Laban sa ‘yong buhay Pagkat ika’y katotohanan. Hindi mo nais itanggi Ang salita’y isang salita Sa nais mong pagbabago Ika’y nanindigan anuman ang maglaho. Sinaling mo ang tatsulok na pigura Namumuhunan ka ng panahon At sarili mong seguridad Nagbayad ka ng pangarap Maging ng dugong piangkaingatan mamamahayag. Ito nga ang kabayaran ng iyong pagsisilbi Kaya’yt dalhin mo ng iyong pluma Kasamabng iyong tikas, tatag at sidhi Ang pag-ibig sa kapwa na di mababali. Hawakang mahigpit ang iyong pluma Sa lipuna’y iangat mo ang pagkamulat Nang ang mga tao sa iyong paligid ang mismong makiisa At manindigang kasama ka.