You are on page 1of 10

7

KUWARTER 1: UNANG LINGGO

ARALIN BLG. 1

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


1

AP-K1-W1-L1

CapSLET
Araling Panlipunan
Asignatura at
APG7 KUWARTER 1 LINGGO 1 ARAW
Baitang dd/mm/yyyy
NILALAMAN Ang Heograpiya ng Asya
KASANAYANG 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating-
PAMPAGKATUTO heograpiko: Silangang Asya, Timog- Silangang Asya, Timog Asya
Kanlurang Asya, Hilagang Asya AP7HAS-la-1.1

PAALALA: Huwag isulat ang sagot dito. Gamitin ang kalakip na Learner’s Activity and
Sheet para sa inyong mga sagot.

ALAMIN AT UNAWAIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

TUKLASIN: Paano maipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating


heograpiko: Silangang Asya, Timog-Asya,Timog-Silangang Asya, Kanlurang Asya at
Hilagang Asya.

Sa pag-aaral ng kasaysayan ng Asya, mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng


Heograpiya sa kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga bansang Asyano. Heograpiya ang
tawag sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Katulad ng pag-aaral natin sa
kasaysayan ng Pilipinas, mahalaga rin na pag-aralan natin ang kontinenteng Asya sapagkat
tayo ay nabibilang sa kontinenteng ito.
Ang Asya ay isang rehiyon kung saan matatagpuan ang ibat ibang lahi, sistemang
pulitikal, gawaing pangkabuhayan, relihiyon, wika at iba pang katangian ng kabihasnan.
Subalit sa masusing pag-aaral ng mga bansang Asyano, makikitang mas dominante ang
pagkakapareho kaysa sa pagkakaiba. Mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagkaka-
pareho kaysa sa pagkakaiba upang makita natin ang mga nag-uugnay sa atin bilang mga
Asyano.
Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa
pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Ang pitong kontinente ay ang; North
America, South America, Europe, Australia, Africa, Antartika at Asya. Isa sa mga paraan
nang pagkuha ng lokasyon ng isang kontinentekontinente at bansa ay sa pamamagitan ng
pagtukoy ng latitude (dinstansiyang angular nanatutukoy sa hilaga o timog ng equator) at
longitude (mga distanyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng prime meridian)
nito.
Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga kontinente sa daigdig.
Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104 kilometro kuwadrado,halos
katumbas nito ang pinagsamang-samang lupain ng North America, South America, at
Australia at halos sangkapat lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong bahagi ng
kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.

Nahahati sa limang rehiyon ang Asya : Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at


Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-
alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal, at kultural na aspekto.
2

AP-K1-L1-A1

Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan,
Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia), Mongolia,
at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia. Sa Kanlurang
Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya, at Europe. Dito
nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait),
Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at
Turkey.

Bahagi naman ng Timog Asya ang India: mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan, at
Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng
Sri Lanka at Maldives. Ang Timog-Silangang Asya ay minsang binansagang Farther India at
Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang
rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub-regions: ang Mainland Southeast Asia
(Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at Insular Southeast Asia (Pilipinas,
Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor). Ang Silangang Asya ay binubuo ng
China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan.
MAPA NG ASYA AT MGA REHIYON NITO

PICTURE REFERENCES:
Retrieved from:
https://www.google.com/search?q=hilagang+asya+map&tbm=isch&ved=2ahUKEwjBltbjxJLqAhWAx4s
https://www.google.com/search?q=asia+map&tbm=isch&chips=q:asia+map,g_1:simple:dACrHkrQucU%3D&hl=en&ved=2ahUKEwj2jePfxJLqAhWiJqYKHTDtAo8Q4lYoBXoECAEQHw&biw=973&bih=5
27#imgrc=xZg_baGYYRE7fM
https://www.google.com/search?q=kanlurang+asya+map&tbm=isch&ved=2ahUKEwjBltbjxJLqAhWAx4sBHbLECA4Q2-
cCegQIABAA&oq=kanluran&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyBAgAEEMyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BwgjEOoCECc6BAgjECc6BQgAELEDUJHzBljYgAdg-
4YHaAFwAHgAgAGkAYgBygeSAQMwLjiYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCg&sclient=img&ei=riDvXsGHOoCPr7wPsomjcA&bih=527&biw=973&hl=en#imgrc=OZnHKjHFgTRPQM
https://www.google.com/search?q=timog+silangang+asya&hl=en&tbm=isch&sxsrf=ALeKk00NutP0QZ0odb2M-
DQTBafe943qPw:1592730477753&source=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwieteWyx5LqAhXoyosBHQuOCoIQ_AUICigB&biw=990&bih=544&dpr=1.25#imgrc=V-gIQzT2Qw8pUM
https://www.google.com/search?q=silangang+asya&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQgqHix5LqAhV0zIsBHfYABvYQ2-
cCegQIABAA&oq=silanga&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAA6BwgjEOoCECc6BAgjECc6BQgAELEDUL-
yCFjbvghg48cIaAFwAHgAgAGdAYgBwgeSAQMwLjeYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCg&sclient=img&ei=0SPvXpDWEfSYr7wP9oGYsA8&bih=544&biw=990&hl=en#imgrc=sV0HwKXH1ebHvM
3

AP-K1-L1-A1

MAGAGAWA MO…
Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating-heograpiko: Silangang Asya,
Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at Hilagang Asya.

