Mga Gawaing Labag Sa Batas at Kaparusahan Sa Ilalim Dangerous Drugs Act 2002

You might also like

You are on page 1of 2

MGA GAWAING LABAG SA BATAS AT KAPARUSAHAN SA ILALIM

DANGEROUS DRUGS ACT 2002

 SEK. 5. ART 11—Ayon sa batas, ang sinumang mapatunayang nagbebenta o


namamahagi ng pingbawal na droga , siya ay mahatulan ng pagkabilanggo ng habang
buhay at papatawan ng multang Php 500,000.00 o hanggang Php 10,000,000.00
  
 SEK.11. ART.11 - Ang pagtataglay , paghawak o pag– iingat ng ipinagbawal na droga
(ano pa man ang antas o kadalisayan nito) ito ay papatawan ng kaparusahang
pagkabilanggo ng habang buhay hanggang kamatayan at multa Php 500,000.00 hanggang
10,000,000.00.
  
 SEK.12. ART 11 - Paghawak o pag-iingat ng kasangakapan, instrumento, aparato at iba
pang kagamitan para sa ipinagbawal na droga itoy papatawan ng kaparusahang
pagkabilanggo ng anim na buwan at isang araw hanggang apat na taon at multa ng Php
10,000.00 hanggang Php 50,000.00
  
 SEK.13 ART 11 - Pagtataglay, pagmamay-ari o pag-iingat ng ipinagbabawal na droga
habang nasa kasayahan, handaan, salo-salo, pagtitipon o kasamang malapitan ng pangkat
ng tatlong tao ( gaanp pa man ang dami o kdalisayan ng dalang droga) pinakamataas ng
antas ng kaparusahan ang ayon sa SEK. 11 ang ipapataw dito .

 SEK. 14, ART 11 - Pagtataglay o pag-iingat ng kasangkapan, instrumento at iba pang


kagamitan para sa ipinagbabawal na droga habang nasa kasiyahan, handaan, pagtitipon o
kasamang malapitan ng pangkat ng tatlong tao, kaparusahang pagkabilanggo ng anim na
buwan at isang araw hanggang apat na taon at multa ng Php 10,000.00 hanggang Php
50,000.00.
 
 SEK. 15 ART 11 - Isinasaad dito na ang sino mang mapatunayang positibo sa paggamit
ng ipinagbabawal n a droga, sa unang pagkakasala ito ay may oarusang anim na buwan sa
isang rehabilitation center na pag-aari ng gobyerno, sa ikalawang pagkakasala ito ay may
parusang pagkabilanggo na umaabot ng anim na taon at isang araw hanggang labing
dalawang taon at multa ng Php 50,000.00 hanggang 200, 000.00
 
 SEK. 49, ART IV –Ang pamilya bilang bahagi ng lipunang Pilipino ay may pangunahing
responsibilidad na tumulong sa pagtuturo, pagmulat at pagpapalaganap sa kasapi ng
pamilya na maaaring nalululong sa ipinagbabawal na droga.
  
 SEK. 42, ART 11 –Ang maga mag-aaral sa elementarya, sekondarya at kolehiyo ay dapat
ipaalam , isakatuparan at isulong sa kanilang Gawain /aktibidades at programa ang mga
kaalaman tungkol sa pag-iwas at pagsugpo sa ipinagbabawal na droga.
  
 SEK. 43, ART 11 - Ang pagtuturo sa pagsugpo at paghadlang sa ipinagbabawal na droga
ay kinakailangang isama sa aralin ng maga mag-aaral sa elementarya, sekondarya,
kolehiyo, maging itoy pangpubliko at privado at maging teknikal, bokasyonal,
pangkabuhayan at pati ang pormal o di pormal na sistemang pag-aaral
1
HANTUNGAN
 Sa mga taong nalulong sa ipinagbabawal na droga, ito ang kanilang hantungan:
 1. pagkabaliw
 2. pagnanakaw
 3. makapatay
 4. pagkakakulong
 5. panggagahasa
 6. pagkakasakit
 7.kamatayan

NEED HELP?
Kapag may impormasyon na nais i-report sa kaayusan o katahimikan; o may nababalitaang
krimen o paggamit na ipinagbabawal na droga tumawag sa 722-0650 o mag txt sa

 PNP TXT 2920 o


 tawag 117
 Ito ang dapat ninyong gawin para makaiwas sa ipinagbabawal na droga:
 Magkaroon kayo ng matibay na pananalig sa Diyos at maging magalang, mabait at
responsible.
 Kayo ay dapat mag-aral ng mabuti at panatilihing malusog at malakas ang
pangangatawan.
 Sumali sa mga kapakipakinabang na samahan at umiwas sa masasamang barkada o
kaibigan

You might also like