You are on page 1of 29

Surigao State College of Technology

Surigao City, Main Campus

Masusing Banghay Aralin


Sa Filipino Baitang 10
Unang Markahan
Taong Panuruan 2018-2019

I. Layunin

Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Pamantayang Pangninilalaman Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pah-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakakabuo ng kritikal na


pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa
binasang akdang pampanitikang Mediterranean.
DOMEYN Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Paglinang ng Talasalitaan 1. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap o


matalinghagang mga salita gamit ang word chart.
F10PT-lf-g-66
Pag-unawa sa binasa 2. Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay
maaring maganap sa tunay na buhay.
F10PB-lf-g-67
3. Makakasagot sa mga gabay na tanong.
Pagsasalita 4. Nakapaglalahad ng mga katangian ng isang
babaeng taga-France na makikita sa kwento sa
pamamagitan ng character mapping.
F10PS-lf-g-68
Gramatika at Retorika 5. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang
panuring sa mga tauhan. F10WG-lf-g-61

Pagpapahalaga 6. Nakagagawa ng sariling wakas gamit ang


panghalip bilang panuring sa tauhan sa
pamamagitan ng sanaynay.

II. Nilalaman
Panitikan: Ang Kwentas
(Maikling Kuwento mula sa France)
Ni: Guy de Mauppassant
Grammatika/Retorika: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
Valyus : Pagpapahalaga at pakikipag-kapwa
III. Kagamitang Panturo
a. Sanggunian: Modyul sa Filipino-Baitang 10, pahina 56-73
b. Kagamitang Pampagkatuto: Batayang Aklat, Kagamitang Biswal, mga larawan, atbp.
c. Pagpapahalagang Pagpagkatuto: Pagpapahalaga sa paggamit ng panghalip bilang panuring
tauhan.
IV. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aral
Tumayo ang lahat para sa panalangin,
Maari mo bang pangunahan Bb. Tesado
Opo, Ma’am, mga kaklase maaaring
bang tumayo ang lahat at paki yuko ang
ating mga ulo at tayo’y manalangin. Sa
ngalan ng Ama, Anak, Espirito Santo
Amen.
Magandang Umaga\Hapon mga bata
Magandang Hapon po Bb. Celiz,
Mabuhay!!!
Sige magsiupo na ang lahat at ako’y mag
Check na ng attendance sabihin lamang ang
Gamit na pinaka gusto ninyo pag kayo’y
nandito sa loob.
(mag checheck na ng attendance ang guro)
Aplaca Pulseras
Cagatin Sing-sing
Gorgonio Kwentas

Aba! Himala yatang walang lumiban sa


araw na ito.

Okay klas, kumusta ang araw ninyo?


tingin ko parang ang tamlay ninyu ngayon,
may masamang nangyari ba klas?
Wala po ma’am
Mabuti naman kung ganon klas.

Klas, para mabuhayan kayo mayroon tayong


Gagawing laro, gusto niyo ba?
Opo ma’am

Handa na ba kayo?
Handa na po ma’am
Handa na po
Ano bang lugar ang gusto niyong
Puntahan klas?
Paris po ma’am
Japan ma’am
Talaga naman magaganda ang mga
lugar na inyong piniling puntahan
klas. Ako hindi niyo ba tatanungin?
Saan po gusto niyong pumunta
Ma’am?
Gusto kung pumunta sa France.
ngunit gusto kung may kasama
ako sa pagpunta kasi malapit na
ang skedyul ko ngayong sembreak
ay pupunta ako may apat na pasaporte
ako rito.

Sino kaya sa inyo ang makakasama sakin?


Ako po ma’am.
Ako po
Sige ngayon para malaman natin kung
sino ang makakasama. Ay maglalaro tayo!
Okay ba sa inyu klas?
Opo ma’am
Sige!
Panuto. Huhulaan lang ninyo kung sino
ang susunod na tatamaan ng Meteor
tapos pag iikaw ang nakahula ay
magbabanggit ka ng isang bagay na
gusto mong makuha o gustong-
gusto mo na mapa sa iyo.
At makakasama kana sa akin. Kaya
klas galingan ninyo dahil apat lang ang
kukunin ko.
nagkakaintindihan ba tayo klas?

Opo ma’am
Handa na ba kayo?
Opo ma’am
(nag umpisa na ang paglalaro)
(pagkatapos ng laro)
Talagang na aliw kayo klas.
maasahan ko bang buhay na
ang klase?
Opo ma’am
mabuti naman

A. Balik Aral sa Nakaraang aralin/o


pagsisimula

Pero bago tayo makakarating doon ay


pupuntahan muna natin ang paksang
tinalakat natin kahapon. kung sa buhay pa
ay di ka makakarating sa paroroonan kung
di mo kayang lumingon sa pinaggalingan.
tama ba klas?
Opo ma’am
Okay sino ditto sa inyu ang makapagbibigay
ng kunting kaalaman sa paksa natinv kahapon?
Ako po ma’am
Sige ikaw Ginoo/Binibini
Ang paksa po natin kahapon ma’am ay
tungkol sa pangngalan po.
Magaling Ginoo/Binibin, ang paksa natin
kahapon ay tungkol sa pangngalan kung saan
ito ay tumuktukoy sa?
ma’am?
sige ikaw Ginoo/Binibin.i
Ang pangngalan po at tumutukoy sa
pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar
atbp.
Tama Ginoo/Binibini. At ang iba ba diyan
alam na ang pangngalan?
Opo ma’am alam napo naman
Talaga ba. Maari ka bang magbigay ng isang
halimbawa tungkol sa talakayan natin kahapon?
Greta, namalengke ng gulay at iba pa.
Maari mo itong gamitin sa pangugusap?
Opo ma;am
Si Greta ay pumunta sa palengke siya
ay bibili ng gulay

Aba naman! magaling at matalino ang


pagkabuo ng pangungusap talagang nakinig
at naintindihan niyo talaga ng mabuti ang
talakayan kahapon, ipagpatuloy niyo yan
Opo ma’am

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Klas sisimulan na natin ang ating


paglalakbay at dapat ituon niyo ang
inyong mga sarili at atensiyon dahil may
gagawin tayong pangkatan, may sasagutan
kayong mga gabay na tanong at pasulit
mayamaya. maliwanag ba? Maliwanag po m’am

Sige, ano nba nag nanakita ninyo sa pisara?


Mga salita po ma’am
uu mga salita peru ano ang mga salitang yan?
mga matatalinhaga o ma’am
hmm! matatalinghaga nga ba?
sige ikaw Bb.
Mamalinghaga po ma’am kasi
ito po ang mga salitang mahihirap
intindihin at nangangailangan po ng
diksyunaryo ma’am.
Tama ka Bb. ito nga ay mamataling
hagang salita. Sige klas, ito ang
gagawin niyo itatala niyo ang
mga matatalinghagang salita na
hindi niyo naintindihan gamit
ang wordchart at maaari kayong
gumamit ng diksyunaryo para
mabigyan ito ng angkop na
kahulugan at pagkatapos bigyan
niyo ito ng isang halimbawa
ng pangungusap. Pagkatapos niyung
sagutan ay kumuha sa klase na mag-
uulat sa mga sagot ninyo. Binigyan
ko lamang kayo ng limang(5) minute.
Nagkakaintindihan ba tayo?
Opo ma’am
Sige magsimula na kayo!
#L1
Mga Salita Kahulugan Pangungusap

1. kapangyarihan o  May taglay siyang alindog


kalidad na hindi nababagay sa
Alindog
kasalukuyan niyang
kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang
karukhaan ng kanyang
lumang tahanan.

