You are on page 1of 6

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG

PILIPINO 11

Pangalan: __________________________________ Baitang/Pangkat: _____________


Paaralan: __________________________ Guro: ___________________ Iskor: ________

UNANG SEMESTRE
PAUNANG PAGSUSULIT

I. Panuto: Kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin
ang
titik ng tamang sagot.

_____1. Isang lingguwista at propesor na nagbigay ng pagpapakahulugan


sa wika bilang masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at
isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
a. Archibald Hill b. Bouman
c. Brown d. Henry Allan Gleason

_____2. Naniniwala naman siya na ang wika ay isang paraan ng


komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar,
para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga
berbal at biswal na signal para makapagpahayag
a. Archibald Hill b. Bouman
c. Gleason d. Sturtevant

_____3. Para sa kaniya, ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt


na anyo ng simbolikong pantao.
a. Archibald Hill b. Finnocchiaro
c. Gleason d. Sturtevant

_____4. Binigyang-pagpapakahulugan niya ang wika bilang isang


sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay
pahintulot sa mga taong may kultura.
a. Finnocchiaro b. Gleason
c. Sturtevant d. Webster
_____5. Ayon sa kaniya, ang wika ay set ng mga simbolikong arbitraryo,
pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng
lahat ng tao.
a. Archibald Hill b. Bouman
c. Brown d. Webster

II. Panuto: Tukuyin kung anong konseptong pangwika ang isinasaad sa bawat
bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.
_____6. “Handa na ba kayo? “Ito ay pamosong linyang binibigkas ni
Korina Sanchez sa programang Rated K.
a. Sosyolek b. Dayalek
c. Etnolek d. Idyolek

_____ 7. Uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring


panlipunan.
a. Diyalekto b. Sosyolek
c. Idyolek d. Etnolek

_____ 8. Ala, eh! Ang kanin eh, malata eh!


a. Sosyolek b. Rehistro
c. Idyolek d. Dayalek
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO 11

_____ 9. Wikang espesyalisadong nagagamit sa isang partiklar na


domeyn.
a. Sosyolek b. Register
c. Etnolek d. Pidgin

_____ 10. Habang naghahanda ng ulat ang guro sa Gmeet biglang


nagsalita ang Roy Ala eh! Bakit walang nagsasalita may
klase ba?
a. Dayalek b. Idyolek
c. Sosyolek d. Etnolek

III. Panuto: Tukuyin kung anong tungkulin at gamit ng wika ang isinasaad
sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
_____ 11. May ibinigay na takdang-aralin ang iyong guro. Para masagot
ito, kailangan mong magsaliksik sa pamamagitan ng
pagkonsulta sa iba’t ibang sanggunian tulad ng
mga aklat at internet.
a. Heuristiko b. Instrumental
c. Impormatibo d. Regulatori

_____ 12. Nagtanong ka sa iyong kaibigan kung saan ang mabilis at


madaling daan para makarating sa inyong
pagkakampingan sa Laguna. Itinuro niya sa iyo ang tama,
mabilis, at ligtas na daan papunta roon.
a. Heuristiko b. Impormatibo
c. Instrumental d. Regulatori

_____ 13. Namamasyal ka sa isang parke. Maganda ang tanawin at


maraming naggagandahang bulaklak. Gusto mo sanang
pumitas para amuyin ang mabango nitong amoy,
pero may nakita kang nakasulat sa isang paskil. Bawal
pumitas ng mga bulaklak.
a. Imahinatibo b. Interaksiyunal
c. Instrumental d. Regulatori

_____ 14. Si Carlos ay mahusay na manlalaro ng basketbol. Dahil kilala


siya sa kanilang eskuwelahan bilang varsity, marami ang
humahanga sa kaniyang husay at galing sa paglalaro.
Umuwi siya ng hating gabi na dahil sa pag-eensayo,
napagsabihan siya ng kaniyang ama dahil delikado na ang
panahon.
a. Regulatori b. Imahinatibo
c. Personal d. Instrumental

_____ 15. Fiesta sa baryo Mabait, abala ang lahat dahil may agarang
lulutuin na dapat mailuto. Si Josie ang tagaluto sa bahay
ni Aling Zeny. Nais niyang subukang iluto ang paborito
niyang menudong Tagalog.
a. Heuristiko b. Instrumetal
c. Personal d.Regulatori

