You are on page 1of 4

KATITIKAN NG PULONG

I. Pagbubukas ng Pulong
a. Naganap ang pagpupulong ng ikatlong grupo noong ika-19 ng Setyembre 2023 sa
Malabon National High School New Building 5 Room 12 sa ganap na 7:13 ng
gabi.
b. Ang pagpupulong ay pinamunuan ng pinuno ng ikatlong grupo na si Danica
Caspe.
c. Ang mga dumalo sa pagpupulong ay ang mga sumusunod:
 Jared Dandan
 Timothy Kyle Roque
 Dirk Benedict Santos
 Danica Caspe
 Sharmaine Francisco
 AngelaAlliza Reyes
 Nouella Vasquez
 Antonia Villamor
d. Ang mga naging adyenda sa pagpupulong ay ang mga sumusunod:
 Pag-usapan at mabigyan ng solusyon ang confidential funds ni
Sara Duterte para sa kagawaran ng edukasyon.
 Talakayin kung ano ang nangyayari sa pondo ng gobyerno para sa
mga ayuda.
 Pag-usapan ang Maharlika Funds.
II. Paglalahad ng mga tinalakay sa pulong ayon sa adyenda
Ang pagpupulong ay itinayo ni Danica Caspe, ang pinuno ng ikatlong grupo sa
ganap na ika-7:13 ng gabi at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang
maikling panalangin na pinangunahan ni Antonia Villamor. Kasunod ay roll call
na isinagawa ni AngelaAlliza Reyes. Pagkatapos nito opisyal nang nagkaroon ng
open forum upang pag-usapan ang korapyson sa ating bansa.

Binuksan ni Jared Dandan ang pagpupulong sa pagbabahagi ng kaniyang opinyon


patungkol sa confidential funds kung saan tinawag niya itong masama.

Hindi naman sumang-ayon si Nouella Vasquez dito at sinabing ang ginawa ni


Sara Duterte ang masama at hindi ang confidential funds.

Ipinaglaban naman ni Jared Dandan ang kaniyang opinyon at kwinestyon ang


pagiging confidential ng pondong ito kahit na ito naman ay pera ng taong bayan.
Iminungkahi ni Jared na maaring ginagamit ang pondo para sa mga hindi
kinakailangang bagay, katulad ng mga kotse o sasakyan at iba pang pansariling
luho.

Pagkatapos ay sinabi ni Nouella na nararapat na magbigay sila ng tiyak na dahilan


sa pagkakaroon ng confidential funds.

Dinagdag naman ni Jared Dandan sa usapan ang posibilidad na ibinubulsa lamang


ng mga opisyal ng gobyerno ang pondong ito.

Ikinumpara ni Dirk Benedict Santos si Sara Duterte sa nakalipas na bise


presidente ng bansa na si Atty. Leni Robredo. Dito sinabi niya na hindi naman
kinailangan ni Atty. Leni Robredo ng confidential funds sa kaniyang termino at
iginiit na ibubulsa lamang ito ng mga opisyal sa gobyerno ngayon.

Idinagdag ni Timothy na ang pondong ito ay gagamitin para sa mga layuning


pangseguridad. Pinuna niya ang pagiging kalihim ng kagarawan ng edukasyon ni
Sara Duterte at sinabing hindi naman nangangailangan ang departamentong ito ng
confidential funds dahil ito ay para naman sa kapakanan ng mga mag-aaral at
guro.

Sinang-ayunan ito ni Jared Dandan.

Kwinestyon din ni Sharmaine Francisco ang pagiging kompidensyal ng pondo


dahil malaking halaga ang hinihingi ng mga ito. Tinanong niya kung bakit nila ito
pinanatiling kompidensyal gayong karapatan natin malaman kung saan napupunta
ang ating pera.

Ito ay sinang-ayunan ni AngelaAlliza Reyes at sinabing wala silang kailangang


itago sa taumbayan kung sa mabuti nila gagamitin ang pondong hinihingi.

Binigyan naman ito ng solusyon ni Danica Caspe at iminungkahi na dapat mas


maging transparent ang mga namumuno sa bansa lalo na pagdating sa kung saan
napupunta ang mga pondong kanilang hinihingi dahil ito rin naman ay
nanggagaling sa bulsa ng mga tao.
Pinangunahan naman ni Nouella Vasquez ang usapan tungkol sa pondo para sa
ayuda. Isinaad niya na malaki ang nairereport na pondo para sa mga ayuda ngunit
hindi ito tumutugma sa mga natatanggap ng tao. Dagdag niya na walang
kasiguraduhan na lahat ng pondong ito ay napupunta sa mga tao.

Iminungkahi naman ni Timothy Kyle Roque na ang mga pagkukulang sa mga


ayuda ng tao ay napupunta lang din sa mga kamag-anak ng mga opisyal o sa bulsa
ng mga opisyal sa gobyerno.

Nagkaroon naman ng katanungan si Antonia Villamor ukol sa pagiging patas ng


mga tao pagdating sa pera.

Ito naman ay sinang-ayunan ni Jared Dandan at idinagdag na maraming mga


pamilya ang dinuduga ang pagtanggap ng ayuda.

Ipinakita naman ni Dirk Benedict Santos at Jared Dandan ang malasakit para sa
mga mahihirap dahil sa halip na makatanggap sila ng ayuda, sila pa ang
nawawalan dahil sa mga taong nagiging gahaman.

Isa naman sa mga suhestyon ni Antonia na ang pagkakaroon ng koneksyon sa


mga opisyal sa gobyerno ang isa sa maraming rason kung bakit hindi lahat ay
nakakatanggap ng ayuda.

Sinimulan naman ni AngelaAlliza Reyes ang usapan tungkol sa Maharlika Fund.


Ibinnahagi niya na ang Landbank ay nagpadala na ng P50B na kontribusyon para
sa Maharlika Fund. Iginiit niya na mas marami pang maraming paglaanan ang
perang ginamit para sa Maharlika Fund.

Dinepensahan naman ni Jared Dandan ang investment sa Maharlika Fund at


sinabing ito ay mahalaga pa rin dahil nadagdagdagan ang kita na para sa bansa at
nakakalikha ito ng trabaho para sa maraming tao.
Hindi naman sumang-ayon si Dirk Benedict Santos dito at sinabing walang silbi
ang investment na ito kung tayo ay lubog na lubog na sa utang.

Isinaad naman ni Danica Caspe na dapat na ipagpatuloy na lang ang Maharlika


Fund dahil ito ay naumpisahan na at may mga nag-invest na dito.

Ipinid ni Danica Caspe ang pagpupulong sa ganap na 7:36 ng gabi at nagkaroon


ng sandaling pagsusuri sa mga napag-usapan.
III. Pagtitindig sa Pagpupulong
a. Ang pagpupulong ay natapos noong 7:36 ng gabi sa kaparehas na araw.
b.

You might also like