Simulan Natin!

Gawain 1:

A. Gawin Natin!
PANUTO: Taglay ang iyong kaalaman mula sa isinigawang pagbabasa, pagsusuri at
pag-unawa tungkol sa konsepto ng Asya, sagutin ang mga tanong ng buong husay.

Magbigay ng maikling
pagpapaliwanag hinggil sa
konsepto ng Asya

Anu-ano ang salik na


pinagbasehan sa paghahati ng mga
rehiyon sa Asya?

Pamprosesong tanong
1. Ipaliwanag ang konsepto ng paghahati ng Asya sa mga rehiyon.
2. Sumasang-ayon ka ba sa mga batayan ng paghahating-heograpiko? Oo o hindi? Bakit?
3. Ang Asya ba ay isang rehiyong heograpikal at kultural? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Kaya Mo To!
Gawain 2:

Pagbubuo ng Sanaynay
Ilahad ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbuo ng isang sanaysay hinggil sa
paghahati ng Asya sa mga rehiyon. Marapat ba na tawagin heograpikal at kultural na mga
sona ang ginawang paghahati? At bilang mag-aaral at Pilipino paano mo ipakita ang iyong
pagmamalaki bilang isang Asyano.
RUBRIK PARA SA PAGBIBIGAY NG MARKA SA SANAYSAY

Pamantayan Mahusay Sapat Kaunti Kulang Marka


(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
1. Tiyak ang paksa/ May malaking May kaugnayan Kaunti lang ang Di sapat ang
mesahe kaugnayan sa sa paksa ang kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa ang sanaysay paksa ng paksa ng
sanaysay sanaysay sanaysay
2. Wasto at Ang mensahe ng Di gaanong Medyo magulo Walang
magkakaugnay ang pangungusap ay naipakita ang ang mensahe sa mensaheng
mga pangungusap/ mabisang mensahe sa Pangungusap naipakita sa
simbolo naipakita pangungusap pangungusap
3. Malinaw na Malinaw at Malinaw na Di gaanong Walang malinaw
naiparating ang tumpak na naiparating ang malinaw na na ideya ang
ideya naiparating ang Ideya sa sanaysay naiparating ang sanaysay
mga ideya sa ideya
sanaynay
4
AP-K1-L1-A1

4. Nakahihikayat sa Lubos na Nahikayat ang Nakinig o Walang dating


mga magbabasa/ nahikayat natuwa mga mambabasa nagbasa ang mga ang sanaysay sa
makikinig at naging aktibo o nakikinig sa panauhin sa mga mambabasa
ang mga sanaysay o nakikinig
magbabasa o sanaysay
nakinig sa
sanaysay
KABUUAN

TANDAAN MO…
Tulong-Kaalaman

Mahalagang maunawaan na ang konsepto ng paghahating panrehiyon ay binuo


lamang ng tao batay sa pagkakapareho sa katangiang heograpikal, pisikal,
historical at kultural.

Mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng Asya upang makita natin ang


mahahalagang naiambag ng mga Asyano sa kasaysayan at kultura.

Sa pag-aaral ng kasaysayan ng Asya, mahalagang taglayin ang pananaw na


Asian-centric o pananaw na nagbibigay -diin sa ambag ng Asya sa sarili nitong
kabihasnan at sa kabihasnan ng daigdig sa pangkalahatan.

Ang mga rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona. Ibig
sabihin isinasaalang-alang sa paghahati ang pisikal, historical at kultural na mga
salik

Ang mayamang kultura at mahabang kasaysayan ng Asya ay higit na mauunawaan


kung batid natin ang pisikal na heograpiya at heograpiyang pantao

NATUTUHAN KO…
Subukin natin kung kaya mo!