IV. Panuto: Tukuyin ang pinakaangkop na cohesive device sa bawat pahayag.


Isulat ang titik lamang sa iyong sagutang papel.
_____16. Magaling na guro si Elsa, patunay nito, pinarangalan siyang
Teacher of the Year.
a. pinarangalan b. patunay nito
c. magaling d. guro

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO 11

_____17. Malaki ang posibilidad na tumaas ang bilang ng mga taong


mawawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
a. tumaas b. dahil sa
c. pandemya d. mawawalan

_____18. Ginugol ni Bryan ang oras sa paggawa ng takdang-aralin sa


halip na maglaro.
a. takdang aralin b. sa halip
c. ginugol d. maglaro

_____19. Marahil, mas uunlad ang ating bansa kapag nagkakaisa ang
mga Pilipino.
a. nagkakaisa b. Pilipino
c. marahil d. bansa

_____20. Nakuha ni Jane ang pinakamataas na karangalan kahit na


hirap sila sa buhay.
a. kahit na b. pinakamataas
c. ni Jane d. hirap

V. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa sumusunod na pahayag. Isulat


ito sa iyong sagutang papel.

_____21. Isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng kuro-


kuro ng may-akda hinggil sa isang bagay.
a. maikling kuwento b. nobela
c. sanaysay d. tula

_____22. Ang paksa ay hindi karaniwan at nangangailangan ng


matiyagang pag-aaral at pananaliksik.
a. nilalaman b. banghay
c. impormal d. pormal

_____23. Ito’y karaniwang himig nakikipag-usap lamang at hindi


nangangailangan nang masusing pag-aaral upang makasulat
nito.
A. impormal B. banghay
C. nilalaman D. pormal

_____24. Bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa


mahahalagang ideya o punto ukol sa tema at nilalaman ng
sanaysay.
A. simula B. gitna
C. wakas D. tema

_____25. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay


makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa ng isang sanaysay.
Anong elemento ito ng sanaysay?
A. paksa/tema B. kaisipan
C. anyo at istruktura D. damdamin

_____26. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang mahusay na


mananaysay maliban sa __________
A. mabilis mag-isip B. may pinapanigan
C. sensitibo sa kapaligiran D. malikhain

VI. Panuto: Tukuyin kung sanhi o bunga ang isinasaad ng may salungguhit
sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO 11

_____27. Dahil sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal ay


dalawang wikang umiiral sa bansa ang gagamiting
panturo sa paaralan.
A. sanhi B. bunga

_____28. Ang wikang Pambansa ay naging daan sa pagkakaunawaan


kaya ipinanukala ito ni Pangulong Quezon.
A. sanhi B. bunga

_____29. Nagkaroon ng iba’t ibang rebisyon sa Alpabeto at Patnubay sa


Ispeling ng Wikang Filipino upang mas mapalawak at
mapaunlad pa nito ang wika.
A. sanhi B. bunga

_____30. Napili ang Tagalog sapagkat ito ang intelektwalisadong wika na


matatagpuan sa Pilipinas.
A. sanhi B. bunga

VII. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa sumusunod na pahayag.


Isulat ito sa iyong sagutang papel.

_____31. Ano ang negatibong dulot ng social media kung tayo ay


mangangalap ng mga datos doon?
a. Bilang lamang ang nakukuhang likes o komento sa posts
na may kinalaman sa balita o pagpapakalat ng
impormasyon.
b. Mas nagiging tutok ang mga tao rito kaysa gawin ang mga
mahahalagang bagay.
c. Nagiging kalat ang ‘Fake News’ o mga impormasyong
walang sapat na patunay kung kaya’t karamihan sa
mga impormasyong nakukuha rito ay hindi maaaring
magamit sa kahit anong pag-aaral.
d. Nagiging plataporma ito upang maipakalat ang malaswa
at mga ipinagbabawal na content na siyang
nagiging primaryang paksa sa mga pananaliksik.

_____32. Alin sa mga sumusunod ang salita o pahayag na kadalasang


ginagamit sa larang ng social sedia?
a. Meganon, MOR, starkada, corrected by, at Palusot.com
b. Netizens, Tiktokerist, selfie, hashtag, at ol ka?
c. Pasahod, resibo, sales talk, tumubo, at negosyo
d. Suki, gulay kayo, presyong Divisoria, sampu-sampu, at
pili lang!

