You are on page 1of 6

DULA

• Introduksyon
• Ang dula ay isang paglalarawan ng buhay. Ayon nga
kay Aristotle, isang pilosopong Griyego, ito ay
imitasyon o panggagagad ng buhay. Kaya nga
inaangkin ng dula ang lahat ng katangiang umiiral
sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.
• Mahalagang sangkap sa buhay ng tao ang
pagtataglay ng suliranin o problema sapagkat ito
ang nagbibigay ng kulay sa buhay. Ang suliranin ay
maaaring likas o umiiral at maaari ring likha lamang.
• Ang anyo ng dula ay ayon sa gumagalaw na tauhan
at sa kanilang dayalogo o sinasabi.
• Katuturan ng Dula
• Ang dula ay isa sa maraming paraan ng
pagkukwento. Ito’y may tawag na hango sa salitang
Griyego—Drama– nangangahulugang gawin o ikilos
(Rubel).
• Ito ay isang uri ng panitikang nahahati sa ilang
yugto na maraming tagpo. Ang pinakamahalagang
layunin ng panitikang ito ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matututuhan ng isang manunuri o
kritiko ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.
• Isang larawan ng buhay na sinasangkap ng wika, damdamin at
sining. Ito’y sinusulat hindi upang sulatin at basahin lamang.
Hinahabi ito upang itanghal at makaaliw.

- Consolacion Sauco
• Sinasabi ring ang dula ay isang uri ng sining na may layuning
magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood (kung
itinatanghal) o mambabasa (kung nakalimbag o isinaaklat) sa
pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto na
kaugnay ng sining na ito.
• Ito ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng
isang bayan. Parang buhay na inilalarawan dito sa atin ang buti at
sama ng isang bayan; ang mabuti ay upang pulutin at masama ay
upang iwasan at di gawin.

- Schiller at Madame De Staele
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/sining-
at-agham-ng-pag-aaral-ng-dula.html

You might also like