sa panuto at tagubilin ng guro.

________ 29) Sino ang kauna-unahang Pilipina na nagwagi sa Ford’s Supermodel of the World International 2011?
A. Danica Magpantay B. Janine Tugonon
C. Sharina Gutierrez D. Monika Sta. Maria

________ 30) Sino ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng parangal sa Pilipinas bilang tanyag at mahusay na Pilipinong
direktor ng Indie Film?
A. Jess dela Merced B. Stephen Dypiangco
C. Jose Antonio Vargas D. Brillante “Dante” Mendoza

III. Basahin nang mabuti ang sitwasyon. Isulat ang paraan ng pagbibigay ng sariling ideya, opinyon o pananaw ng tauhan sa
sitwasyon. Tukuyin kung ito ay sa pamamagitan ng…

pasalita pasulat radyo telebisyon internet

______________ 31) Si Dion ay inatasang magbigay ng opinyon tungkol sa pagputol ng mga punongkahoy sa kanilang barangay sa kanilang
pagpupulong. Tumayo siya at inilahad niya ito sa harapan ng mga dumalo.
______________ 32) Nakasanayan na ni Nilda na isulat ang kanyang ideya tuwing may pangkatang gawain sa kanyang kuwaderno.
______________ 33) Si Sheila ay nagbigay ng opinyon ukol sa paglunsad ng curfew hours sa kanilang barangay sa kanyang facebook page.

______________ 34) Si Jorelyn ay isa sa mga kasapi ng School Paper Organization ng kanilang paaralan. Siya ay inatasang magsulat ng pananaw
tungkol sa napapanahong isyu sa pagpatay ng mga drug pushers. Ito ay nailathala sa pahayagan ng kanilang paaralan.
______________ 35) Mababasa sa pahayagan ang pananaw ni Anthony ukol sa pagdami ng Overseas Filipino Workers.
______________ 36) May itinayong pabrika ng sapatos sa barangay nina Japeth. Marami ang nagkatrabaho subalit problema ang polusyon sa
kanila. Marami nagkakasakit dahil dito. Nagpaunlak siya na interbyuhin ng isang mamamahayag ng GMA 7 tungkol dito.
______________ 37) Napakinggan sa Aksyon Radyo ang opinyon ni Lynie tungkol sa bullying sa kanilang paaralan.
______________ 38) Mababasa sa sariling email address ang opinyon ni Monalinda tungkol sa pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Marami ang
sumang-ayon dito. Siya ay nagpasalamat sa paggalang ng mga tao ng kanyang opinyon.
______________ 39) Si Japeth ay nagpaunlak na interbyuhin ng Bombo Radyo tungkol sa pagdami ng basura sa kanilang barangay. Isinawalat
niya ang hindi pangungulekta ng basurero sa takdang oras nito. Hindi sana dumami ang basura kung ginagawa ng basurero
ang kanyang tungkulin.
______________ 40) Ipinost ni Susana sa kanyang YouTube Channel ang opinyon niya tungkol sa pagputol ng mga puno sa kanilang barangay.
III. Kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap, isulat ang T sa inilaang patlang sa bawat bilang at M naman kung hindi.

__________41) Ang mga impormasyon na dapat ipapahayag ay tiyaking totoo. Makukuha ito sa pagtatanong sa kinauukulan.

__________42) Kung ang layunin mo ay magbalita, tiyaking balita lamang ang iyong ihahatid at hindi pamumuna.

__________43) Hindi saklaw ng ating kalayaan sa pamamahayag ang mga taong may matataas na posisyon sa pamahalaan.

__________44) Dapat na maging balanse ang pananaw at maging maingat sa paglalahad ng impormasyon na hindi nakasasakit ng damdamin ng
iba.

__________45) Dapat lamang na magalang at matapat ang pagsasagawa ng karapatan sa pamamahayag upang magkakaroon ng pagkakaunawaan
ang bawat isa.

__________46) Ang paggawa na naaayon sa pamantayan sa kalidad ng produkto at serbisyo ay mahalaga upang matiyak na de-kalidad ang mga ito
at maari nating maipagmamalaki.

__________47) Okey lang na maubos ang oras sa pagpapaulit-ulit sa paggawa ng proyekto basta maging maganda at maayos ito.

__________48) Mas mabuting magtanong sa mga nakaaalam, kaysa bilisan ang paggawa, subalit wala naman itong kalidad.

__________49) Mahalaga ang pagpapatupad ng etika sa paggawa upang mapalakas ang manggawa at mapataas ang kalidad ng kanilang paggawa.

__________50) Isagawa ang produkto nang naaayon sa iyong kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng nagpapagawa.

- --- GO DB LE S S US AL L -- -

Prepared by:
Mrs. Donna A. Salva
Subject Teacher

You might also like