2.
Kaawa-awa,-kawawa  Kahabag-habag na
Kahabag-habag pangyayari sa Davao City.

3.
Alikmata o busilig  Maganda ang kulay ng
Balintaw (pupil) balintataw ni Maria.

4. Ayaw at nag-aalangan  Sinubok niyang isuot ang


hiyas sa harap ng salamin,
Nagbabantulot nagbabatulot siya at hindi
mapagpasyahan kung ang
mga iyon ay isasauli o
hindi.
(pagkalipas ng limang (5) minute)

Tapos na ba klas?
Opo ma’am
Okay dahil tapos na ang lahat sa
pagsagot maaari niyo bang ibahagi
ang iyong nagawa?
Sino ang representante?
Kami po nila Bb. Tesado,Dialoja,
Tonete,G.Pilan at Siga ma’am
Sige simulant niyo na
Opo ma’am
(pumunta sa pisara para idikit ang mga
mga sagot at nag-ulat)

Okay maraming salamat mga Bb.


at Ginoo dahil nasagutan
niyo ang mga mamataling-
hagang salita na iyong Nakita
sa kowento. Klas bigyan natin
sila ng tatlong bagsak.
(palakpakan)
Okay klas dahil nakasagot kayo ng
mabuti sa salitang ibinigay ko sa inyu
ay may mga kakaunting tanong ako
dito.

L#2
Okay klas sino dito ang nakaranas
na nakawala ng gamit na hindi sayo?
Ako po ma’am
Sige Ginoo/Binibini maaari mo ba itong
ibahagi sa iyong mga kaklase?
Opo ma’am
Nakawala po ako ng flash drive na
hiniram ko po lang po sa kaibigan ko
Nawala ko po ito ma’am ng di ko po
sinasadya.
Ahh ganoon ba? ano naman ang ginawa mo?
matagal ko pong nasabi sa kanya kasi
nahihiya po ako at natatakot peru sa
ngalan ng pagkakaibigan naming ay
sinabi ko po sa kanya ang totoo ma’am
at boung puso po ako humngi ng
tawad.
tapos ano naman ang sinabi ng kaibigan ,mo?
para po siyang nadismaya sa umpisa
peru sinabi niya na okay lang dahil
dahil
gamit lang daw yun pwede pang ibalik
keysa sa pagkakaibigan namin na mas
mahalaga. pinayuhan naako na huwag
na sanag maulit po, pinatawad niya po
ako ma’am.
Tama ang ginawa mo Ginoo/Binibini.
Kailangan talagang humingi ng tawad
kung ikaw may nagkasala lalong-lalo na
sa kaibigan mon a nawalan mo ang kanyan
gamit at doon din makikita ng kaibigan mo
na ikaw ay tapat at mabuting kaibigan.
Opo ma’am, talagang mahal po ako ng
kaibigan ko atv ako po din ma’am.
Mabuti naman kung ganon dahil klas ang
maipapakita at maipadadama mo hindi
lamang sa mag nobya, mga magulang
kundi makikita rin ito sa iyong matalik
na kaibigan.
Opo ma’am
Talagang mababait ang klaseng ito, at
pagpatuloy niyo yan klas. tapikin niyo
ang abaga ng iyong katabi at sabihing
kaibigan kang tunay.
( tinapik ang abaga ng katabi)

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa


Bagong Aralin

Klas may ideya ba kayo sa ating leksiyon


sa araw na ito?
Alam ko po ma’am
Sige ikaw Ginoo/Binibini para talagang
alam mo.sige nga.
Tungkol po sa pagpapahalaga sa mga
bagay.
Uu may koneksiyon sa ating talakayan
ngayon.

Pero klas bago muna ang lahat ay may


ididikit akung mga larawan na pisara
at maaari niyo bang suriin at tukuyin
anong mga kagamitan ito at anong
nabibilang ang mga pananamit o
kasoutan na ipapakita ko? maaring
tumayo ang gusting sumagot sa
pisara. Handa ma ba kayo?
Opo ma’am, handing handa na po
kami.
Mabuti na kung gayon.
At ngayon ay sisimulan na natin
(Ilang mga mag-aaral ay pumunta sa
pisara upang sumagot)

a. Kuwentas c. Hikaw e.Ipit sa buhok


b. Relo d. Bracelet f. Sing-sing

a.Cambodia c. India e. Thailand g. USA


b.France
(Ilang d. Spain
minuto ang nakalipas) f. Philippines h. Korea

Ang galling naman ( sabay palakpak)


Ang gagaling naman ng klaseng ito
dahil lahat ng mga sagot ninyu ay tama.
Matanong ko kayo klas, sa kanilang
mga kasuotan at ang mga gamit na
pinahula ko. Saan niyo bai to makikita?
Sa telebisyon, magasin,internet atbp.
Talaga ba? may alam ba kayong mga
kwento o palabas na nagmula ang mga
bansang sinagot ninyu?
Opo ma’am
Okay, ano iyon?
Princess hours po ma’am
Got to believe in magic
Bollywood po
Okay saan ang mga yan nagmula?
Korea
Thailand
India
Magaling klas. Alam miyo talaga
ang mga pelikula o kwento ng ibang
bansa. at alam niyo ban a konektado
sa kuwentong babasahin ninyo ngayon.

Ngayon klas ay matutunghayan na natin


ang kuwento tungkol sa isang bagay.
Ating basahin at intindihin ang kuwento
na nanggalijgn pa sa bansang France
ng sa gayo’y maunawaan ninyo ang
pag-uugali ng mga taong pinaggalingan
ng may akda. Handa na ba kayo?
Opo ma’am handa na po.

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto


at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
Oh sige klas. buksan ninyo ang inyong
aklat sa pahina 56-64. Ano nag nakikita
o napapansin niyo?
Isa pong kuwento ma’am
Ang kwentas po ang pamagat ng
kuwento nan naggaling po sa France
ma’am.
Tama! ano pa ang nakikita ninyo?
Parang tumatalakay din po sa panghalip
po ma’am.
Bakit mo nasabi Ginoo/Binibini?
Dahil po maraming niya,siyang atpb po
Tama ka Ginoo/Binibini dahil yan ay
kaugnay sa talakayan natin sa araw nato.
Talaga po ba ma’am?
Oo klas.
Alam niyo na tama si Ginoo/Binibini na
ang tawag sa mga salitang nabanggit niya
ay panghalip na kung saan ito ay isang
bahagi ng pananalita. Ginagsmit ito sa
paghalili sa pangalan ng tao, lugar, hayop,
atbp. Gaya ng napansin ninyo sa kuwento
na nasa aklat.
Yun po pala ma’am
Oo klas, at mayamaya ay tatalakayin natin
yan para mas maintindihan pa ninyo.
Sige po ma’am

At kung ganon ay nagkaka intindihan tayo


ay basahin muna ninyo ang kuwento,
bibigyan ko lamang kayo ng sampung (10) minuto
upang tapusin ang pagbabasa sa kuwento.
Pero bago yan narito ang mga gabay na
tanong upang magsilbing gabay sa inyong
paglalakbay sa pagbabasa sa kuwento.

Ano ba ang nakikita niyo sa aking likuran


klas?

Isa pong bahay ma’am


Magandang bahay po ma’am
Hindi po sa Pilipinas na bahay ma’am
Tama kayo klas yan ay isang bahay
at alam niyo ban a galing pa yan sa France
nadala ko dito para Makita ninyo klas.
Wow grabe ma’am
Ang gagawin niyo klas nag pupunta isa-isa
dito sa harapan at katukin niyo ang bahay
diba yan ang ginagawa natin mga Pilipino
kakatok muna at magpapakilala bago tayo
papanhik ng isang bahay na hindi sa atin?
Opo ma’am
Ang sasabihin ninyo “Tao po,Tao po Si
G./Bb tapos pangalan niyo. hintayin niyong
papasukin kayo ng may-ari.
Sige po ma’am
Gabay na Tanong
1. Ano ang pamagat ng Kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kanyang
asawa?
4. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang asawa
na dumalo sa kasayahang idaraos ng kagawaran?
5. Ano-ano ang nais mangyari ni Mathilde sa kaniyang
buhay? Natupad ba ang mga ito?
6. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang
matupad angmga pangarap mo sa buhay?