_____33. Anong pangyayari ang nagaganap kapag nagpapalitan ang


dalawang magkaibang wika sa pagpapahayag at
kadalasan itong nangyayari kapag tayo ay nagteteks o nagcha-
chat?
a. Code encoding b. Code switching
c. Pagpapaikli ng salita d. Pagpapaliit ng salita

_____34. Sa larang na ito, kadalasang nakikita ang ilan sa mga


pagtatanghal o pagbibigay ng aliw sa mga manonood. Ano
kaya ito?
a. Netflix at tiktok b. Pelikula at dula
c. Ritwal at sinehan d. Youtube at radyo

_____35. Batay sa iyong pagsusuri sa larang ng pelikula, ano ang


kadalasang ginagamit na wika rito?

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 4


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO 11

a. Filipino, Agta, Aklanon, at Karao


b. Filipino, Chavacano, Hiligaynon, at Buhid
c. Filipino, Manobo, Ibanag, at Iraya
d. Filipino, Tagalog, Ingles, at iba pang barayti ng wika.

VIII. Panuto: Basahin at analisahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang
titik ng tamang sagot.

_____36. Ang mga salitang nauuso ngayon “givenchy”, “bigalou”, “sinetch


itey” ay mga halimbawa ng _____
a. gay lingo b. jejemon
c. kolokyal d. slang word

_____37. Ang pagsulat ng pahayag na “#JUNGKOOK #Bts #BTSinLA


#BTSxAMAs #btsfanart #BTSSoFiStadium #BTSCONCERT
#AMAS #JK #JEONJUNGKOOK #JIN #PermissionToDance
ay karaniwang makikita sa
a. email b. radio
c. social media d. telebisyon

_____38. Ang “trending” ay salitang ngangahulugan ng


a. mainit na balita sa pahayagan
b. pagpapailanlang sa radio
c. pagsikat at pinag-uusapan sa social media
d. pagsikat sa telebisyon

_____39. Ang salik na nakatutulong upang mapaunlad ang wikang


Filipino ay __
a. debate b. komunikasyon
c. pagbása d. pakikinig

_____40. Sa pag-unlad ng teknolohiya, anong mga wika ang tinatangkilik


ng karamihan?
a. kolokyal b. balbal
c. pambansa d. lahat ng nabanggit

IX. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

_____41. Ito ay itinuturing na agham ng mga tunog ng isang wika.


a. ponolohiya b. morpema
c. titik d. pangungusap

_____42. Ang isang makabuluhang tunog sa Filipino ay tinatawag na ____


a. salita b. titik
c. ponemang segmental d. ponemang suprasegmental

_____43. Ang ______ ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na


nagtataglay ng kahulugan.
a. sintaks b. konotasyon
c. morpema d. denotasyon

_____44. Ito ay tumatalakay sa interpretasyon ng kahulugan ng mga


morpema, salita, parirala at pangungusap.
a. semantika b. komunikasyon
c. ponema d. sintaks

_____45. Ito ay ang pag-aaral ng istruktura ng pangungusap,


pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng mga
parirala o mga pangungusap.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 5


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO 11

a. sanaysay b. salita
c. titik d. sintaks

X. Pananaliksik: Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.

_____46. Sa bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula


sa pamagat ng saliksik, mga katanungang siyang
bibigyang kasagutan sa kabuuan ng pag-aaral.
a. Paglalahad ng Suliranin
b. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
c. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
d. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

_____47. Bakit mahalagang tukuyin muna sa pag-aaral/pananaliksik


kung ito ba ay kuwantitatibo o kuwalitatibo?
A. Upang madaling manaliksik tungkol sa paksa.
B. Dahil nakasalalay dito kung anong mga instrumento at
pamamaraan ang dapat gamitin.
C. Sapagkat ito ay makatutulong upang malaman ang dapat
at hindi dapat gawin sa pag-aaral.
D. Nakatutulong ito upang makamit ang mga layunin ng
pag-aaral.

_____48. Ang sumusunod ay paraan upang mangalap ng datos


maliban sa______
A. pakikipanayam B. pagsusuring dokumento
C. pagbibigay ng kopya D. obserbasyon

_____49. Sa bahaging ito, ang mga datos na nakalap ay pinagtitibay


ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
a. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
b. Pagsusuri ng Datos
c. Pagbabahagi ng Pananaliksik
d. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

_____50. Saang bahagi ng pananaliksik mababasa ang talatang ito?


Ayon kay Rubrico (1999), ang kultura ay ang kabuuang pananaw
ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang
pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng
pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-uugnay sa kanila at
nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa
kanilang pangkalahatang diwa. Ang bawat tao ay may kinabibilangang
kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel
na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito
maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais.

a. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral


b. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
c. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas
d. Saklaw at Limitasyon

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 6


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like