You are on page 1of 8

SHS

REGIONAL ACHIEVEMENT TEST


MALIKHAING PAGSULAT

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem at sagutin ang tanong. Piliin ang letra ng
wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Kung ang malikhaing pagsulat ay pinapanday ng imahinasyon, ang teknikal na pagsulat


naman ay nakaangkla sa mga _____.
A. bagong tuklas na agham C. liham pagtugon
B. impormasyon D. mapagkakatiwalaang datos at impormasyon

2. Ito ay isang babasahing naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto,
kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso,
estruktura, at iba pang mga detalyeng gabay sa pagbabasa nito.
A. artikulo C. manwal
B. dyornal D. pitak

3. Ano ang tinatawag na korespondensiyang opisyal sa mga ahensiyang pampamahalaan?


A. Liham Pangangalakal C. Liham Paanyaya
B. Liham Pagtanggap D. Liham Pangkaibigan

4. Ano ang tawag sa pinaikling bersiyon ng iba’t ibang batis ng kaalaman at impormasyon?
A. buod C. Sintesis
B. kuwento D. Talumpati

5. Ito ay isang pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo,


publikasyon, at mga pagsasanay na taglay ng isang manunulat o may-akda.
A. Bionote C. Pictorial essay
B. Katitikan ng pulong D. Talumpati

6. Umaalingasaw ang ilog sa inaanod na bulok na basura at sumisingaw sa mapaklang


alimuom ang makusot na lupa sa buong kamalig ng lagarian. Anong pandama ang ginamit sa
bahagi ng maikling kwento?
A. Pandinig C. Pandama
B. Panlasa D. Pang-amoy

7. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng malikhaing pagsulat maliban sa isa, ano iyon?
A. abstraktong pagpapahayag C. malinaw at aktibong pagpapahayag
B. gumagamit ng konkretong salita D. gumagamit ng sariling karanasan

8. Ilan ang taludtod ng tulang lirikong soneto?


A. 8 C. 16
B. 14 D. 24
9. Ito ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod.
A. ambahan C. haiku
B. dalit D. tanaga

10. Ano ang tawag sa isang anyo ng panitikan na mula sa kulturang Hapon, na binubuo ng
mga limitadong sukat at mayroong temang sumasaklaw sa kalikasan, karanasan, pamilya, at
iba pa?
A. dalit C. haiku
B. diona D. tanaga

11. Ito ay maituturing na katutubong anyo ng tula na nagmula sa Hanunuo Mangyan ng


Mindoro. Ito ay binubuo ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod tulad ng tanaga.
A. ambahan C. diona
B. dalit D. haiku

12. Ang pera niya’y tinipid


Sa guro ay ‘di sumipsip
Markang mataas, nakamit
Tagumpay nga ang kapalit.

Anong uri ng katutubong tula ang iyong nabasa?

A. ambahan C. diona
B. dalit D. haiku

Tumayo ka nang tuwid


13.
Ang kamay ay sa dibdib
Awitin ating himig
Nang totoo sa tinig.

Anong kumbensyunal na tula ang iyong nabasa?

A. ambahan, tigpipitong pantig C. diona, tatlong taludtod, pitong pantig


B. dalit, walong patnigan D. tanaga, pitong pantig isang tugmaan

14. Ano ang turing sa anyo ng eksperimental na anyo ng tula na kung saan titingnan ang
pagkakahanay ng mga salita, pangungusap at talata, ngunit sa pagiging matipid na paggamit
ng salita at maluwag na daloy ng ‘pangungusap’, madarama sa akda ang ritmo ng mga
parirala?

A. enjambment C. konkretong tula


B. konseptwal D. prosang tula
Para sa bilang 15

BASO O BOTE
Ni Gerome Nicolas Dela Peṅa
Tila isang napakalaking hamon sa ‘yo
ang pagpili. Ilalagay mo ba sa baso
at daragdagan ng yelo para mas swabe
ang daloy sa lalamunan o lalagukin na lang
sa mismong bote ang alak na nasa harapan.
Umikot na muli ang usapan.
Naungkat ang lihim mong pag-ibig
na pinupulutan ng mga kainuman.
Niragasa ng bagyo ang isipan.
Humigpit bigla ang kapit mo sa bote ng alak
at sa basong naghihintay na mapunan.
Isasalin ba ang laman o mananatiling

15. Anong uri ng experimental na anyo ng tula ang iyong nabasa?


A. enjambment C. konkretong tula
B. konseptwal D. prosang tula

Para sa bilang 16-20

Ang Magsasaka
Tula ni Julian Cruz Balmaceda

Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang


Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.

Iyong isinabog ang binhi sa lupa


Na ikalulunas ng iyong dalita;
Tag-ani’y dumating sa dili-kawasa
Lahat ng hirap mo’y nabihis ng tuwa.

Anupa’t ang bawat butil


Ng bigas na naging kanin
Sa isip at diwa nami’y
May aral na itinanim.