Ngayon maari na kayong magsimulang


magbasa.
Opo ma’am (nagbabasa)

Ang Kuwintas
ni Guy de Maupassant

Siya’y isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay


isinilang sa angkan ng mga tagasulat. Pumayag siyang pakasal sa isang abang tagasulat sa
Kagawaran ng Instruksyon Publiko sapagkat walang paraan upang siya’y makilala, panuyuan,
bigyan ng dote, at pakasalan ng isang mayaman at tanyag na lalaki.

Pangkaraniwan lamang ang mga isinusuot niyang damit dahil sa hindi niya kayang magsuot
ng magagara. Hindi siya maligaya. Sa pakiwari niya’y alangan sa kaniya ang lalaking nakaisang-
dibdib sapagkat sa mga babae ay walang pagkakaiba-iba ng katayuan sa buhay. Ang ganda’t
alindog ay sapat na upang maging kapantay ng sinumang hamak na babae ang isang babaing
nagmula sa pinakadakilang angkan.

Ang isang babaing nagbuhat sa karaniwang angkan ay magiging kasinghalaga ng mga


maharlika sa pamamagitan ng pinong asal at pag-uugali, pagkakaroon ng pang-unawa sa tunay na
kahulugan ng magara at makisig at kakaibang kislap ng diwa.

Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang isinilang siya
sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May
taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya
ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga
kurtinang sa paningin niya ay napakapangit. Malimit na sa pagmamasid niya sa babaing Briton na
siyang gumaganap ng ilang abang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama siya ng
panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag naiisip ang mga pangarap niya
sa buhay na hindi yata magkakaroon ng katuparan. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng
tahimik na tanggapang nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng matatangkad na
kandilerong bronse at may nagtatanod na dalawang naglalakihang bantay na dahil sa init ng pugon
ay nakatulog na sa dalawang malaking silyon. Naiisip niya ang mahahabang bulwagang
nagagayakan ng mga sedang tela ng unang panahon na nagsisilbing palamuti, mga mamahaling
kasangkapan na ang mga hiwaga at kababalaghan ay walang kapantay na halaga, mga silid-
bihisang marangya at humahalimuyak sa bango, mga taong tanyag na pinagmimithing makilala ng
balana at makikisig na ginoong pinananabikang karinggan ng papuri at pinaglulunggatian ng
kababaihan.

Sa hapunan, sa tuwing uupo siya kaharap ang asawa sa harap ng mesang nalalatagan ng
isang kayong pansapin na tatlong araw nang ginagamit ay iba ang laman ng kaniyang kaisipan.
Kahit na naririnig niya ang malugod na pagsasabi ng asawa pagkabukas ng supera ng “A, ang
masarap na potau-feu! Aywan nga ba kung may masarap pa riyan!” Ang nasa isip niya sa mga
gayong sandali ay ang nakakainggit na masarap na hapunan, ang mga nagkikinangang kubyertos at
ang marangyang kapaligiran. Kaagad na naiisip din niya ang mga malinamnam na pagkaing
nakalagay sa magagandang pinggan. Naiisip din niya ang mga papuring ibinubulong sa kaniya na
kunwari’y hindi niya napapansin ngunit sa katotohanan ay nakakikiliti sa kaniyang damdamin
samantalang nilalasap niya ang malinamnam na mamula-mulang laman ng isda o kaya’y pakpak ng
pugo.

Sa pakiwari niya’y iniukol siya ng tadhana na magkaroon ng mga bagay na lubhang malapit
sa kaniyang puso katulad ng magagarang damit at mga hiyas ngunit wala siya ng mga iyon. Labis
ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahali-halina, kaibig-ibig, maging tampulan ng
papuri at pangimbuluhan ng ibang babae.

May isang naging kaklase siya sa kumbento na naging kaibigan niya. Mayaman iyon.
Dati’y malimit niyang dalawin ang kaibigan ngunit nitong mga huling araw ay iniwasan na niyang
dumalaw roon sapagkat lalo lamang tumitindi ang kapighatiang kaniyang nadarama sa kaniyang
pag-uwi pagkatapos ng pagdalaw.

Isang gabi’y masayang dumating ang kaniyang asawa. Buong pagmamalaking iniabot sa
kaniya ang hawak na malaking sobre. “Para sa iyo ito,” ang sabi sa kaniya.

Kaagad niyang inabot ang sobre at nagmamadaling pinunit ang dulo nito. Nabasa niya ang
nakalimbag na mga salitang: “Malugod na inaanyayahan ng Ministro ng Instruksyon Publiko at ni
Gng. George Ramponneau sina G. at Gng. Loisel sa isang kasayahang idaraos sa palasyo ng
Ministeryo sa Lunes ng gabi, Enero 18.”

Sa halip na matuwa na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na inihagis ng kaniyang


asawa sa ibabaw ng mesa ang paanyaya. Bumubulong na sinabing ano ang gagawin niya rito.

“Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagkakakuha ko sa paanyaya. Nais ko lamang na


malibang ka, kailanma’y hindi ka nakapaglilibang at naisip kong ito’y isang mabuting pagkakataon
para sa iyo. Nagnanais makadalo ng lahat kaya’t lubha akong nahirapang makakuha ng paanyaya.
Matataas na tao sa pamahalaan ang inanyayahan at dadalo. Piling-pili lamang ang mga panauhin.
Hindi sila nagbigay ng maraming paanyaya sa mga tagasulat.”

Pagalit na pinagmasdan ng babae ang asawa at payamot na sinabing, “Ano ang isasampay
ko sa aking likod?” Naging pauntol-untol ang sagot ng lalaki dahil sa hindi niya kaagad naisip iyon.

“Para sa akin ay maganda ang damit mong isinusuot kung pumapasok tayo sa teatro kaya
maaari na iyon.”

Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang asawa. Naitanong
niya kung ano ang nangyayari rito.

Pinagsikapan ng babaing mapaglabanan ang paghihinagpis at nang huminahon na siya’y


sumagot, “Wala! Wala akong damit na maisusuot kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang iyan.
Ipamigay mo na lang ang paanyaya sa isa mong kasamahan na may nakahandang damit na isusuot
ang asawa.”

Walang malamang gawin ang lalaki, pagkuwa’y nangusap sa asawa, “Hintay, Mathilde,
tingnan muna natin. Sa palagay mo’y magkano ang magiging halaga ng isang bestidong magiging
kasiya-siya sa iyo at maaari mo pang gamitin sa mga ibang pagkakataon?”

Nag-isip sumandali si Mathilde. Mabilisang gumawa siya ng pagtataya kung magkano ang
maaari niyang hinging halaga sa matipid na asawa nang hindi masindak ito at tumanggi. Nag-
aatubili siyang sumagot ng “Hindi ko natitiyak ang halaga, ngunit sa palagay ko’y maaari na ang
apat na raang prangko.”

Natigilan sumandali ang lalaki at bahagyang namutla sapagkat ang natitipon niyang gayong
halaga ay ipambibili niya ng isang baril na pang-ibon. Binabalak niyang mamaril ng ibon sa
Kapatagan ng Nanterre sa darating na tag-araw. Sasama siya sa ilang kaibigang dati nang
namamaril ng mga ibon doon.

Gayunpaman ay sinabi niya sa asawa, “Ayos na, ibibigay ko sa iyo ang apat na raang
prangko. Bumili ka ng isang bestidong maganda.”

