You are on page 1of 7

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

I. Pagpipili
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap o pahayag at teksto.
Piliin at isulat ang titik ng napili mong sagot sa sagutang papel.
1. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang palad nito. Ano ang ibig ipakahulugan ng nakasalungguhit na salita?
A. maramot
B. mapagbigay
C. maalalahanin
D. mapagkawang-gawa
2. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahihinatnan ay maaaring nakarating sa
kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao na noon di’y nagdesisyong
kunin siyang muli. Ano ang nais ipahiwatig ng nakasalungguhit na kaisipan?
A. walang awa
B. matapobre
C. mapagpatawad
D. mapiling tao
Huling Sabado ng Pebrero, ang ikalimang Sabado.Eksaktong katapusan.Kasabay ng
pagtatapos ng pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali, matapos ang sabay na
paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga ni Revo ang kanyang
huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking
pagdating.

Halaw mula sa Kuwentong “ Anim na Sabado ng Beyblade”


Ni Ferdinand Pisigan Jarin

3. Ano ang pangalan ng batang maysakit?


A. Roco
B. Rover
C. Rebo
D. Coco

4. Matapos mabasa ang teksto, ano ang iyong naramdaman?


A. natuwa
B. nalungkot
C. nasiyahan
D. naawa

5. Sino ang sumulat ng akda?


A. Jose Corazon de Jesus
B. Ferdinand Pisigan Jarin
C. Ferdinand Marcos
D. Francisco Baltazar

6. Ang beyblade ay nilalaro sa pamamagitan ng…


A. pagpapaikot nito
B. paghahangis nito
C. pagpapasok ng sinturon, hilain saka ihagis
D. pagpapailaw nito
Para sabilang 7-10
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga pahayag sa hanay A ng mga tauhan sa hanay B.
Gumuhit ng linya.

Hanay A Hanay B

C7. “Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon” A. Me-I


B8. “Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar ninyo, Boon Teik?”B. Kwang Meng
D9. “Hiniram mo ang mga libro ni Boon Teik?” C. Boon Teik
A10. “Pasensya ka na Kwang Meing, may gagawin kaming D. Anne
mga babae sa kusina.”

Para sa bilang 11-15


Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transistional devices upang mabuo
ang pahayag. Salungguhitan ito.
11. Unang sabado ng paglabas niya (at, nang) hilingin na niyang magdiriwang ng
kaarawan kahit hindi pa iyon ang araw.
12. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade (saka,bagamat)ayaw niya itong
bitawan.
13. (Subalit, Samakatuwid) pinipilit pa rin niyang maging malakas.
14. (Habang, Nang) kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilanggam na ang
nakabukas at di nagalaw
na kendi
15. (Ngunit, Habang) kaming mga naiwan ay paglalananan at pag-aaralang tanggapin
ang kirot ng pagkalungkot.

Para sa bilang 16
“ Sa palagay ko’y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o
tahanan gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inayos. Ganoon ang dapat maging
pakiramdam natin para umayos pati ang sariling buhay natin.”

Halaw mula sa “ Kung Mangarap ka Nang Matagal”


Teoryang Humanismo
Nobela ng Singapore
Kabanata 18

16. Mahihinuha sa akda na, kung mangarap ka, hindi ito madali bagkus ito’y iyong…
A. paghihirapan
B. pagtitiyagaan
C. Pagsisikapan
D. Lahat ng nabanggit
Isang batang maysakit na “dyslexia” si Ishaan. Hindi ito naintindihan ng kanyang mga magulang…
at ng kanyang mga guro.Palagi siyang nakatanggap ng parusa.Pinapalo.Sinasabihan ng
masakit.Tamad.Bobo.Tanga. Walang alam.Idiot. Wala siyang tanging masusulingan kundi ang
pamilya sana niya subali siya’y inilayo. Itinira sa isang dormitory sa paaralan. Kahit na matindi ang
pagtutol ni Ishaan, wala siyang magawa.