Iya’y tunay na larawan


Ng lahat mong kapaguran
Bawat butil na masayang
Ay pintig ng iyong buhay.
Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili,
Nakintal ang isang ginintuang sabi;
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.

16. Kung titingnang maigi ang tula, ilan ang sukat ng ng bawat taludtod nito?
A. 8 pantig C. 16 na pantig
B. 12 pantig D. 20 na pantig

17. Ano ang uri ng tugma ang ginamit sa tula ?


A. katinig C.patinig
B. katinig-patinig D. patinig-katinig

18. Ano ang tema ng tula?


A. tungkol sa magsasaka C. tungkol sa palay
B. tungkol sa masahista D. wala sa nabanggit

19. Ano ang tono na nangingibabaw sa tula?


A. lumbay C. pighati
B. paghanga D. tuwa

20. Saang bahagi ng tula matatagpuan ang talinghaga?


A. 1 at 3 C. 2 at 5
B. 2 at 4 D. 4 at 5

21. Ito ay isang akdang kayang tapusin ng isang taong mambabasa sa isang upuan lamang.
Madalas itong tawaging piksyon dahil kadalasan itong nagtatampok ng mga kuwentong
kathang-isip lamang o likha ng masining na imahinasyon ng may-akda.
A. dula C. sanaysay
B. maikling kuwento D. tula

22. Ano ang tawag sa tauhang may multidimensyunal o maraming saklaw ang personalidad?
Ito ay may kakayahang magbago o mag-iba ang katangian sa kuwento.
A. Maladiyos na Panauhan C. Tauhang Lapad
B. Tauhang Bilog D. Unang Panauhan

23. Bakit mahalaga ang punto de vista o pananaw sa pagsulat ng isang maikling kuwento?
A. Upang bigyang ideya ang mambabasa
B. Upang maging mabisa ang pag-unawa sa kung sino
ang gumagalaw sa kuwento
C. Upang makita ang paninging ginagamit ng may-
akda sa kuwento
D. Lahat ng nabanggit
24. Kung wala ang ________ walang kuwento, ito ang tinatawag na ‘puso’ ng maikling
kuwento. Wala ng mas nakababagot pa kaysa magbasa ng maikling kuwento na
magkasundo ang lahat, masaya ang lahat, o walang problemang kinakaharap ang mga
tauhan.

A. banghay C. tagpuan
B. ironiya D. tunggalian

25. Ano ang ibang katawagan sa ‘tema’ ng isang maikling kuwento?


A. mabuting aral C. sanaysay
B. mahusay na pagganap D. tula

26. Sa maikling kuwento at sa panitikan sa pangkalahatan, hindi tuwirang sinasabi ng


manunulat ang kanyang nais sabihin, sapagkat may mga argumentong mas kapani-paniwala
at nakahihikayat kung ang nagbabasa mismo ang makahuhugot at makahihinuha nito mula
sa akda. Ano ang elemento ng maikling kuwento ang tinutukoy sa pahayag?
A. banghay C. punto de vista
B. ironiya D. tunggalian

27. Anong uri ng pananaw ang ang nababatid na niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga
tauhan? Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip
damdamin at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
A. Limitanong panauhan C. Maladiyos na panauhan
B. Kombinasyon ng mga D. Tagapag-obserbang panauhan
pananaw

28. Ang mga _____ ang nagpapagalaw ng isang maikling kuwento. Dahil sa maikli lamang ang
isang maikling kuwento kailangang kaunti rin lang ang mga ito.
A. tunggalian C. tauhan
B. tagpuan D. tema

29. Ito ay tumutukoy sa mga serye ng manunulat ng magkakaugnay na simbolo, diyalogo at


paglalarawan.
A. biswal C. motif
B. foreshadowing D. simbolismo

30. Ang _____ ay tumutukoy sa atmosperang nadarama o napapansin ng mambabasa.


A. biswal C. himig o mood
B. diyalogo D. konotasyon
Para sa bilang 31-35. Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang angkop na tayutay sa
bawat bilang.

31. Matalas na kutsilyo ang titig ni Mario kay Alberto na kanyang kaaway.
A. pagbibigay-katauhan C. pagwawangis
B. pagtutulad D. pag-uyam

32. Umulan ng isanlibo nang dumalaw ang mga kandidato sa amin.


A. euphemism C. pagmamalabis
B. oxymoron D. pag-uyam

33. Mahigpit na ipinagbabawal ng munisipyo ang pagtatapon ng basura sa ilog.


A. metonymy C. pag-uyam
B. parirala D. synecdoche

34. Parang kandila ang mga daliri ni Maria.


A. pagbibigay-katauhan C. pagwawangis
B. pagtutulad D. pag-uyam

35. Si Nanay ang pinakamalakas na kahinaan ni kuya.


A. euphemism C. pagmamalabis
B. oxymoron D. pag-uyam

36. Ang komedya ay isang uri ng dula na tumutukoy sa .


I. Dula na nakatatawa at may tonong nang-uuyam, o nanunuligsa.
II. Maaari hango sa tunay na buhay, kasaysayan ngunit angkop sa
kawilihanat kapakanan ng mga bata
III. May malinaw na pansariling katangiang pakakakakilanlan at may
sinasagisag o kinakatawang malaking bahagi ng lipunan.
IV. Karaniwang may wakas na masaya, batay na rin sa layunin nitong
magpatawa at manlibang ng mga manonood.