Malapit na ang araw ng sayawan ngunit waring malungkot si Mathilde, hindi siya
mapalagay at tila may suliraning gumugulo sa isipan. Nakahanda na ang bestidong kaniyang
gagamitin. Napansin ito ng lalaki at isang gabi’y inusisa ang asawa. “Magtapat ka sa akin, anong
nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo.”

Payamot na sumagot ang babae, “Mabuti pa kaya’y huwag na akong dumalo sa sayawan.
Wala man lamang akong maisusuot kahit isang hiyas. Magmumukha akong kaawa-awa.”

“Usong-uso ang mga sariwang bulaklak sa ganitong panahon. Maaaring iyon ang isuot mo.
Sapat na ang sampung prangko upang makabili ka ng dalawa o tatlong alehandriya.”

Waring hindi sang-ayon ang babae at ang sabi, “Hindi! Wala nang kahabag-habag na
kalagayan kung hindi magmukhang maralita sa gitna ng mga babaing maykaya sa buhay.”

Napabulalas ang lalaki. “Napakahangal mo! Bakit hindi mo hanapin ang kaibigan mong si
Madame Forestier. Humiram ka ng ilang hiyas sa kaniya. Hindi kaniya marahil tatanggihan dahil sa
matalik mo siyang kaibigan.” Napasigaw sa tuwa si Mathilde, “Oo nga, hindi ko naalaala ang aking
kaibigan.”

Nagtungo kinabukasan sa kaibigan si Mahtilde. Ipinagtapat niya rito ang kaniyang


problema. Tinungo ni Madame Forestier ang taguan ng kaniyang mga hiyas at kinuha mula rito ang
isang kahon. Binuksan ang kahon at pinamili ang kaibigan,

“Mamili ka, mahal.”

Ang una niyang nakita’y ang ilang pulseras, ang sumunod ay isang kuwintas na perlas at
pagkaraan ng isang krus na Benesiyanong ginto na may mahahalagang bato at talagang kahanga-
hanga ang pagkakayari. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at
hindi mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi. Paulit-ulit siyang nagtatanong sa
kaibigan, “Wala ka na bang iba pa?”

“Aba, mayroon pa! Mamili ka, hindi ko alam kung alin ang ibig mo.” Walang ano-ano’y
may napansin siyang isang kahong nababalot ng itim na satin, nasa loob nito ang isang kuwintas
na diyamante na lubhang kahanga-hanga. Sumasal ang tibok ng kaniyang puso at nanginginig ang
mga kamay na dinampot ang kuwintas. Isinuot niya ang kuwintas sa ibabaw ng kaniyang damit na
may kataasan ang pinakaleeg.
Mahabang sandaling nalunod siya sa kaligayahan sa pagmamalas sa sariling alindog sa
salamin. Pagkaraan ay nag-uulik-ulik siyang nagtanong, “Ipahihiram mo ba ito, ito lamang?” “Oo,
mangyari pa?” Mahigpit na niyakap ni Mathilde ang kaibigan, pinupog ng halik at maligayang
nagpaalam dito.

Sumapit ang inaasam niyang araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si Madame
Loisel. Nahigitan niya ang lahat ng mga babae sa ganda, sa rangya, at sa pagiging kahali-halina
kaya palagi siyang nakangiti dahil sa nag-uumapaw sa puso ang kaligayahan. Napako sa kaniya ang
paningin ng kalalakihan at gumawa sila ng paraan upang makilala si Mathilde. Ninais siyang
makasayaw ng lahat ng kagawad ng gabinete. Nag-ukol sa kaniya ng pansin pati ang ministro.

Buong pagkahaling siyang nakipagsayaw, lasing na lasing sa kaluwalhatian ng tagumpay na


tinamo sa pamumukod ng kaniyang kagandahan. Tila siya lumulutang sa ulap dahil sa paghanga ng
lahat sa kaniya na napakatamis at walang katumbas sa puso ng isang babaing katulad niya.

Mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay umuwi. Hatinggabi pa


lamang, ang asawa niya kasama ng tatlong lalaking ang mga asawa’y nagpapakalunod din sa
kaligayahan, ay nakatulog na sa isang maliit na tanggapan.

Ibinalabal ng asawa sa balikat ni Mathilde ang isang abang pangginaw na ginagamit ng mga
karaniwang tao, isang pangginaw na nakapupusyaw sa karangyaan ng pananamit ni Mathilde.
Dinamdam niya ang pagkakaroon ng abang pangginaw at ninais niyang makatalilis agad upang
hindi siya maging kapansin-pansin sa ibang babaing dumalo na nagsisipagsuot ng mamahalin
nilang balabal.

Pinigil siya ng lalaki, “Hintayin mo ako rito sandali, sisipunin ka sa labas. Tatawag ako ng
sasakyan.” Ngunit hindi niya pinansin ang asawa at nagdudumali siyang nanaog sa hagdanan.
Hindi sila nakakita ng sasakyan sa lansangan at sila’y nagsimulang maghanap. Tinahak nila ang
daang patungo sa pampang ng ilog Seine.

Kapwa sila kumikinig sa ginaw at pinanawan na ng pag-asang makakita pa ng kanilang


masasakyan. Sa wakas ay nakatagpo sila sa daungan ng isa sa matatandang dokar na dahil sa
ikinahihiya ang karalitaan sa liwanag ng araw ay sa pagkagat ng dilim lamang nakikita sa mga
lansangan ng Paris.

Pagkahatid sa kanila ng matandang dokar sa kanilang tinitirhan ay malungkot silang


umakyat sa hagdanan. Tapos na ang maliligayang sandali kay Mathilde. Sa lalaki naman ay wala
siyang iniisip kundi kailangan niyang makasapit sa Kagawaran sa ganap na ika-10:00 ng umaga.

Hinubad ng babae sa harap ng salamin ang kaniyang balabal upang minsan pang malasin
ang kaniyang kagandahan. Napasigaw siya nang malakas. Wala sa kaniyang leeg ang kuwintas!
Nag-usisa ang asawang noon ay nangangalahati na sa pagbibihis. “Anong nangyari sa iyo? Bakit?”
Parang baliw niyang binalingan ang asawa. “Wala ang kuwintas ni Madame Forestier.” Ang
nabiglang lalaki’y napalundag halos sa pagtayo. “Ano! Paanong nangyari? Imposible!”

Hinanap ng mag-asawa ang kuwintas sa kung saan-saan, sa mga lupi ng damit ni Mathilde,
sa mga lupi ng kaniyang pangginaw, sa mga bulsa at sa iba pang lugar.

Hindi nila natagpuan ang kuwintas. “Natitiyak mo bang nakasuot sa iyo nang umalis tayo sa
sayawan?” ang tanong ng lalaki. “Oo, natitiyak ko, nahipo ko pa nang nasa pasilyo ako ng
palasyo,” ang tugon ni Mathilde. “Kung iyon naman ay sa daan nawala ay di narinig sana natin ang
lagapak. May palagay akong nawala sa dokar.”

“Marahil nga. Kinuha mo ba ang numero ng dokar?”


“Hindi! At ikaw, napansin mo ba?”

“Hindi rin.”

Balisang nagkatinginan ang mag-asawa. Muling nagbihis si M. Loisel.

“Pagbabalikan kong lahat ng pinagdaanan natin. Baka sakaling makita ko.” Nanaog na ang
lalaki. Ang babae ay naghintay sa isang silya, hindi na niya inalis ang damit na ginamit sa sayawan.
Tila nawalan siya ng lakas, kahit magtungo sa kama upang matulog. Labis ang kaniyang
panlulumo, nawalan siya ng sigla at nawalan ng kakayahang mag-isip ng anoman.

Mag-iika-7:00 na ng umaga nang bumalik ang lalaki. Nanlulupaypay siya at ibinalita sa


asawa na hindi niya nakita ang kuwintas. Sa harap ng gayong nakagigimbal na pangyayari, si
Mathilde ay maghapong naghihintay na sapupo ng di-matingkalang pangamba.

