You are on page 1of 1

MGA KARAPATAN NG PASYENTE

(PATIENT’S BILL OF RIGHTS)

1. Ang pasyente ay may karapatan sa mapagpahalaga at magalang na pagkalinga.


2. Ang pasyente ay may karapatang malaman ang kumpletong impormasyon
tungkol sa kanyang kasalukuyang kalagayan, karamdaman, kalunasan at
paggaling sa pamamagitan ng paliwanag na kanyang maiintindihan.
3. Ang pasyente ay may karapatang malaman sa kanyang doktor ang
kinakailangang impormasyon para sa kanyang pagsang-ayon bago
magpasimula ng anumang gamutan.
4. Ang pasyente ay may karapatang tumanggi nang naaayon sa batas at maipa-
alam sa kanya ang mga maaaring mangyari sa kanyang kasalukuyang
kalusugan dulot ng kanyang pagtanggi.
5. Ang pasyente ay may karapatan sa pagsasaalang-alang ng kanyang pribadong
buhay patungkol sa kanyang sariling programang pangkalusugan.
6. Ang pasyente ay may karapatang magtiwala na ang lahat na komunikasyon at
mga dokumento patungkol sa kanyang pagpapagamot ay ituturing na pribado.
7. Ang pasyente ay may karapatang magtiwala na sa kakayanan ng ospital,
matutugunan nito nang naaayon ang kinakailangan niyang serbisyo.
8. Ang pasyente ay may karapatang makakuha ng impormasyon sa anumang
kaugnayan ng ospital sa iba pang pagamutan at paaralan na may kinalaman sa
kanyang kalusugan.
9. Ang pasyente ay may karapatang mapaliwanagan kung sakaling ang ospital ay
magpanukala ng pagsasagawa ng pag-aaral o eksperimento na maaaring
makaapekto sa kanyang kalusugan o kagalingan.
10. Ang pasyente ay may karapatang umasa sa karampatang tuloy-tuloy na
pangangalaga.
11. Ang pasyente ay may karapatang magsiyasat at tumanggap ng paliwanag
patungkol sa kanyang bayarin, kahit saan pa man galing ang kanyang
pambayad.
12. Ang pasyente ay may karapatang malaman kung anu-ano ang mga patakaran
at mga alituntunin ng ospital na patungkol sa kanya bilang isang pasyente.

You might also like