You are on page 1of 1

Kahulugan ng Dula at mga Kinakailangan Nito Para Maging Buhay

Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa pamamagitan
ng mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na ginaganap sa
isang tanghalan. Ito ay naglalahad ng katotohanan, propaganda o editorial na may layuning
makisangkot ang mga manonood. Masasalamin dito ang kahapon, kasalukuyan at bukas ng
isang bayan. Masasabing ito ang pinakamagandang uri ng panitikan sapagkat pumapasok dito
ang lahat ng uri ng tula – may damdamin, may itinuturo, pumupuna, nanunudyo, naratibo – na
nagbibigay ningning sa kabuuan ng dula (Lalic, E. at Matic, A., 2004).

Ang dula sa masining at maagham nitong katuturan na sa Gresya na pinasimulan ng mga


batikang klasikong dramaturgong sina Aeschylus, Sophocles, at Euripides, ayon na rin kay
Aristotle, ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.

Ang dula ay kinakatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay – sa wika, sa kilos
at damdamin, sa sining – upang makaaliw, makapagturo o makapagbigay-mensahe o basta
makaantig ng damdamin at makapukaw ng isip.

You might also like