Bumalik kinagabihan ang lalaki, pagod na pagod, namumutla at nanlalalim ang mga mata;
hindi niya natagpuan ang kuwintas. Pinayuhan ng lalaki ang asawa na sumulat sa kaibigan nito at
sabihing nabali ang sarahan ng kuwintas at kasalukuyan pang ipinapagawa upang magkapanahon
silang makapag-isip-isip. Ginawa naman ng babae ang payo ng asawa.

Pagkalipas ng isang linggo ay lubusan na silang pinanawan ng pag-asa. Sa maikling


panahong iyon tumanda si M. Loisel nang limang taon.

Nagpahayag ang lalaki sa asawa na kailangang isipin nila kung paano mapapalitan ang
nawalang kuwintas. Kinabukasan, ang mag-asawa’y nagtungo sa tanggapan ng alaherong nakasulat
ang pangalan at direksyon sa loob ng kahon ng kuwintas. Hinanap ng alahero sa kaniyang talaan
ang sinasabing kuwintas.

“Hindi ako ang nagbili ng kuwintas na ipinagtatanong ninyo, wala pong nanggaling sa akin
kundi ang sisidlan lamang,” ang wika ng alahero kay Madame Loisel. Pinuntahan ng mag-asawa
ang lahat ng mga maghihiyas upang makakita ng katulad ng nawala na ang anyo ay buong
pagsisikap na inalala samantalang kapwa sila nanlulupaypay sa pagkabigo at paghihirap ng
kalooban.

Nakatagpo sila sa isang tindahan sa Palais Royal ng isang tuhog ng diyamanteng sa palagay
nila ay katulad ng kanilang pinaghahanap na kuwintas. Nagkakahalaga ito ng apatnapung libong
prangko, ngunit ibibigay na sa kanila sa halagang tatlumpu’t anim na libo. Pinakiusapan ng mag-
asawa ang may-ari ng tindahan na huwag munang ipagbili ang kuwintas sa loob ng tatlong araw.
Pinakiusapan din nila ang may-ari ngtindahan na kung sakaling bago magtapos ng buwan ng
Pebrero ay makita nila ang nawawalang kuwintas, matapos nilang bayaran ang bagong kuwintas ay
bibilhin itong muli ng may-ari ng tindahan sa halagang tatlumpu’t apat na libong prangko.

May namanang labingwalong libong prangko si M. Loisel sa namatay na ama. Hiniram niya
ang kapupunan nito. Gayon din ang ginawa ng lalaki. Kung kani-kanino siya nanghiram, lumagda
sa mga kasulatan, pinasok kahit na ang mga gipit na kasunduan, kumuha ng mga patubuan at
pumatol sa lahat ng uri ng manghuhuthot.

Inilagay niya ang buong buhay niya sa alanganing katayuan, nakipagsapalaran sa paglagda
sa gayong hindi niya natitiyak kung matutupad o hindi ang nilagdaan at ngayo’y nanggigipuspos
siya dahil sa mga hirap na maaari pa niyang sapitin, ng nakaambang pagdurusa ng pangitain ng
bukas na puspos ng pagsasalat at paghihirap ng kalooban. Nang matipon nang lahat ang halagang
kinakailangan ay tinungo ni M. Loisel ang tindahan ng kuwintas at ibinagsak sa mesang bilangan
ng may-ari ng tindahan ng mga hiyas ang tatlumpu’t anim na libong prangko.

Malamig ang pagtanggap ni Madame Forestier kay Mathilde nang isauli niya ang kuwintas.
Nagsalita ito sa tuyot na tinig ng “Isinauli mo sana agad ang kuwintas, baka sakaling kinailangan
ko ito.” Hindi na binuksan ng kaibigan ang kahon ng kuwintas. Naisip ni Matilde na kung sakaling
nahalata ng kaibigan ang pagkakapalit ng kuwintas, ano kaya ang aakalain at sasabihin nito sa
kaniya? Hindi kaya iisiping siya’y magnanakaw?

Ngayo’y lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng tunay na karalitaan.


Nabigla man siya sa bagong papel na kailangan niyang gampanan ay tinanggap niya iyon at buong
tatag na ginampanan. Dapat mabayaran ang napakalaki nilang pagkakautang. Pinaalis nila ang
kanilang utusan, lumipat ng ibang tirahan, nagtiis sila sa pangungupahan sa isang maliit na silid sa
kaituktukan ng isang bahay-paupahan.

Naranasan ni Mathilde ang mabibigat na gawain; ang nakayayamot na pangangasiwa sa


kusina, paghuhugas ng mga pingggan, paglilinis ng mga kaldero at kawaling mamantika, paglalaba
ng mga damit, mantel, serbilyeta at pamunas.

Ipinapanaog niya sa lansangan ang kanilang kakaning baboy sa tuwing umaga at


nagpapanhik siya ng tubig na gamit nila sa itaas. Suot niya ang pananamit ng pangkaraniwang
babae, siya’y nagtutungo sa tindahan ng prutas, de lata, at sa magkakarne. Nakasabit sa isang braso
ang pangnan, nakikipagtawaran siya, nilalait at ipinakikipaglaban ang kakarampot niyang
pamalengke. May pagkakautang silang binabayaran nang buwanan, may pinagkakautangan silang
pinakikiusapan, humihingi ng kaunti pang panahon sa pagbabayad.

Pagsapit ng gabi, habang maaga pa’y inaayos na ni M. Loisel ang talaang tuusan ng
sinumang mangangalakal na nangangailangan ng gayong paglilingkod at sa kalaliman ng gabi sa
halagang limang sentimos isang pahina na ginagawa naman niya ang mga salin ng mga katha.

Tumagal ng sampung taon ang ganito nilang pamumuhay na mag-asawa. Sa wakas ay


nabayaran din nila ang buong pagkakautang, kasama na ang mga tubo at nagkapatong-patong na
tubo ng mga tubo.

Mukhang matanda na ngayon si Madame Loisel. Isa na siyang tunay na babae ng mga
maralitang tahanan – matipuno ang katawan, matigas ang mga laman at magaspang ang mga kamay
na namumula. Nakasabog ang kaniyang buhok at patabingi ang kaniyang saya. Matinis ang
kaniyang tinig. Nanlalamira ang sahig kung siya’y mag-isis. Paminsan-minsan, kung nakaalis na
ang asawa patungong opisina, si Madame Loisel ay nauupo sa tabi ng bintana. Pinagbabalikan niya
sa gunita ang napakasayang gabing iyon na malaon nang nakalipas. Ang kaniyang kagandahang
naging tampok sa sayawan at naging dahilan upang siya’y maging tampulan ng paghanga.

Ano ang maaaring nangyari kung hindi nawala ang kuwintas? Sino ang nakaaalam? Tunay
na ang buhay ay kakatwa at mahiwaga! Sukat ang isang maliit na bagay upang tayo’y mapahamak
at mapabuti!

Isang araw ng Linggo, samantalang si Mathilde ay naglalakad sa Champs Elysees,


nagliliwaliw naman siya pagkatapos ng isang linggong singkad ng mga gawain sa bahay ay
namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata. Ang babae’y si Madame Forestier, bata
pa rin ang anyo, maganda pa ring katulad ng dati at taglay pa rin ang panghalina.

Nakangiti niyang sinalubong ang kaibigan at binati. “Magandang araw sa iyo, Jeanne.”
Labis na nagtaka si Madame Forestier. Hindi siya nakilala nito at pinagtakhan ang palagay sa loob
na pagbati sa kaniya ng isang maralitang babae.

Pauntol-untol na wika nito, “Ngunit ginang, hindi ko kayo nakikilala. Marahil ay


nagkakamali kayo.”

