You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY


Magalang, Pampanga
COLLEGE OF EDUCATION

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan ay inaasahang matatamo ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
a) Naisusulat ang iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian
ng pangunahing tauhan sa epiko.
b) Naitatanghal ang nabuong informance iskrip.
c) Nabigbigyang buhay at halaga ang elemento ng isang epiko.
II. ARALIN
A. Paksa: Prinsipe Bantugan ( informance )
B. Mga Kagamitang Panturo:
1. Mga Sanggunian
Filipino 7 : Panitikang Rehiyonal
a. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral: p.45
b. Youtube
c. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
d. Mga Pahina sa Teksbuk
2. Iba Pang Karagdagang Kagamitan: Biswal, pisara, TV screen,
bidyo klips, at PowerPoint Presentation
C. Metodolohiya: Deduktibo
III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Paunang Gawain
Magandang umaga Appreciation!
(Tutugon ang mga mag – aaral )
Magandang araw po guro!
Nalalapit na tayo sa pinakamasayang
parte ng ating aralin nasasabik na ba
kayo? (Tutugon ang mga mag – aaral )
Opo.
Kung gayon ay simula muna natin ang
ating araw sa isang panalangin na
pangungunahan ni Patrick. Tumayo ang
lahat at yumuko para sa ating
panalangin. ( Sabay sabay na tatayo para sa
panalangin at yumuko )
Patrick : Yumuko po tayong lahat at
manalangin. Sa ngalan ng Ama, ng
Anak, at ng Espiritu Santo,
Salamat Patrick para sa iyong Amen.
panalangin, bago tuluyang maupo muli,
nakikiusap ako na ayusin muna ang
mga upuan at pulutin ang iilang piraso
ng kalat sa ibaba ng kinauupuan at
tahimik na umupo habang ako’y
nagmamarka ng mga wala sa ating
klase. Gayundin ay maupo ng
matuwid ,at habang akoy naghahanda
ng ating mga kagamitang panturo maari
bang ilabas ang mga kuwaderno at
ipasa paharap upang malagyan ko na
rin lahat ng grado. Ang mga paalalang
ito a hindi mawawala kaya naman sana
ay ginagawa natin ito kahit na wala ang
guro.
(Uupo ang mga mag-aaral at pupulutin
ang piraso ng papel at balat ng kendi sa
ilalim ng kanilang mga upuan at umupo
ng matuwid.
Sunod-sunod na araw na tayo ay
kumpleto ang bilang sa loob ng klase
kaya naman, kayo ay may
karagdagang puntos.

Bago tayo muling dumako sa ating


aralin at nakatakdang gawain, ano-ano
na ba ang natanim na mga kaalaman sa
ating mga isip?

B . Pagganyak
Bago tayo magsimula magkaroon muna
tayo ng iilang katanungan para sa ating
pagbabalik tanaw.
Ang makakasagot sa mga tanong na ito
ay may karagdagang puntos sa mga
susuknod na gawain.

Saang rehiyon nga muli nagmula ang


epikong si Prinsipe Bantugan?
( Nagtaas ng kamay si Cris at
tumugon )
Cris : Sa Mindanao po! Ito ay epiko ng
mga maranao.
Magaling Cris! Ang epikong ating
tinalakay ay galling sa Mindanao.
Mahusay!
Maari ka ng umupo Cris.

Ano ang ipinagutos ng hari upang


lumayo si Bantugan sa kaniyang lupang ( Nagtaas ng kamay si Harrold at
pinagmulan? tumugon )
Harry :Ipinagutos ng hari na walang
sinoman ang kakausap sa kapatid dahil
sa inngit nito kay Bantugan.
Mukhang hindi pa rin nakakalimutan
ang kuwentong ating pinag-usapan at
mabuti iyon. Salamat at maupo ka na
muli Harry.

Kung ika’y papipillin ano kayang


kaatangian ni bantugaan ang gusto
mong gayahin? Pakinggan natin si
Allan. ( Tumayo at tumugon si Allan )
Allan : Nais ko pong taglayin ang
pagiging matapang at mapagmahal na
kapatid ni Bantugan. Dahil dito siya ay
minahal ng lahat.
C. Pagtalakay sa Aralin
Tapos na tayo sa pagtalakay ng sanhi
at bunga ngayon ay magkakaroon tayo
ng panibagong aralin at pagtutuunan ng
pansin. Ito ay ang Informance.
May nakakaalam ba kung ano ang ibig
sabihin ng informance? Kung wala ay
pakibuksan aat basahin ang kahulugan
nito.
Ciara maari mo bang basahin ang
kahulugan nito anak.
( Tumayo at nagbasa si Ciara )

Salamat, Ciara maari ka ng umupo.


( Umupo si Ciara )
Mula sa kahulugan nito ang informance
raw ay mula sa anong salita Ken?
( Tumayo at sumagot si Ken )
Ken : Information at performance.
Tama! Maari ka ng umupo Ken.
( Umupo si Ken )
Ag informance ay ang pinagsamang
information at performance. Isang uri ito
ng dulang pagtatanghal na nagbibigay
ng impormasyon na ang tauhan ay may
angkop na kasuotan . At sinabi rin na
tampok sa informance ang pagbabahagi
ng malinaw na impormasyon sa
pamamagitan ng pagtatanghal. Maikling
oras lamang ang inilalaan sa
pagtatanghal na may halong sayaw,
awit, kilos, at tulaang may tugma upang
madaling matandaan. Karaniwang
tauhang madaling tandaan ang
iniahahayag rito.
Ano nga ulit ang Informance Bryle?
( Tumayo si Bryle at tumugon )
Bryle : Dulang ay awit, sayaw at kilos na
nagbibigay imormasyon at ang
karaniwang ipinapakilala ditto ay mga
tauhang madaling tandaan.
Ngayon bilang tapos na tayo sa
pagtatalakay ng Prinsipe Bantugan ay
magakakaroon tayo ng isang
pagtatanghal.
Nasasabik na ba kayo?

D. Paglalapat ng Aralin
Bilang punmapatungkol tayo sa
infromance kayo ay inaatasang
gumawa ng iskrip na siyang
magpapakilala sa mga karakter na
nabanggit sa kuwento.
Panuto : Mula sa epikong Prinsipe
Bantugan magsulat ng iskrip na siyang
magpapakilala sa mga karakter ayon sa
kanilang katayuan sa buhay at papel sa
kuwento.

E. Paglalahat
Bilang pagpapaikli at paglalahat. Ang
informance ay ang pinagsamang
information at performance. Ito’y anyo
ng dula na mayroong awit, sayaw at
pag arte. Sa parang ito ay nabubuhay
ang mga karakter sa kuwentong binasa
at nabibiyang halaga ang mga aral at
katangian na mayroon sila.

Nakakasunod ba?
( Tumugon ang mga mag-aaraal )
Opo!

IV. PAGTATAYA
Panuto : Mula sa nabuong iskrip bilang isang klase ay inaatasang bigyan buhay
ang mga karakter na napapaloob sa epikong tinalakay na “ Prinsipe Bantugan “
sa pamamagitan ng pagbuo ng isang informance.
V. KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto :Sa isang buong papel ay bigyang pakahulugan ang “Maikling Kuwento”
Inihanda ni: Sinuri ni:

SUNDY F. DELANTAR JOCELYN R. MANALILI SST-1


Student Teacher, PSAU Cooperating Teacher, Ayala High School

You might also like