Gawain Sa Pagkatuto Araling Panlipunan 5 Unang Markahan - Unang Linggo

You might also like

You are on page 1of 2

Gawain sa Pagkatuto

Araling Panlipunan 5
Unang Markahan – Unang Linggo

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: _________ Seksiyon:


________________

Blg. Ng MELC: 1
MELC: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan

Pamagat ng Aralin:
Lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng Kasaysayan

Panuto:
Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.
Gawain:

Malaki ang naitulong ng Mapa sa pagtukoy sa lokasyon ng mga lugar sa daigdig. Ang
pagtatagpo ng mga likhang isip na mga guhit sa kabuuan ng grid ay ginagamit sa pagtukoy ng
eksaktong lokasyon o tiyak na kinalalagyan ng isang lugar.Ang tiyak na lugar ay
naipahahayag sa pamamagitan ng longhitud at latitude. Ang bawat isang guhit sa mapa ay
may itinakdang digri. Sa pagkilala at pagbasa sa mga digri ng latitud at longhitud at ng
kanilang pagtatagpo sa grid, natutukoy ang eksaktong lokasyon. Ang longhitud ang angular
na distansya pasilangan o pakanluran mula sa Prime Meridian. Ang latitud naman ang
anggular na distansya pahilaga o patimog mula sa ekwador.
May dalawang paraan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng Pilipinas, ang insular at
bisinal. Insular ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas. Bilang
bansang arkipelago, napalilibutan ang Pilipinas ng mga katubigan: ang Pilipinas ay nasa timog
ng Bashi Channel; kanluaran ng Pacific Ocean; hilaga ng Celebes Sea; at silangan ng West
Philippine Sea. Bisinal (vicinal) naman ang paraan sa pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas batay
Page 2 of 3
sa mga kalupaang nakapalibot dito: timog ng Taiwan; hilaga ng Malaysia at Indonesia;
kanluran ng Guam; at silangan ng Vietnam. .
Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.
_______________1. Ito ang anggular na distansya pahilaga o patimog mula sa ekwador.
_______________2. May malaking maitulong ito sa pagtukoy ng “Absolute Location” ng
mga lugar sa daigdaig gaya ng bansang Pilipinas.
_______________3. Ito ang anggular na distansya pasilangan o pakanluran mula sa
Prime Meridian.
_______________4. Ito ang paraan sa pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas batay sa mga
kalupaang nakapalibot nito.
_______________5. Ito ang katubigang nakapaligid sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
_______________6. Ito ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa
Pilipinas
_______________7. Anong kalupaang nakapaligid sa timog na bahagi ng Pilipinas?
_______________8. Bakit ang Pilipinas ay sinasabing isang bansang arkipelago? B. Iguhit
ang mapa ng Pilipinas nangpapakita ng mga katubigang nakapaligid dito.
Page 3 of 3

Rubrik sa Pagmamarka
Kraytirya Mahusay Katamtaman Nangangailangan
5 3 ng pagpapabuti
1

Paksa Angkop at May maliit na Walang kaugnayan


eksakto ang kaugnayan ang
iginuhit sa iginuhit
aralin

Pagkamalikhain Gumamit iba’t Gumamit ng Hindi makulay


ibang kulay isang kulay
lamang

Kalinisan Malinis ang Malinis art may Minadali ang


pagkakaguhit at ilang mga bura paggunit
walang mga bura

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Ma. Cristina P. Zagala Kathlyn C. Capunay Guro III Dalub Guro I

You might also like