“Hindi! Ako’y si Mathilde Loisel.”

Napabulalas ang kaibigan. “O, kaawa-awa kong Matilde! Kay laki ng ipinagbago mo!”
“Oo nga, mahabang panahon ang ipinagtiis ko ng hirap mula nang huli nating pagkikita, at
labis na kalungkutan ang dinanas ko… at ikaw ang dahilan ng lahat.

Napamulagat si Madame Forestier, “Dahil sa akin! Paano nangyari iyon?”

“Naaalaala mo pa ba ang hiniram kong kuwintas na diyamanteng isinuot ko sa sayawan sa


kagawaran?”

“Oo, ay ano?”

“Ano pa, naiwala ko ang kuwintas na iyon.”

“Anong ibig mong sabihin? Isinauli mo sa akin ang kuwintas?”

“Isinauli ko sa iyo ang isang kuwintas na katulad na katulad ng hiniram ko sa iyo. Sampung
taon kaming nagbayad ng mga utang. Alam mo namang hindi madali sa katulad naming mahirap
ang gayong bagay. Ngunit nakalipas na ang lahat ng iyon at ngayon ay galak na galak na ako.”

Natigilan si Madame Forestier.

“Sabi mo’y bumili ka ng kuwintas na diyamante na ipinalit mo sa hiniram mo sa akin na


naiwala mo?”

“Oo, samakatuwid ay hindi mo pala napansin. Talagang kamukhang-kamukha iyon ng


hiniram ko sa iyo.”

Ngumiti si Matilde nang may pagmamalaki, isang ngiting puspos ng kawalang-malay


katulad ng ngiti ng isang paslit. Nabagbag nang gayon na lamang ang kalooban ng kaibigan.

“O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon
lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil ay limang daang
prangko.

(pagkalipas ng ilang minuto)


Klas tapos na ba ang pagbabasa?
Opo ma’am
Mainam naman. Bago tayo dumako
sa gabay na tanong ay kilalanin mo
na natin ang may akda ng kuwento.
Sini ang may akda?
Si Guy de Maupassant po ma’am
Kilala niyo ba siya?
Hindi po ma’am
Okay klas si Henry-Rene-Albert-Guy
de Maupassant o kilala sa pangalang
Guy de Maupassant ay isang pranses
na manunulat. Kilala siya sa tanyag
niyang maikling kuwento “The Necklace”.
Ipinanganak noong ika-5 ng Agosto
taong 1850, si Maupassant ay galling
sa naka-aangat na pamilya, siya ay nag-
aral sa isang seminaryo noong siya’y
labintatlong gulang at nag-aral ng law
sa Paris bago siya sumabak sa gyera
bilang isang sundalo. Nakapaglimbag
nag mahigit 300 daang mga kuwento
at 6 na libro si Maupassant bago siya
namatay noong siya ay 43 taong gulang.
Ahh ganoon po pala ma’am

Oo klas yan nga sa Maupassant ang


may-akda ng kuwentong ang Kwentas.

Sige klas dahil tapos na nating nakilala


ang may akda ng kuwento at nabasa na
ninyo ang kuwento, sigurado akung
makakasagot na kayo sa mga gabay na
tanong na ibinigay ko kanina. Handa
na ba kayo klas?
Opo ma’am, handing handa na

#L3
1. Klas, ano ang pamagat ng kuwento?
Ang Kuwentas po ma’am
Tama. 2. Sino naman ang pangunahing
tauhan sa kuwento?
Ang pangunahing tauhan sa kuwento
ma’am ay sila Mathilde, G. Loisel,
Madam Forestier at si George R.
Tama. Ang mga pangunahing tauhan sa
kuwento ay sina:

Figure 1Mathilde Loisel

Mathilde Loisel
babaeng isinilang sa angkan ng mga
tagasulat G. Loisel
Asawa ni Mathilde

George Ramponneau
Nag-anyaya sa mag-asa sa Madam Forestier
kasiyahan
Matalik na kaibigan ni Mathilde
Okay klas may itatanong lang ako sa inyo
kung talagang binasa niyo talaga ang
kuwento.
Sige ma’am
Sino sa mga tauhan ng kuwento ang
nakawala ng kuwentas?
Si Mathilde po ma’am.
Tama. Sino naman ang nagmamay-ari
ng kuwentas na hiniraman ni Mathilde?
at magka ano-ano sila?
Ang nag-mamay-ari po ng kuwentas
na nawala po ni Mathilde ay siMadame
Forestier po at matalik na kaibigan po
siya ni Mathilde.
Magaling naman. talagang nagbasa
talaga kayo ng mabuti. (natutuwa)
Syempre naman po ma’am

3. Bakit hindi masaya si Mathilde


sa piling ng kaniyang asawa?
Sa pagkakaintindi ko po ma’am,
kaya hindi masaya si Mathilde sa
kaniyang asawa dahil hindi
po siya kuntento sa katayuan
ng kanilang pamumuhay.

Opo ma’am
Kayo klas kontento na ba kayo

kung anong meron kayo ngayon?


Opo ma’am kontento na po ako kung
anong meron ako ngayon, dahil po ito
ay biyaya ng ating Panginoon.
Mabuti naman klas. Dahil nakasulat
sa bibliya sa salmo kapitulo 37
bersikulo 4, na dapat maging kuntento
tayo kung ano ang binigay ng
Panginoon. Kaya dapat makontento
klas.
Opo ma’am
Mabuti naman. Sige sino pang
makapagbibigay ng sagot?
Ako po ma’am (nagtaas ng kamay)
Okay Binibini/Ginoo maaaring
mo bang ibahagi sa klase?
Mas gusto po niya ng isang maya
-mang lalaki kaysa sa kaniyang
asawa.
Tama ka Binibini/Ginoo. Taman
ngang hindi masaya si Marthilde
sa piling ng kaniyang asawa dahil
mahirap lang ito at higit pa diyan
ay labis ang knaiyang pagdurusa
at paghihinagpis dahil may paniwala
siyang isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan
sa buhay na maidudulot ng salapi.
Ahh!! kaya po pala ma’am
Oo klas
Sige po ma’am
4. Ano ang ginawa ni G. Liosel
upang mapapayag ang asawa na
dumalo sa kasayahang idaraos ng
kagawaran?
ikaw Ginoo.
Okay po ma’am.
Batay po sa naunawaan ko sa
kuwento ang ginawa po ni G.Loisel
ay pinaka-usapan niya ang kaniyang
asawa sa pagdalo sa isang malaking
piging dahil gusto niyang malibang
ang kanyang asawa, dahil kailan
ma’y hindi ito naka-paglilibang at
naisip niya na ito na ang tamang
pagkakataon. Ginawa ni G. Loisel
ang lahat ng kaniyang makakaya
para lamang makadalo ang kanyang
asawa sa kasiyahan na ito,
isinugal niya ang kanyang natipong
pera na dapat ay gagamitin niya sa
pagbili ng baril pang-ibon ginawa
niya ito upang mabilhan ng
magandang bestida ang kanyang
mahal sa buhay.
Magaling Ginoo, talagang ginawa
ni G.Loisel ang lahat sa abot ng
kaniyang makakaya para lamang
mapapayag ang kaniyang asawa
na dumalo sa kasiyahan na naganap
sa palasyo. Ginawa niya ito dahil
sobrang mahal niya ang kaniyang
asawa at upang ito ay maaliw man
kahit sa kakarampot na panahon.
Opo ma’am
Dako tayo sa 5. Ano-ano ang nais
mangyari ni Mathilde sa kanyang
buhay? Natupad ba ang mga ito?
Sino ang gusting sumagot?
Ako po ma’am
Sige ikaw Binibini
Ang nais po na mangyari ni
Mathilde ay magtamasa ng lubos
na kaligayahan sa buhay na
maidudulot ng salapi.Ngunit Malaki
ang paghihinayang at napuputos
ng lumbay ang kanyang puso kapag
naiisip ang mga pangarap niya sa
buhay na hindi yata magkaka-
roon ng katuparan.
Magaling binibini talagang ginawa
ni G.Loisel ang lahat ng kanyang
makakaya para lamang mapapayag
ang kanyang asawa na dumalo sa
kasiyahan na nagaganap sa palasyo
ginawa niya ito dahil sobrang
mahal niya ang kanyang asawa at
upang ito ay malibang lang man
kahit sa sandaling panahon.
Opo ma’am.
Okay ano pa ang
masasabi niyo kay Mathilde?
Si Mathilde ay isa pong ambisyusang
o mataas ang tingin sa sarili.
Hmm. paano mo nasabi yan?
Kasi po ma’am gusto niyang
magkaroon ng mga bagay na
magagara katulad ng magagarang
damit at mga hiyas na di naman
niya kayang bilhin dahil
kapos sa pera.
Ayon magaling binibini. At dapat
huwag nating tularan si Mathilde
maging kontento na tayo kung
anong meron tayo kung di mo
kaya wag pilitin maliban nalang
kung mayaman ka,dahil hindi yan
makakabuti sa atin.
Opo ma’am hindi po naman siya
tutularan kailanman.
Mabuti naman kung ganon klas

