You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

I. Layunin
 Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –heograpiko: Silangang Asya,
Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya
(AP7HAS-Ia-1.1)
II. Paksa Aralin
a) Paksa: Ang Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating-Heograpiko
b) Sanggunian: Self Learning Module - Araling Panlipunan 7 Unang Markahan – Modyul 1:
ph 5-13
c) Kagamitan: Self Learning Module - Araling Panlipunan 7 Unang Markahan – Modyul 1:
ph 5-13
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pagsasaayos nag silid
B. Balik-Aral
Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagsasaad ng tamang
impormasyon at Mali naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang
iyong mga kasagutan.

_______1. Sa Timog - Silangang Asya matatagpuan ang Pilipinas.


_______2. Iisang paniniwala ang umiiral sa buong kontinente ng Asya.
_______3. Ang Pilipinas na tinatawag na Perlas ng Silanganan ay bahagi ng Asya.
_______4. Ang mundo ay binubuo ng limang kontinente.
_______5. Ang bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig.
C. Paglalahad
1. Paggan yak
Ilarawan ang mga sumusunod na larawan at ilagay ang mga titik sa tamang
pagkakasunod-sunod upang makagawa ng isang salita.

1) AYIPARGOEH
2) NOYSAKOL
3) ETNENITNOK
4) AYSA
5) DUTITLA
2. Pagtalakay
Panuto: Gamit ang talahanayan, ipaliwanag ang mga konsepto na tumutukoy sa
Asya tungo sa paghahating heograpiko. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga
kasagutan.
Anyong Lupa Anyong Tubig
Hilagang bahagi Asya
Timog na bahagi Asya
Kanlurang bahagi ng Asya
Silangang bahagi ng Asya

3. Pagpapahalaga
Bilang mag-aaral at isang Asyano, papaano mo pangangalagaan ang Asya? sa
anong paraan mo ito ipapakita?

4. Gawaing Pagpapahalaga
Gumawa ka ng isang tula tungkol sa Asya. Nararapat na nakapaloob sa tula
ang mga konseptong: pinagmulan ng salitang Asya, lokasyon at sukat, at
paghahating heograpikal nito. Susubukin sa gawaing ito ang iyong kahusayan
tungkol sa konsepto ng Asya tungo sa paghahating-heograpikal at ang iyong
pagkamalikhain. Limitahan lamang sa apat na saknong ang iyong tula. Sa bawat
saknong (o grupo ng mga taludtod o stanza), nararapat na mayroon itong apat na
taludtod (o linya ng mga salita sa tula).

RUBRIKS PARA SA PAGGAWA NG TULA


5 4 3 2 1
Lahat ng mga Apat lamang sa Tatlo lamang Dalawa o isa Walang
mahalagang mahahalagang sa lamang sa mahahalaga
konsepto ng konsepto ng mahahalagang mahahalagang ng
Nilalaman Asya ay Asya ang konsepto ng konsepto ng konsepto ng
naggamit sa naggamit sa Asya ang Asya ang Asya ang
pagsulat ng pagsulat ng naggamit sa naggamit sa naggamit sa
tula. tula. pagsulat ng pagsulat ng pagsulat ng
tula. tula. tula.
Napakalalim at Malalim at Bahagyang Bahagyang Mababaw at
makahulugan makahulugan may lalim at may lalim at literal ang
ang kabuuang ang kabuuang hindi hindi mensahe.
Mensahe mensahe ng mensahe ng masyadong makahulugan
tula . tula . makahulugan ang kabuuang
ang kabuuang mensahe ng
mensahe ng tula .
tula.
Di Kahanga- Hindi Katanggap- Hindi
pangkaraniwan hangang estilo masyadong tanggap ang nagpakita ng
g estilo ang ang ipinakita kahanga- estilo ang pagkamalik-
Pagkamalikhain ipinakita sa sa pagsulat ng hanga ang ipinakita sa hain sa estilo
pagsulat ng tula. estilo ang pagsulat ng ng
tula. ipinakita sa tula. pagkasulat
pagsulat ng ng tula.
tula.
D. Paglalahat
Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya ng Asya at ang paghahating
heograpiko nito?

IV. Paglalapat
Bakit mahalagang pag-aralan ng mga Asyano ang konsepto at heograpiya ng
Asya?
V. Takdang Aralin
Gumuhit ng mapa ng Asya at lapatan ng mga bansang nabibilang sa bawat rehiyon nito.

Inihanda ni: THEREZA C. RONQUILLO

You might also like