A. I C. II at IV
B. II D. III

37. Isang anyo ng panitikang nagtataglay ng diyalogo at aksiyon ng mga tauhan na sinulat
hindi upang mabasa lamang, kundi sa pangunahing intensiyong itanghal sa harap ng
mga manonood.
A. ambahan C. dula
B. kuwento D. talumpati

38. Ito ay kagamitang pampanitikan na tumutukoy sa masalimuot na pagkakaugnayan ng


isang teksto sa iba pang teksto na nagsisilbing pang-akit ng interes ng mga manonood at
mapalawak ang kahulugan ng teksto.
A. elemento C. intertekstuwalidad
B. dula D. talumpati
39. Tumutukoy sa simpleng obserbasyon sa paligid na mag-uugnay ng
nilalaman sa lokal na impormasyon at kagamitan mula sa komunidad ng mga
mag-aaral.
A. alokasyon C. kontekstwalisasyon
B. aside D. lokalisasyon

40. Ang pananalita ng tauhan na nakatutok sa mga manonood at hindi intensiyong


iparinig sa iba pang mga tauhan.
A. alosyun C. diyalogo
B. aside D. pun

41. Ang teknik na ito ay ginanagamit ng manunukat sa pamamagitan ng paglalaro


ng mga salita na may iba’t ibang kahulugan, o kaya’y mga salitang waring
magkasingtunog ngunit may naiibang kahulugan.
A. intertekstwalidad C. pun
B. monologo D. soliloquy

42. Sa pagbuo ng isang _________ kinakailangang taglay nito ang kasamaan, inggit,
pagkamataray o negatibong pag-uugali.
A. antagonista C. pangunahing tauhan
B. kasamang tauhan D. protagonista

43. Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang dula.
A. banghay C. tauhan
B. tagpuan D. tema

44. Ang _____________ay isang bahagi ng agham na nakapokus sa lipunan o ugnayang-


panlipunan at ng politikal na sistema. Parehong may koneksyon ang dalawang ito sa isa't-
isa.Ang isang halimbawa nito ay ang isyung pangkapaligiran. Ang ugali ng tao na umiiral sa
isang lipunan sa pangangalaga ng kapaligiran at ang mga batas na ipinatutupad ng
pamahalaan ang bumubuo sa isang kalagayan ng pangangalaga o pagwasak.
A. elemento C. sensibilidad
B. literary devices D. sosyopolitikal

45. Anong uri ng sanaysay ang tumatalakay ng bagay-bagay na nag-uugnay sa malikhaing


paglikha o konstruksyon; paano nalikha ang akda.’ Hindi isang tekstong ekspositori lamang
kundi isang tekstong sui generis (nag-iisa, kakaiba) na gumagamit ng kumbensiyon ng
eksposisyon, narasyon at deskripsyon?
A. akda C. craft essay
B. antolohiya D. sosyopolitikal

46. Ito’y malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa.


Mahusay ang tula kapag may naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at
isipan ng bumabasa.
A. kariktan C. tugma
B. sukat D. talinghaga
47. May dalawang kasabihan sa pagsusulat na dapat laging tandaan, lalo na ng
nagsisimula pa sa maikling kuwento. Una, “mas kaunti, mas marami”. At ang pangalawa,
“ang isa, dagdagan mo ng isa pa, ang katumbas ay wala”. Pinahahalagahan sa dalawang
kasabihan na ito ang kapangyarihan ng detalye na pukawin ang isip at imahinasyon
ng mambabasa. Anong Teknik sa pagsulat ng maikling kuwento ang nabanggit?
A. foreshadowing C. pagtitipid o paglalarawan
B. paggamit ng diyalogo D. simbolismo

48. Ito ay ginagamit upang sabihin ang isa pang gustong sabihin. Sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salita, katangian at kaugnay na konotasyon o denotasyon, nagagawa ng
isang makata o manunulat na magpahayag ng isa pang diwa.
A. diksyon C. imahen
B. diyalogo D. tayutay

49. Isang pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisipan o damdamin. Ito’y
isang paraan ng pagpapaganda sa sining ng pagsulat at paggamit ng mga anyo ng pananalita.
A. diksyon C. imahen
B. diyalogo D. tayutay

50. Ang sumusunod ay mga dapat tandan sa pagsulat ng craft essay maliban sa isa.

A. huwag magsulat ng labis


B. limitahan ang paggamit ng mga idyoma at tayutay
C. maaaring mag -shortcut kung hinihingi ng sitwasyon
D. sumulat sa paraang natural sa ito.

You might also like