You are on page 1of 3

AP BROADCAST

ALEXA: At Ngayon, tutungo naman tayo kung saan malalaman natin


kung ano-ano ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, at kung Anong
kontribusyon ang kanilang ipinamana sa atin.
ALEXA: it's trivia time!!
KHAY: Ano ang kabihasnang kinikilala bilang "LUPAIN SA
PAGITAN NG DALAWANG ILOG?"
JEROME: ano nga ba ang tawag Dito?
GEROSE: Ito ang kabihasnang Mesopotamia, ito ay matatagpuan sa
dalawang na ang ilog ay ang Ilog Tigris at Euphrates.
KHAY: Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa paarkong matabang lupain
na nagsisismula sa Persian gulf patungo sa silangang dalampasigan ng
Mediterranean sea na tinatawag na fertile crescent.
REXIE: at ang mga kontribusyon na ipinamana nila ay ang Ziggurat,
Dito nila sinasamba ang mga diyos at patron nila.
Mckenzie: Ang epic of Gilgamesh ay itinuring na kauna-unahabg akdang
pampanitikan sa larangan ng luteratura sa buong daigdig.
ALEXA: Cuneiform naman ang kanilang Sistema ng pagsulat ng
nilinang ng mga Sumer na unang nakatira sa Mesopotamia.
MCKENZIE: Ang mga hardin ay sinasabing winasak ng mga lindol
pagkatapos ng ika-2 siglo BCE. Ang mga hardin ng Babilonya ay
nadokumento ng mga manunulat na Griyego at Romano kabilang sina
Strabo, Diodorus Siculus, at Quintus Curtius Rufus.
GEROSE: Ang Kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga pinakaunang
isinulat na batas sa kasaysayan at isinulat sa isang stela at inilagay sa
lugar na pampubliko upang mabasa ng lahat. Ang stela na ito ay
kalaunang kinuha ng mga taga-Elam at inalis sa kabisera nitong Susa.
KHAY: Ang kabihasnang indud ay isang malapad na peninsula na
pormang tatsulok ang rehiyon ng timog asya. Sa paligid ng ilog Indus
nag-umpisa ang kabihasnan sa India.
MCKENZIE: Isa sa mga kontribusyon ay ang sewerage system, na kung
saan unang naimbento ng mga Dravidian na nakatira sa MONHEJO-
DARO na nagtataguyod sa kabihasnang Indus.
JEROME: Ngayon tayo ay dadako na sa kabihasnang TSINO.
REXIE: ang kabihasnang TSINO ay nagsimula sa gilid ng Yellow river
o ang ilog Huang Ho.
ALEXA: ang kahabaan ng ilog ay tinatayang 3000 milya na nanggaling
pa sa kabundukan ng Kanlurang China na umaagos hanggang Yellow sea.
Sa loob ng ibang panahon, maraming beses na nagpa iba iba ang daluyan
ng ilog hanggang sa nakalikha ito ng Isang malapad na kapatagan na
tinatawag na north china plain.
MCKENZIE: Isa sa mga kabihasnang Tsino ay Feng Shui na nagmula sa
China ang Feng Shui o geomancy.
JEROME: Nakapaloob Dito ang paniniwala ukol sa tamang pagbalanse
ng yin at yang upang makakapagdulot ng Magandang hinaharap sa
buhay.
GEROSE: isa Dito ang the great wall of china na may karagdagang
ambag na kung saan naitayo sa panahon ni Shin Huang Ti ng dinastiyang
Qin o Chin bilang proteksyon sa pag atake ng kalakalan.
KHAY:Meron rin ako! Ang abacus ay may ambag rin sa kabihasnang
Tsino! Ito ay kasalukuyang nagagamit ng mga bata o tinatawag na new
learners para matutong magbilang gamit ang abacus!
ALEXA: Syempre, Mayroon ring chopsticks! Ito ay tumatak din sa
daigdig ng tsina! Ito ay ang kontribusyong chopsticks dahil hanggang
ngayon ay ginagamit pa ito ng mga Tsino.
MCKENZIE: Ang Mahabang Muog ng Tsina o Dakila't Maringalna
Tabiki ng Tsina (Great Wall of China sa Ingles), ay isang kahanayan ng
mga bato at harang sa Republikang Popular ng Tsina, itinayo, muling
ipinaayos, at pinanatili sa pagitan ng ika-5 at ika-6 na dantaon upang
ipananggalang ang mga paligid na nasasakupan ng Imperyong Tsina
noong nanunungkulan ang mga nagpapalitang mga dinastiya.
GEROSE: Ang kabihasnang Ehipto ay isang matandang kabihasnan sa
silangang Hilaga Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng ilog
Nile na kung saan naroroon ang kasalukuyang bansa na Ehipto.
MCKENZIE: Ang kasaysayan ng sinaunang Ehipto ay binubuo ng mga
matatag na mga kahariang, na hinati ng mga panahon na tinatawag na
intermedyang panahon o intermediate periods.
JEROME: Narating ng Ehipto ang kanyang tugatog sa panahon ng
bagong kahariang, kasagsagan ng panahong ramesside. Pagkatapos nito
ay unti-unting humina ang Ehipto.
KHAY: Handog ng kabihasnang Egypt ang heiroglyphics na Isang
sistema ng pagsulat ng mga Egyptian na naging mahalaga sa pagtatala o
kalakalan.
GEROSE: Ang mga rolyo ng pergamin o paper roll ay Mula sa
malatambong halaman na tinatawag na papyrus. Naka guhut ang isang
larawan na sumasagisag ng Isang kaisipan, nakaukit sa mga papel.

You might also like