You are on page 1of 2

Name: Galler, John Rhandel M.

Konsepto 7
Grade&Section: 12-Stem 1P FILIPINO

SINTESIS O BUOD
Ang sintesis o buod ay ang pinaikling impormasyon sa isang kwento, pangyayari o
impormasyong mahaba at hindi madaling maintindihan.
Taglay pa rin ng sintesis ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kaganapan.
Pangyayari at mga sitwasyon sa kwento
Tumutukoy din ito sa kakayahang mapagsama-sama ang iba’t-ibang bahagi para makabuo ng
isang bagong anyo ng kaalaman.
MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD
 Basahing Mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa ito lubos na
mauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.
 Mapapadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil maisasapuso
at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto.
 Isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: una, gitna, at wakas.
 Gamitin din ang proseso sa Pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat.

PAGKAKASUNOD-SUNOD O ORDER
Sekwensyal – pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng mga
panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod.
Kronolohikal – pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa
pangyayari. May baryabol na pinagbabatayan.
Prosedyural – pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa. May resulta o
kahihinatnan.

PAGLALAHAT
Ang sintesis o buod ay isang maikling buod ng isang paksa. Ito’y nasa anyong patalata at hind isa
anyong patalata at hind isa anyong pabalangkas. Maikling buod ito subalit malaman. Karaniwan
itong ginagamit na panimula sa mga akdang pampanitikan para maipakita ang pangunahing
daloy ng banghay sa simpleng pamamaraan.
Name: Galler, John Rhandel M. Konsepto 8
Grade&Section: 12-Stem- 1P FILIPINO

BIONOTE
Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagon na ginagamit sa pagsulat ng personal profile
ng isang tao.
Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang
bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na
madalas ay makikita o mambabasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel,
websites, at iba pa.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BIONOTE


- Sikaping maisulat lamang ito nang maikli.
- Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye patungkol sa kanyang
buhay.
- Gumamit ng ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
- Gawing simple ang pagkakasulat nito gumamit ng mga payak na salita, maikli at tuwirang
pangungusap.
- Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa muna ito sa
iba para matiyak ang katumpukan ng wika at konteksto.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG BIONOTE


1. Personal ( Buong Pangalan, Lugar at Taon ng kapanganakan)
2. Educational Background (Elementarya- Sekondarya-Kolehiyo-Gradwado)
3. Karangalan at Karanasan (Kondisyonal)

PAGLALAPAT
Bionote ay isinusulat hindi para suriin ang tagumpay at kabiguan kundi upang kalaunan ay
magamit na huwaran sa iba. Maari rin itong gamitin na marketing tool upang maipakita ang mga
karanasan at kakayahan sa maraming paghahanap ng trabaho.

You might also like