MARAMIHANG PAGPIPILI (MULTIPLE CHOICE)


PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa iyong assessment sheet.
1. Para sa iyo, alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapaliwanag sa konsepto ng Asya
a. Ang Asya ay isang kontinente na may malawak na lupain.
5

AP-K1-L1-A1

b. Ang Asya ay isang rehiyon kung saan matatagpuan ang iba’t ibang lahi, sistemang
pulitikal, gawaing pangkabuhayan, relihiyon, wika at iba pang katangian ng kabihasnan
c. Maraming pagkakatulad sa mga kuturang Asyano
d. Ang kontinenteng Asya ay tahanan ng sibilisasyon
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng Asya?
a. Dahil sagana sa likas na yaman ang Asya
b. Upang makita natin ang mahahalagang naiambag ng mga Asyano sa kasaysayan
at kultura
c. Dahil pinakamalaki ang kontinente ng Asya
d. Dahil maraming tanyag na personalidad sa Asya
3. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog , Timog-Silangan
at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga
rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong maliban sa;
a. pisikal na aspekto
b. relihiyon na aspekto
c. historikal na aspekto
d. kultural na aspekto
4. Bakit tinaguriang pinakamalaking kontinente ang Asya?
a. Dahil ang kontinenteng Asya ay lupain ng mga tangway o peninsula
b. Dahil mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan,
lawa at ilog
c. Dahil sangkatlong bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya
d. Dahil sa Asya matatagpuan ang iba’t ibang lahi
5. Bakit sinasabing tagpuan ng tatlong kontinente ang kanlurang Asya
a. Dahil malawak ang teritoryo ng kanlurang Asya
b. Dahil sa rehiyongg ito matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Afica,
Asya at Europe
c. Dahil sagana ang rehiyong ito
d. Wala sa mga nabanggit
6. Ang mga bansa sa rehiyong ito ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central
Asia
a. Hilagang Asya
b. Timog Asya
c. Kanlurang Asya
d. Timog-Silangang Asya
7. Bakit minsang binansagan ang Timog-Silangang Asya bilang Farther India at little
China
a. Dahil magkalapit ang lokasyon ng mga bansang ito
b. Dahil magkakaibigan ang mga bansang ito
c. Dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito
d. Dahil sa makukulay ang kultura ng Timog-Silangang Asya
8. Para sa iyo alin sa mga sumusunod ang napapakita ng pagpapahalagang Asyano
a. Pagrerespeto sa mga paniniwalang Asyano.
b. Ang paggalang sa mga magulang at nakatatanda
c. Ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pangkalahatang interes ng lipunan
d. Lahat ng nabanggit
9. Para sa iyo, alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa kontinenteng Asya.
a. Isang rehiyon kung saan matatagpuan ang iba’t ibang lahi, sistemang pulitikal,
gawaing pangkabuhayan, relihiyon, wika at iba pang katangian kabihasnan.
b. May pagkakapareho ang mga kultura at kasaysayang dinaanan.
c. Sa Asya umusbong ang mga dakilang relihiyon at pilosopiya
d. Sa Asya umusbong ang mga pinakamatandang lungsod
10. Bilang isang Pilipino at Asyano, paano mo ipakita ang pagpapahalaga at
pagmamalaki bilang Asyano.
a. Mag-aral ng mabuti
b. Pagbibigay halaga sa kultura at paniniwalang Asyano
c. Ipagmalaki ang produktong Pilipino
d. Lahat ng nabanggit
6

AP-K1-L1-A1

Blando, R.C. et. al. (2014). ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba:


Pilipinas ng Eduresources Publishing, Inc., DepEd-IMCS,16-18
SANGGUNIAN
Mateo, G.C. et.al. (2005). Kabihasnang Asyano: Kasaysayan at Kultura:
Vibal Publishing House, Inc.

DISCLAIMER
This learning resource contains copyright materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan for this division in this time of pandemic. This LR is
produced and distributed locally without profit and will be used for educational purposes
only. No malicious infringement is intended by the writer. Credits and respect to the original
creator/owner of the materials found in this learning resource.
7

AP-K1-L1-A1

Pangalan: _________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon: _________________________ Petsa: __________________________
Paaralan: ________________________________________________________________

MAGAGAWA MO…
Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating-hegrapiko: Silangang Asya,
Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at Hilagang Asya

Simulan Natin!

Gawain 1:

Magbigay ng maikling
pagpapaliwanag hinggil sa
konsepto ng Asya

Anu-ano ang salik na


pinagbasehan sa paghahati ng mga
rehiyon sa Asya?

Pamprosesong tanong :

1. Ipaliwanag ang konsepto ng paghahati ng Asya sa mga rehiyon


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Sumasang-ayon ka ba sa mga batayan ng paghahating-heograpiko? Oo o hindi? Bakit?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ang Asya ba ay isang rehiyong heograpikal at kultural? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
8

AP-K1-L1-A1

Kaya Mo To!

Gawain 2:
Pagbubuo ng Sanaynay

Ilahad ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbuo ng isang sanaysay hinggil sa


paghahati ng Asya sa mga rehiyon. Marapat ba na tawaging heograpikal at kultural
na mga sona ang ginawang paghahati? At bilang mag-aaral at Pilipino paano mo
ipakita ang iyong pagmamalaki bilang isang Asyano.

_________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

NATUTUHAN KO…
Subukin natin kung kaya mo!

MARAMING PAGPIPILIAN (MULTIPLE CHOICE)

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
KEY ANSWER:
1.b
2.b
3.b
4.c
5.b
6.a
7.c
8.d
9.a
10.d

You might also like