You are on page 1of 7

7

FILIPINO
Pagsusuri sa Pagkamakatotohanan
ng mga Pangyayari
Kwarter 1 Linggo 7
Pangalan: _____________ Petsa: __________
Baitang: _______________ Pangkat: ________

Pagsusuri sa Pagkamakatotohanan
ng mga Pangyayari
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari batay sa sariling karanasan (7PB-Ih-i-5)

Mga Kailangan Kong Gawin

Pag-aralan nang mabuti ang tungkol sa pagkamatotohanan ng mga


pangyayari at tandaan kung kailan ito makikilala. Sagutan din ng buong husay at
talino ang mga pagsasanay na inihanda.

Makatotohanan - isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring


napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa
ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring mapapatunayan ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga
taong nakasaksi nito.
Halimbawa:
Bahagi ng kultura ng mga T’boli ang pagtakda ng mapapangasawa ng
kanilang mga anak.
Paliwanag:
Hindi lamang ang tribong T’boli ang mayroong kulturang arranged marriage
maging ang ilan sa mga kapatid nating Muslim.
Di-Makatotohanan- mga ideya o pangyayaring walang katotohanan o hindi
kailanman maaaring mangyari sa totoong buhay. Ito ay kathang-isip lamang.
Halimbawa:
Lahat ng mga T’boli ay walang karapatang mag-aral at maging propesyunal.

2
Paliwanag:
Ang pag-aaral ay karapatan ng bawat tao at hindi isang prebilehiyo na iilan
lamang ang maaaring mabigyan ng pagkakataon.
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2021/11/F7_Q1_Module8_FINAL_Abdusalam_Enhanced.pdf

Paghahanda

Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang MK kung ang
pahayag ay makatotohanan at DMK naman kung ang pahayag ay hindi
makatotohanan.
1. Hindi mahahawaan ang isang tao ng COVID-19 kung hahawak siya sa mga
bagay na mayroong virus at pagkatapos ay hahawakan ang bibig, ilong, o
marahil ang mga mata.
2. Mahalaga rin ang madalas na paghuhugas ng kamay at paglalagay ng
alkohol pagkatapos hawakan ang isang bagay.
3. Mayroong dapat sisihin para sa pagkalat ng COVID-19 at dapat tayong
magtulungan para mawakasan ang pandemya.
4. Isang uri ng pambu-bully ang pagpapadala o pag-post ng mapanakit sa social
media.
5. Pinagbawal ang pagkakaroon ng face-to-face na klase ang mga mag-aaral sa
kasagsagan ng pandemya.
6. Ang pandemya ay ang pandaigdigang paglaganap ng isang bagong sakit.
7. Unang lumabas sa Pilipinas ang Covid-19 noong Disyembre 2019. Mabilis
itong kumalat sa ibang parte ng mundo lalo na noong unang
tatlong buwan ng 2020.
8. Ang DPWH ang pangunahing namamahala sa pagtugon sa sitwasyong
dinulot ng COVID-19 sa bansa.
9. Sa paglagay sa mga lugar sa ilalim ng community quarantine, maraming
manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay at maraming mga negosyo ang
nagbukas.
10. Iba-iba ang naging pagtugon ng mga bansang apektado ng COVID-19,
depende sa epekto sa kanilang kapasidad para sa serbisyong
pangkalusugan.

Pagiging Mas Mabuti

Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin ang salita o parirala na naging
dahilan ng hindi pagpapatotoo ng bawat pangyayari. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Si Apolinario Mabini ang pambansang bayani ng Pilipinas.
2. Kasalukuyang pangulo si Rodrigo R. Duterte.
3. Magbubukas na ang klase ngayong taon sa darating na Nobyembre.
4. Kailangan ang pagsusuot ng face mask sa pampublikong
lugar.
3
5. Tumakbo sa pagkapangulo sa Sara Duterte noong halalan 2022.
6. Malalampasan ang mga pagsubok sa buhay kung iwasan ito.
7. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay nakatutulong sa mamamayang
Pilipino.
8. Tumaas ang presyo ng gasolina nang magkaroon ng giyera ang Ukraine
at Pilipinas.
9. Isa sa naging programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang war on
drugs.
10. Magkakaroon ng climate change kung magtatanim ng mga punongkahoy.

Pagiging Dalubhasa

Panuto: Sumuri ng tatlong teksto o balita tungkol sa mga makatotohanang


pangyayari na naganap sa Pilipinas at tukuyin mula rito kung ito ba ay naganap sa
nakaraan at kasalukuyan. Kopyahin ang graphic organizer sa ibaba at gawin ito sa
sagutang papel.

Makatotohanang Pangyayari sa Pilipinas


(Kasalukuyan)

1. _____________________________________________________________.

2. _____________________________________________________________.

3. _____________________________________________________________.

Hindi Makatotohanang Pangyayari sa Pilipinas


(Kasalukuyan)

1. _____________________________________________________________.

2. _____________________________________________________________.

3. _____________________________________________________________.

4
Pamantayan sa Pagwawasto

Rubrik sa Pagmamarka
Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangang
Linangin
5 4 3 2
Nilalaman
Organisasyon
Wastong gamit ng
bantas at grammar
Kabuoan

Mga Dapat Kong Tandaan

Tandaan na makatotohanan ang isang ideya o pahayag kung ito ay


napatunayan na at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang
lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring mapapatunayan ang pagkamakatotohanan
nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.

5
Sanggunian
https://znnhs.zdnorte.net/wp-
content/uploads/2021/11/F7_Q1_Module8_FINAL_Abdusalam_Enhanced.pdf

Writer: Kimberly E. Dueñas


School: Matanao National High School
District: Matanao 1
Division: Davao del Sur
Illustrator: Jade F. Solis
District: Sta. Cruz South
School: Sta. Cruz Central Elem. School
Division: Davao del Sur
In House Editors
Content: Adelma D. Cudera
School: Sta. Cruz National High School
District: Sta. Cruz South
Division: Davao del Sur
Language: Adelma D. Cudera
School: Sta. Cruz National High School
District: Sta. Cruz South
Division: Davao del Sur
Layout:
School:
District:
Division:

6
Susi sa Pagwawasto

Paghahanda Pagiging Mas Mabuti


1. DMK 1. Apolinario Mabini
2. MK 2. Rodrigo R. Duterte
3. DMK 3. Nobyembre
1. MK 4.
2. MK 5. Pagkapangulo
3. MK 6. Iwasan
4. DMK 7. nakatutulong
5. DMK 8. Pilipinas
6. DMK 9. Pangulong Ferdinand R.
7. MK Marcos Jr.
10. Climate change

Writer: Kimberly E. Dueñas


School: Matanao National High School
District: Matanao 1
Division: Davao del Sur
Illustrator: Jade F. Solis
District: Sta. Cruz South
School: Sta. Cruz Central Elem. School
Division: Davao del Sur
In House Editors
Content: Adelma D. Cudera
School: Sta. Cruz National High School
District: Sta. Cruz South
Division: Davao del Sur
Language: Adelma D. Cudera
School: Sta. Cruz National High School
District: Sta. Cruz South
Division: Davao del Sur
Layout:
School:
District:
Division:

You might also like