You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN - X

UNANG MARKAHAN

I-Layunin

A. Content Standards: Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa sa mga sanhi at


implikasyon sa mga hamong pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na
makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.
B. Performance Standards: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa
pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti sa pamumuhay ng tao.
C. Most Essential Learning Competency: Naisasagawa ang mga angkop na hakbang
ng CBDRRM Plan

Sa loob ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Natutukoy ang tugon na dapat gawin ng mamamayan sa panahon ng sakuna o disaster


2. Nakabubuo ng CBDRRM Plan batay sa kalagayan ng sariling komunidad
3. Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging handa sa disaster na maaaring maranasan
dulot ng suliraning pangkapaligiran.

II. NILALAMAN

A. Paksa: “ Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk


Reduction and Management Plan”

B. Sanggunian: Araling Panlipunan 10 Kagamitang Pansanay, Learners Module (MELC5)

C. Mga Kagamitan: Graphic Organizer,Manila Paper, Marker.

III. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin:
2. Pampasiglang Awitin:
3. Pagbati:
4. Pagtatala ng Liban:
5. Pagkuha ng Takdang-aralin:
6. Balik-Aral:
Ano ang mga natalakay natin sa nakaraang aralin?
7. Pagganyak: (Krosword Puzzle) INDICATOR # 1(Apply knowledge of context within
and across curriculum teaching areas.)
8. Gawain: Ang mga mag-aaral ay magbubuo ng puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa
inilalarawan ng mga pahayag na nasa puzzle.
B. PAGLINANG NG ARALIN

1. ALAMIN: INDICATOR # 1 (Apply knowledge of context within and across


curriculum teaching areas.)
GAWAIN 1: Panuto: Tatlong envelope ang ibibigay ng guro sa bawat pangkat , ito’y
kanilang gagawin sa loob ng limang minuto.

Pangkat-1 (Graphic Organizer)


Pangkat-2 (Scrambled Letters)
Pangkat-3 (Puzzle ito, Buuhin mo!)

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang ibat-ibang hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan?


2. May kaugnayan ba ang bawat isa?
3. Paano magiging matagumpay ang CBDRRM Plan?

2. PAUNLARIN: (Talakayan)
INDICATOR # 3 (Select, develop, organize and use appropriate teaching and
learning resources including ICT to address learning goals.)

GAWAIN 2: Ang guro ay magbibigay ng “video” sa mga mag-aaral gamit ang


kanilang mga cellphone at susuriin ang mga mga suliraning pangkapaligiran na nagdudulot
ng sakuna sa tao.

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang video na inyong nakita?


2. Paano maiiwasan ang mga sakuna o disaster?
3. Ano-ano ang mga hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan?
4. Bakit kailangang maging handa sa mga suliraning pangkapaligiran?

PAMANTAYAN:

Angkop sa Paksa-------------5 puntos


Malinaw na Mensahe-------5 puntos
Naisagawa ng maayos------5 puntos
Kooperasyon at disiplina---5 puntos
Kabuuan----------------------20 puntos

3. PAGPAPAHALAGA: (Peligro, Iwasan Mo!) Indicator # 2(Plan and deliver


teaching strategies that are responsive to the special educational needs of learners in
difficult circumstances)
GAWAIN 3: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng tsart sa pamamagitan ng
paglalarawan sa mga konseptong nakalahad sa tsart.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit mahalagang malaman ng mga mamamayan ang sakuna sa kanilang


kapaligiran?
2. Sa papaanong paraan nakatutulong ang pagtataya ng peligro sa pagharap
sa suliraning pangkapaligiran?
3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ang mga mamamayan sa pagbuo ng
CBDRRM Plan?

4. PAGLALAHAT: “Be Informed”


GAWAIN 4: Ang mga mag-aaral ay gagawa ng poster ad na nagpapakita ng
mga sumusunod na hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan:

Pangkat-1 (Disaster Preparedness)


Pangkat-2 (Disaster Response)
Pangkat-3 (Disaster Prevention and Mitigation)

IV. PAGTATAYA

Panuto: Sa ikaapat na bahagi ng papel basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag
piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ang pagbuo ng CBDRRM Plan ay sumusunod sa isang sistematikong paraan ng pagtukoy sa


mga pangangailangan ng komunidad. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
sa pagbuo nito?
I. Disaster Preparedness III. Disaster Rehabilitation and Recovery
II. Disaster Response IV. Disaster Prevention and Mitigation
A. I,II,III,IV B. II,I,III,IV C. IV, II, I, III D. I,IV,II,III
2. Ito ay isang proseso sa pagsasagawa ng pagtataya sa panganib kung saan sinusuri ang mga
hazard na nararanasan sa lugar at antas ng pinsala nito.
A. Hazard Mapping B. Hazard Profiling C. Historical Response D. Risk Management
3. Ang hakbang na ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan
ang daloy ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.
A. Disaster Preparedness C. Disaster Rehabilitation
B. Disaster Response D. Disaster Prevention

4. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang
maging handa sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad?

A. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng plano para sa buong pamayanan


B. Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan
C. Makibahagi sa gawaing panrehabilitasyon at protektahan ang mga naapektuhan
D. Magkaroon ng planong pinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.
5. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging
handa sa pagdating ng kalamidad?

A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga
mamamayan
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa
pamayanan
C. Ipagbigay alam ang mga nararanasang suliraning pangkapaligiran na maaaring magdulot ng
kapahamakan
D. Magsagawa ang pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga maaapektuhan

V. TAKDANG-ARALIN:
Bumuo ng isang sanaysay na naglalahad sa kahalagahan ng disiplina at koopersyon ng mga
mamamayan upang epektibong matugunan ang mga panganib
na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran at mapanumbalik ang kaayusan sa isang lugar na
nakaranas ng isang kalamidad. Isulat sa isang buong papel.

Inihanda ni:

MARINEL C. GACO
Guro sa APAN

Checked by:

JOEL O. ARTILLAGA
Head Teacher - II
PANGKAT- 1
GAWAIN: “CARAVAN”

Magbigay ng (3) DAHILAN ng Imperyalismong Kanluranin sa Africa. Isulat

sa manila paper at ipresent ito sa harap ng lider.

PANGKAT- 2
GAWAIN: “SPIDER WEB”

Magbigay ng (3) EPEKTO ng Imperyalismong Kanluranin sa Africa. Isulat

sa manila paper at ipresent ito sa harap ng lider.

PANGKAT- 1

GAWAIN: Ipakita sa pamamagitan ng “Role Playing”, ang

Pananaliksik ng mga Eksplorer sa Africa.

PANGKAT- 2

GAWAIN: Ipakita sa pamamagitan ng “News Casting”, ang

Digmaan sa Africa.
PANGKAT- 3

GAWAIN: Gumawa ng “ SANAYSAY”, tungkol sa Pagkahati-hati ng

Africa.

PAMANTAYAN
Angkop sa Paksa-------------5 puntos
Malinaw na Mensahe-------5 puntos
Naisagawa ng maayos------5 puntos
Kooperasyon at disiplina---5 puntos
Kabuuan----------------------20 puntos

You might also like