Halaw mula sa “ Kung Mangarap ka Nang Matagal”


Teoryang Humanismo
Nobela ng Singapore
Kabanata 18
17. Batay sa teksto, ano ang sakit ng batang si Ishaan?
A.Tamad
B. Bobo
C. Idiot
D. Dyslexia
18. Sa halip na pagtuunan ng sariling pamilya si Ishaan, ano ang ginawa nila sa kanya?
A. minumura
B. tinanggap ng pamilya
C. hinayaan lamang
D. itinira sa isang dormitoryo

19. Anong damdamin ang naghahari sa teksto?


A. tuwa
B. saya
C. awa
D. sabik

Para sa bilang 20-22

Kung ang kamatayan ya isang mahabang paglalakbay


Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon

20. Halaw mula sa “ Elehiya Para kay Ram”


Ni Pat V. Villafuerte

20. Ano ang layunin ng tula?


A. mangatwiran
B. maglarawan
C. magpaliwanag
D. magsalaysay

21. Anong uri ng tula ang tekstong binasa?


A. Tulang Pasalaysay
B. Tulang Patnigan
C. Tulang Pandamdamin
D. Tulang Padula

22. Ang batang-lansangan ay nangangahulugang


A. palaboy
B. walang pamilya
C. walang tahanan
D. lahat ng nabanggit

Para sa bilang 23-25

23. “Ngayon, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton, isang pagtahak sa matuwid
na landas upang marating ang paroroonan. Ang pangatnig na ginamit sa pahayag
ay________
A. pagtalunton
B. pagtahak
C. bagamat
D. upang

24. Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita sa bilang 23 ay____________


A. paghakbang
B. pagsunod
C. pagtalon
D. pagpunta

25. Anong halimbawa ng pang-abay na pamanahon ang nabanggit bilang 23?


A. landas
B. ngayon
C. bawat
D. marating

Para sa bilang 26-30


26. Anong damdamin ang namayani sa taludtod na” Kulturang rerespeto sa mga
babae’t may kapansanan?”
A. masaya
B. mapagmalaki
C. mahiya
D. wala sa nabanggit

27. Ano ang tawag sa sinalungguhitang pang-ugnay sa pangungusap na “


Kapagmananalo ako sa loto, ibibili kita ng kotse.”
A. Pangatnig
B. Pang-angkop
C. Pang-ukol
D. Pangngalan

28 Ano ang angkop na salitang gagamitin sa salitang sinalungguhitan upang mabuo


ang diwa ng pangungusap?
“ Biglang (pahid) ng babae ang pawis sa kanyang mukha.
A. papahirin
B. papahiran
C. wawalisan
D. wawalisin

29. “ Tiyo Simon: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon ang naganap ang
pagbabago sa aking sarili.” Batay sa pahayag, anong bagay ang nagpabago sa
paniniwala ni Tiyo Simon?
A. trak
B. manika
C. wheel chair
D. sapatos

30. “Kumapal ang aso mula sa nasunog na bahay at patakbong lumabas ang aso.”
Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap?
A. usok
B. laruan
C. hayop
D. alaga

II. Pagsusunod-sunod:( para sa bilang 31-36 )


Panuto: Ayusin at isulat ang bilang 1 hanggang 6 ayon sa naganap sa bawat sabado ng
mga pangyayari sa kuwentong “Anim na Sabado ng Beyblade” ni Ferdinand Pisigan
Jarin.
____2___31.Nakibertdey si Rebo at muling naglaro ng beylade kasama ang kanyang
mga pinsan.
_____1__ 32. Nangumbida ang ama ni Rebo ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag
kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!.”
____4___33.Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas
____3___ 34.Unti-unti ng nanghihina ang bata at tuluyan na siyang nakalbo.
____6___ 35.Payapa ng nakahimlay sa loob ng kabaong ang bata at ang kanyang
beyblade.
____5___36.Pumanaw si Rebo.
IV. Pagsusuri
Panuto: Suriin at basahin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang hinihingi ng bawat
pahayag, sitwasyon,o tanong sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng tamang sagot.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos,
at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawa nilang laging
maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May
dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos
anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa
mga pinag-aagawan.

Halaw mula sa: “Ang Ama”


Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
Panitikan ng Singapore-Timog Silangang Asya

37. Mula sa nakasalungguhit na pahayag sa teksto, ano ang mahihinuha mo tungkol sa


lipunang Asyano sa kasalukuyan.
A. Maalalahanin ang bawat miyembro ng pamilyang Asyano
B. May pagpapahalaga ang kapatirang Asyano
C.Masayahin ang mga Asyano
D. Maabilidad ang mga Asyano
38. Alin sa mga sitwasyong nabanggit sa ibaba ang nagpapatotoo tungkol sa lipunang
Asyano.
A. Mapagmahal ang mga Asyano kaya lubhang marami ang bilang ng miyembro ng
pamilya.
B. May pagpapahalaga ang mga Asyano sa pamilya at lipunang ginagalawan.
C. A lamang
D. A at B

“Magiging isang mabuting teacher ka, Boon Teik.”


