You are on page 1of 9

FILIPINO

MAGANDANG
ARAW GR. 8!
Inihanda ni:
Bb. Glendle F. Otiong
Iba't Ibang Paraan
ng Pagpapahayag
(Paglalahad)
PAGLALAHAD
✓Ito ay nagpapaliwanag,
nagbibigay-kaalaman o
pakahuligan, at nagsusuri upang
lubos na maipaunawa ang diwang
inilalahad o nais ipaabot ng
nagsasalita o sumusulat.
1. PAG-IISA-ISA
Ito ay isang paraan ng
paglalahad ng isang
kalagayan o sitwasyon sa
pamamagitan ng maayos na
paghahanay ng mga pangyayari
ayon sa talagang
pagkakasunod-sunod ng mga
ito.
2. PAGHAHAMBING AT PAGSASALUNGATAN
Ginagamit ang paraan na
ito sa paghahambing ng
magkakatulad at
pagkakaiba ng mga bagay-
bagay. Ang paraang ito
ang pinakamalimit na
gamitin.
3. PAGSUSURI
Sa paraang ito ay
sinusuri ang mga salik o
bagay-bagay na
nakaaapekto sa isang
sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga
ito.
4. SANHI AT BUNGA
Tinatalakay rito kung ano
ang sanhi o dahilan at
kung ano-ano ang
kinalabasan. Sa paraang
ito madaling maikintal sa
isipan ng mambabasa o
nakikinig ang mga
pangyayari.
5. PAGBIBIGAY NG HALIMBAWA
Ito'y nagpapatibay ng
isang paglalahad. Sa
pamamagitan ng pagbibigay
ng halimbawa ay madaling
makumbinsi o mahikayat ang
nagbabasa o nakikinig.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!🤍

You might also like