Okay.pumunta naman tayo sa


panghuling tanong, sino ang
gustong sumagot?
Ako po ma’am (nagtaas ng kamay)
Sige ikaw magandang binibini.
Pakibasa at paki sagutan ang tanong.
6. Kung ikaw si Mathilde, ano ang
gagawin mo upang matupad ang
mga pangarap mo sa buhay?

Kung ako po si Mathilde na gustong


magkaroon ng marangyang
pamumuhay hahanap po ako
ng mga paraan na makatutulong
sa pagtupad ng aking mga
pangarap magsusumikap po ako,
gagawin ko po lahat ng aking
makakaya para makuha ko ito.
Sang-ayon ba ang buong klase?
Opo ma’am
Paano niyo nasabi?
Kasi po ma’am kung talagang gusto
o panagarap mo ang bagay na iyan
dapat na paghirapan mo yan at
pagsusumikapin mo yan, gaya nga
sa isang kasabihan na pag may
itinanim, may aanihin sa kasabihan
na ito makikita dito na pag tayo’y
magsikap ng mabuti mayroon itong
patutnguhan o paruruonan.
Mabuti naman kung ganon mga
bata dahil yan ay makakabuti sa
inyo, dapat talaga tayong magsikap
ng mabuti upang masuklian natin
ang ating mga magulang sa
kanilang paghihirap.
Opo ma’am talagang magsisikap po
kami ng mabuti para matupad ang
hinahangad naming sa buhay.
Mabuti naman klas dahil tayo’y
nag kakaunawaan.
Opo ma’am
Klas magaganda lahat ng mga sagot
niyo, talagang nauunawan na ninyo
ang Kuwento ang Kwento tungkol
sa Kwentas.
Opo ma’am naintindihan na po naming.
Bigyan natin ang mga sarili natin
ng tatlong bagsak.
( palakpak)
Klas naintindihan niyo na ang
akdang inyong binasa dahil
nasagutan niyo ang mga gabay
na tanong. Ngayon, may ipaga-
gawa ako sa inyo. Maaari
bang magpangkatan kayo sa
dalawa. Ang nasa kanan ay ang
pangkat una at ang nasa kaliwa
naman ay pangkat pangalawa.
Opo ma’am
Ang unang pangkat ay ilagay niyo
sa dalawang mamalaking hugis pusong
larawan ang mga katangian ng isang
mabuting asawa.

Ang sa pangalawang pangkat naman ay


ilagay o isulat ninyo ang mga katangian
ng isang babaeng taga-France na makikita
sa kwento sa pamamagitan ng
character mapping.

nagkakaintindihan ba tayo klas?


Opo ma’am
Sige simulant ninyo klas bibigyan ko
lamang kayo ng limang (5) minute.
Magsimula na kayo.
Sige po ma’am

Pagkalipas ng limang (5) minute


Okay klas tapos na ang lahat idikit na
at mag ulat kayo muna pangkat una ang
mag uulat.
Opo ma’am

MAPAGMAHAL MAALAGA

(Natapos ang unang pangkat)

Palakpakan natin ang unang pangkat


mabuti naman at naintidihan ninyo
ang ipinipagawa ko talangang mata-
talino kayo.

Ang pangkat dalawa ay ihanda niyo


muna ang mag-uulat dahil mamaya
na kayo mag-uulat sa ginawa niyo
magsasabi lang ako kung pwede na
kayong mag-ulat dahil espesiyal din
kayo sakin
.
nagkakaintindahan ba klas?
Opo ma’am
Sige palakpakan natin ang pangkat
una.
(pumalakpak)

E. Pagtatalakay ng Bagong
Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan #2

Klas may ibinigay pala si Guy


de Maupassant ng isang sulat.
Maaari mo bai tong buksan
binibini?

Opo ma’am
(nagbabasa)
Basahin

Ano ang napansin niyo klas?


May mga salita po ma’am na
nakasalungguhit.
Ano ba ang mga naunawaan niyo
sa salitang nakasalungguhit at
nakabold.
Para pong mga panghalip na ginagamit
sa paghalili ng pangngalan ng tao.
Magaling klas.

Kung napansin niyo sa unang


halimbawa na may salungguhit
ang salitang Mathilde na kung
saan ito ay hinahalinan ng panghalip
na siya. Samantalang ang panghalip
na kaniya ay ginagamit namang
panuring sa pangalang Mathilde.
Opo ma’am napansin po naming yan.
Mabuti naman klas. Alam niyo ba
na ang mga pangungusap na
magkahiwalay ay pinag-uugnay
ng mga gamit pang-ugnay ito ay
reperensiya na anaphora at katapora.
Ano po yang anaphora ma’am?

WIKA:

Nagkakaintindihan na ba tayo klas?

Ang Anapora ay isang reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit


na sa unahan ng teksto o pangungusap. Halimbawa nito ay ang sumusunod :

 Karamihan sa mga tao ay kinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro ng
moda, pagluluto, sining at arkitektura.
 Ang France ay una nang tinawag na Rhineland. Noong panahon ng Iron Age at Roman
Opo ma’am Ehh yung katapora
po ano ho yun?

Ang katapora naman ay mga reperensiya na bunabanggit, at tumutukoy sa mga bagay na


nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap. Narito ang halimbawa ng katapora :

 Sila ay sopistikada kung mananamit. Mahilig din sila sa masasarap na pagkain at


alak. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan.

Sa halimbawang nabanggit ang panghalip na sila, ay ginagamit bilang panuring sa


pangngalang taga-France.

Klas dapat nating tandaan na ang


mga panghalip ay hindi lamang
ginagamit ng panghalili sa
pangngalang binanggit sa unahan
ng pangungusap. Ito’y maaaring
ipalit sa pangngalang nasa hulihan
din ng pangungusap.
Opo ma’am talagang tatandaan naming
iyan.
Mabuti naman kung ganun.

Ngayon alam kong marami na kayong


natutuhan tungkol sa dalawang repe-
rensiya.

F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo


sa Formative Assessment)

Pero klas para lubos niyo talagang


maunawaan ay susukatin ko ang
nalalamin niyo. May ipapagawa sa
inyo.
Sige ma’am
Ito ang gawawin niyo klas maaaring
pumunta sa harap ang gusting sumagot.
Ako po ma’am
Ako din po ma’am
Sige isa-isa lang klas para maayos
ang pagsagot sa harapan. ikaw
mauunsa Binibini.
Opo ma’am
Tapos ikaw Ginoo
Opo ma’am
Ikaw naman Binibini
Opo ma’am
( lahat sila na sa harapan)

L#5

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Salungguhitan ang angkop na


panghalip na mula sa ibinibigay na mga pagpipilian sa loob ng panaklong.

