You are on page 1of 4

What is Dementia?

Ano nga ba ang dementia or neurocognitive disorder or in tagalog nag uulyanin, ito ay isang term na
naglalarawan sa iba’t ibang sintomas na nakakaapekto sa cognitive functioning ng isang tao, kabilang
dito ang kakayahang mag isip, makaalala, magbigay ng rason at ng iba pang mental abilities. At
kadalasan nangyayari ito sa mga matatanda, but it is not a normal part of aging. Kasi po may matatanda
naman na kahit na 90’s na pero hindi pa naman sila nag uulyanin. Ang mga taong may dementia ay mga
problema or nahihirapan sa pag iisip at pag alala na nakakaapekto sa kanilang pang araw araw na buhay.

What are the signs and symptoms of dementia?


-So it means magkakaroon tayo ng senyales o sintomas ng dementia kapag ang healthy neuron, o nerve
cells, sa utak ay huminto sa paggana, nawalan ng koneksyon sa ibang mga selula ng utak.

So ano nga ba ang mga signs and symptoms.

1. Ito ang pinaka common symptom ng dementia, ang taong may dementia ay nahihirapang maalala ang
mga bagong information na nalaman, gaya ng pangalan ng kausap, petsa or events.

2. Ang taong may dementia ay maaaring mahirapang makipag usap, o maunawaan ang kanila kausap
dahil may tendency na makalimutan nila ang sinsabi nila or makalimutan nila ang sinasabi ng kausap
nila.

3. Maaring makalimutan nila kung nsaang lugar na sila.

4. Challenging din sa kanila ung maghandle ng pera para magbyad ng mga bills.

5. Paulit-ulit na mga tanong

6. Paggamit ng mga hindi pangkaraniwang salita upang tumukoy sa mga pamilyar na bagay

7. Nagtatagal sila sa mga araw araw na ginagawa nila kasi nga nakakalimutan nila kung ano ang gagawin
nila.

8. Ang taong may dementia ay nahihirapang tapusin ang kanilang gawain na palagi nilang ginagawa. Hal.
Yung pagtitimpla ng kape, or pagluluto.

9. Hallucinating o nakakaranas ng mga delusyon o paranoya

10. Kumilos nang pabigla-bigla

11. Hindi nagmamalasakit sa damdamin ng ibang tao

12. Nawalan ng balanse at mga problema sa paggalaw

What causes dementia?


Iba iba ang nagiging cause ng dementia kasi depende yun sa mga uri ng pagbabago na maaring
maganap sa utak ng bawat tao. But most cases, the underlying causes are unknown. Although there is
no proven prevention, in general, makakatulong sa atin yung healthy lifestyle natin to prevent this cause
of dementia.

What are the different types of dementia?


So ano po ba ang NEURODEGENERATIVE disorders, ito po yung tuloy tuloy ng masisira yung utak mo at
wala pong lunas sa sakit na ito.

The five most common forms of dementia are:

Alzheimer’s disease,
ang pinakakaraniwang diagnosis ng demensya sa mga matatanda. Ito ay sanhi ng mga pagbabago sa
utak, kabilang ang mga abnormal na buildup ng mga protina, na kilala bilang amyloid plaques at tau
tangles.

Frontotemporal dementia,
isang bihirang anyo ng demensya na malamang na mangyari sa mga taong mas bata sa 60. Ito ay
nauugnay sa abnormal na dami o anyo ng mga protina na tau at TDP-43.

Lewy |body dementia,


isang anyo ng demensya na dulot ng abnormal na deposito ng protina na alpha-synuclein, na tinatawag
na Lewy bodies.

Vascular dementia
Ito po yung sa mga taong na stroke, so sa mga pasyente or sa mga taong na stroke nakakaranas ito
dementia.

How is dementia diagnosed?


Upang masuri ang dementia, tinatasa muna ng mga doktor kung ang isang tao ay may pinagbabatayan,
potensyal na magagamot, na kondisyon na maaaring nauugnay sa mga paghihirap sa pag-iisip. Ang isang
pisikal na pagsusulit upang sukatin ang presyon ng dugo at iba pang mahahalagang palatandaan,
gayundin ang mga pagsusuri sa laboratoryo ng dugo at iba pang mga likido upang suriin ang mga antas
ng iba't ibang kemikal, hormone, at bitamina, ay maaaring makatulong sa pagtuklas o pag-alis ng mga
posibleng sanhi ng mga sintomas.

Ang pagsusuri sa medikal at family history ng isang tao ay maaaring magbigay ng mahahalagang
pahiwatig tungkol sa panganib para sa dementia. Maaaring kabilang sa mga karaniwang tanong ang
pagtatanong kung ang demensya ay tumatakbo sa pamilya, kung paano at kailan nagsimula ang mga
sintomas, mga pagbabago sa pag-uugali at personalidad, at kung ang tao ay umiinom ng ilang mga
gamot na maaaring magdulot o magpalala ng mga sintomas.

THE FOLLOWING PROCEDURES ALSO MAY BE USED TO DIAGNOSE DEMENTIA:

-Cognitive and neurological tests.


Ito yung test na ginagawa ng doctor kung saan ineexamine yung kakayahan ng utak, kung
nakakaramdam, kung kaya bang gawin ung sinasabi or kayang nyang sagutin ung tinatanong ng doctor.
So un ang cognitive and neurological tests.

Brain Scans.
Most common scans are:
CT scan - It typically takes at least 5 minutes. Because their using radiation. Excellent for Organs
of the body and bony details.

MRI – ito po yung ipapasok yung buo mong katawan sa isang machine para ma scan yung whole
body. Sa MRI hindi ka expose sa harmful radiation. So kailangan mong Iremove lahat ng metal sa
katawan like eye glasses, relo hikaw or any kind of jewelries. Sa MRI it typically takes at least 30
minutes. MRI no radiation at all. Excellent for cell tissue

PET – also using radiation, it takes 45 minutes to test you, kasi unti unti nyang tinetest katawan
mo. Dito mo rin malalaman kung may dementia and isang tao.

-Psychiatric evaluation
Makakatulong ang pagsusuring ito na matukoy kung ang depresyon o ibang kondisyon sa kalusugan ng
isip ay nagdudulot o nag-aambag sa mga sintomas ng isang tao.

Genetic tests.
Ang ilang mga dementia ay sanhi ng mga gene ng isang tao. Sa mga kasong ito, ang isang genetic na
pagsusuri ay maaaring makatulong sa mga tao na malaman kung sila ay nasa panganib para sa
demensya. Mahalagang makipag-usap sa isang genetic counselor bago at pagkatapos masuri, kasama
ang mga miyembro ng pamilya at ang doktor.

Blood Tests.
Posible na ngayon para sa mga doktor na mag-order ng pagsusuri sa dugo upang masukat ang mga antas
ng beta-amyloid, isang protina na hindi normal na naipon sa mga taong may Alzheimer's. -Ang ilang iba
pang mga pagsusuri sa dugo ay nasa pagbuo. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng mga diagnostic test na
ito para sa Alzheimer's at mga kaugnay na dementia ay limitado pa rin

You might also like