“Pinipilit ko. Lahat tayo’y dapat magpumilit.Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong pagbutihin.”
Halaw mula sa: “Kung Mangarap ka Nang Matagal” -Teoryang Humanismo
Nobela ng Singapore-Timog Silangang Asya

39. Batay sa binasang pahayag, ano ang tunggalian ng pangunahing tauhan?


A. tao vs. kalikasan
B. tao vs. lipunan
C. tao vs. hayop
D. tao vs. sarili

40. Ano ang dapat gawin ni Boon Teik upangmapaghandaan ang mga pagsubok at
hamon sa kanyang pagtuturo.
A. magsanay nang mabuti
B. maging tapat, responsible, at kapaki-pakinabang
C. magpakatatag sa lahat ng oras
D. Lahat ng nabanggit
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang
ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit
nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. pagmamahal na inuukol ko sa mga
pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May
karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at
kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Halaw mula sa: “Kay Estella Zeehandelaar” –Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mula sa mga Liham ng Isang Javanese Japara
Sanaysay ng Indonesia

41. Kung ikaw ang nasa katauhan ng nagsasalita sa teksto, ano ang gagawin mo upang
hindi mabaliwala ng makabagong panahon ang lumang tradisyon ng iyong bansa.
A. Pumunta sa isang bansang tanggap at malayang nagagawa ang iyong nais.
B. Igalang ang lumang tradisyon kahit may mga pagbabagong nagaganap
C. Sundin palagi kung ano ang nakasanayan.
D.Kantahin ang Pambansang Awit ng iyong bansa

42. Ano ang mahihinuha mo sa tono ng nagsasalita batay sa nakasalungguhit na


pahayag sa teksto?
A. naghahangad
B. nagsisisi
C. nag-aalinlangan
D. nagpapakumbaba
Para sa bilang 43-47
Panuto: Salungguhitan ang mga salitang nagsasaad ng pagkamakatotohanan sa loob
ng bawat pangungusap.
43. Tunayna pamangkin ni Tiyo Simon si Boy
44.Siguradong sasama si Tiyo Simon sa simbahan kasama si Boy.
45. Kapani-paniwala ang mga dahilan ni Tiyo Simon kaya ayaw niyang magsimba.
46. Totoong nailaglag ng bata ang kanyang manika sa kalsada kaya siya nasagasaan
at namatay.
47. Talaganghindi makalimutan ni Tiyo Simon ang pangyayaring iyon.

Para sa bilang 48-52


Panuto: Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang sumusunod na ekspresiyong
nagpapahayag ng katotohanan. Ang datos mula sa grapikong ilustrasyon ang gagamitin
sa pagbuo ng kaisipan.

Enrollment Data ng Gensan National


High School
2015-2016
15%
2018-2019
33%
2016-2017
25%

2017-2018
26%
48. Batay sa nakitang grapiko sa Taong Panuruan 2018-2019, totoong…
49. Mula sa mga datos na nakalap, tunay na…
50. Ang nakalap na datos ay tunay na…
51. Ayon sa datos sa Taong Panuruan 2015-2016 at 2017-2018, napatunayan na…
52. Napatunayang mabisa ang…

Para sa bilang 53-56


IV. Pagpapaliwanag
Panuto: Bumuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid mula sa isang sitwasyon sa
kuwentong makabanghay na pinamagatang “ Ang Ama” ni Mauro R. Avena. Isang (1)
pangungusap lamang ang inaasahang mabuo bilang sagot.

Sitwasyon

Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at


ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at
umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na
masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa
mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya
mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga
gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng
nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag- ungol mula sa
kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Pamantayan sa Pagwawasto
Naaayon sa sitwasyon/paksa ang ginawang paghatol- 2
Maayos at malinaw ang pagkakalahad ng pangungusap- 1
Wasto ang baybay ng mga salita at may nilalaman- 1
Kabuuan: 4

Para sa bilang 57-60


Panuto: Bumuo ng kritikal na paghuhusga sa karakterisasyon ng tauhan sa dulang
“Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio.Punan lamang ng impormasyon ang patlang nang
makabuo ng kaisipan.

Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong
tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi,
ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.

Sa totoo lang…
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagwawasto
Naaayon sa sitwasyon/paksa ang ginawang paghusga- 2
Maayos at malinaw ang pagkakalahad ng pangungusap- 1
Wasto ang baybay ng mga salita at may nilalaman- 1
Kabuuan: 4

You might also like