1. (Siya’y, Ika’y, Kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa


pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.

2.Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala (akong,


kaming, siyang) isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan
sa buhay na maidudulot ng salapi.

3. Malimit na sa pagmamasid (niya, nito, siya) sa babaeng Briton na gumaganap ng


ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng paghihinayang at
napuputos ng lumbay ang kanyang puso.

4. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa (nila, ko, mo) ang pagkuha ko sa paanyaya”.

5. Sumapit ang inaasam ( naming, kong, niyang) araw ng sayawan. Nagtamo ng


malaking tagumpay si Mathilde Loisel.

(pumunta sa harap para sumagot)


At ngayon dahil tapos na ninyong
sagutan ang mga tanong maaari ko
bang tawagin ang tag-ulat sa pangkat
dalawa para ibahagi sa aming lahat
ang kanilang nagawa?
Opo ma’am

G. Paglalahat ng Aralin (character mapping)

Pangkat dalawa
handa na ba kayo?
Opo ma’am
Sige simulant niyo na ang
pag-presenta ng ginawa at
sinagutan ninyo klas. Para
makaintindihan ng mabuti
ng inyong mga kaklase ang
ginawa ninyo.
Opo ma’am
Simulan niyo na

L#4
Pangkat dalawa
Mahilig sa mga masasarap na pagkain,alak at
keso

Supistikado kung Mahilig dumalo sa mga


manamit kasiyahan

Disente at sunod sa Masiyahin


uso ang pananamit

Mahilig magsuot ng mga hiyas

Maraming salamat sa inyong mga


ibinahaging mga kasagutan klas.

Nasagutan niyo ng maayos ang


inyo mga pangkatang Gawain.

Bigyan natin ang ating mga sarili


sa isang malakas na palapakan.
(palakpakan)
Klas may aral ba kayong napupulot
sa paksa natin sa araw na ito?
Opo ma’am marami po
Kung ganon maaari ka bang tumayo
upang ibahagi ito sa iyong mga
kaklase Ginoo/Binibini?
Opo ma’am

Ang aral na napulot ko po


ma’am sa kuwento at ang
pagpapahalaga sa mga bagay
na hindi atin dapat natin itong
pag-ingatang mabuti sapagkat
ito ay nawala mo ng hindi
sinsadya humingi ka dapat ng
tawad sa taong hiniraman mo
ng gamit na iyon.
Tama. Bigyan ng bagsak. Klas
dapat tayo ay maging responsible
sa mga bagay na hiniram lang natin.
Opo ma’am
Mabuti naman kung ganon.

Palapakan natin ang ating mga sarili


dahil nasagutan niyo ng mayos ang mga
Gawain na pinapagawa ko talagang
nakikinig kayo ng mabuti.
(palapakan)

H. Karagdagang Gawain para sa


Takdang-Aralin at Remediation

Klas bilang panghuling Gawain


dahil kinapos na tayo sa oras.
magkaaroon tayo ng takdang aralin.
Okay po ma’am
#L6
Gagawa kayo ng sariling wakas
ng kuwentong Ang kuwentas
gamit ang panghalip bilang
panuring sa tauhan sa pamama-
gitan ng sanaysay. Ito ang
magsisilbing takdang aralin
ninyo. Maliwanag ba klas?
Opo ma’am
Narito ang pamantayan para sa
inyong gagawin. wala na bang
tanong klas?
Wala na po ma’am
Okay klas magsitayo ang lahat para
sa panalangin, pangunahan mo Ginoo/
Binibini.
Purihin ang Panginoonng Hesus
Ngayon at magpakailanman,
Amen.
Paalam na klas
Paalam na po Bb. Celiz at
Mabuhay!

Goal Makagagawa ng sariling wakas gamit ang


panghalip bilang panuring sa tauhan sa
pamamagitan ng sanaysay.

Role Mga mag-aaral

Audience Guro at mga kaklase

Situation Gagawa ng sariling wakas ang kuwentong


Ang kuwentas gamit na panghalip sa
pamamagitan ng sanaysay.
Product/ Makagawa ng sanaysay ng sariling wakas sa
Performance kuwentong ang Kuwentas
Standard Ang sariling wakas ay maaring sukatin sa
pamamagitan ng Rubrics.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay


Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Walang Iskor
Inaasahan Inaasahan Nakamit ang Nakamit ang Napatunay
(5) (4) Inaasahan Inaasahan an
(3) (2) (1)
Introduksyo Nakapanghihika Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi Hindi nakita
n yat ang introduksyon introduksyon malinaw ang sa ginawang
introduksyon. ang ang introduksyon sanaysay.
Malinaw na pangunahing pangunahing at ang
nakalahad ang paksa paksa subalit pangunahing
pangunahing gayundin ang hindi sapat paksa. Hindi
paksa gayundin panlahat na ang rin nakalahad
ang panlahat na pagtanaw pagpapaliwan ang panlahat
pagtanaw ukol ukol dito. ag ukol dito. na
dito. pagpapaliwan
ag ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan Bawat talata May Hindi Hindi talaga
ang bawat talata ay may sapat kakulangan sa nadebelop ang nadebelop
dahil sa husay na na detalye detalye mga ang mga
pagpapaliwanag pangunahing pangunahing
at pagtalakay ideya ideya
tungkol sa paksa.
Organisasy Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang Wala
on ng mga mahusay ang debelopment pagkakaayos patunay na talagang
Ideya pagkakasunud- ng mga talata ng mga talata organisado patunay na
sunod ng mga subalit hindi subalit ang ang organisado
ideya; gumamit makinis ang mga ideya ay pagkakalahad ang
din ng mga pagkakalahad hindi ganap ng sanaysay. pagkakalaha
transisyunal na na nadebelop. d ng
pantulong tungo sanaysay
sa kalinawan ng
mga ideya.
Konklusyon Nakapanghaham Naipakikita Hindi ganap May Kulang at
on ang ang na naipakita kakulangan at walang
konklusyon at pangkalahata ang walang pokus pukos ang
naipapakita ang ng palagay o pangkalahatan ang konklusyon
pangkalahatang pasya tungkol g palagay o konklusyon
palagay o paksa sa paksa pasya tungkol
batay sa batay sa mga sa paksa batay
katibayan at mga katibayan at sa mga
katwirang inisa- mga katibayan at
isa sa bahaging katwirang mga
gitna. inisa-isa sa katwirang
bahaging inisa-isa sa
gitna. bahaging
gitna.
Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami at Talagang
pagkakamali sa pagkakamali pagkakamali nakagugulo magulo at
mga bantas, sa mga sa mga bantas, ang mga napakarami
kapitalisasyon at bantas, kapitalisasyon pagkakamali ang mga
pagbabaybay. kapitalisasyo at sa mga bantas,pagkakamali
n at pagbabaybay. kapitalisasyonsa mga
pagbabaybay. at bantas
pagbabaybay. kapitalisasyo
n at
pagbabayba
y
Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami at Talagang
pagkakamali sa pagkakamali pagkakamali nakagugulo napakarami
estruktura ng sa estruktura sa estruktura ang at
mga ng mga ng mga pagkakamali nanagkagugl
pangungusap at pangungusap pangungusap sa estruktura o ang mga
gamit ng mga at gamit ng at gamit ng ng mga pagkakamali
salita. mga salita. mga salita. pangungusap sa estruktura
at gamit ng ng
mga salita. pangungusa
p at gamit
ng mgs
salita
Kabuuan 30punt
os

Inihanda ni:
Bb. Rashiel Jane P. Celiz

Ipinasa kay:
Dr. Eliza E. Bayang

You might also like