You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa MAPEH IV

(Health)

I. LAYUNIN

 Natutukoy ang mga panganib na dulot ng hindi wastong pagbabasa ng mga food labels.
 Naipapaliwanag ang panganib na dulot ng hindi wastong pagbabasa ng mga food labels.
 Nakakalahok ng maayos sa mga itinakdang gawain.

II. PAKSA

Mga Panganib na Dulot ng Hindi Wastong Pagbabasa ng mga Food Labels

Sanggunian: K-12 Basic Education CG Grade 4 (H4N-Ifg-26, H4N-Ihi-27)


TG pp.108-110, LM pp. 251-256

Kagamitan: mga larawan, tsart, graphic organizers, brown envelope, plastic tape, strip
ng papel

III. PAMAMARAAN

A. PAGGANYAK

Papangkatin ang klase sa apat na grupo. Ipapakita ang incentive chart (Let’s
Feast!) klase at ipapaliwanag ito.

Ipapabasa ang sitwasyon. Magtatanong pagkatapos mabasa ang sitwasyon.

Namili kayo ng tinapay ng iyong Nanay at Tatay sa


pamilihan ng tinapay at mantikilya. Nang buksan mo
ang tinapay sa inyong bahay napansin mong may kulay
abong nakadikit sa tinapay at ang mantikilya naman ay
lusaw na.

Itanong: Ano kaya ang nangyari sa tinapay?


Ano ang dapat tingnan bago bumili ng tinapay at mantikilya?
Paano natin malalaman kung ang pagkain ay may ganitong impormasyon?
Mahalaga ba ang pagbabasa ng mga impormasyon? Bakit?

B. PAGLALAHAD

Ipapakita ng guro ang mga larawan at ipapaskil sa pisara.

C. PAGTATALAKAY

Tatalakayin ang mga panganib na dulot ng hindi wastong pagbabasa ng mga food
labels sa pamamagitan ng Star Diagram.

Kung makakakain ng
sirang pagkain (expired),
maaaring magsuka,
sumakit ang tiyan, o
makakuha ng mga
mikrobyo at magkasakit.
May mga pagkaing
naglalaman ng allergens mga
mikrobyong maaaring
magdulot ng allergies tulad
ng paghahatsing, pangangati,
Kung makabibili ng pagkaing
hirap sa paghinga, pagkahilo,
sira at panis na, maaaring
A.Pagsakit ng tiyan/ at iba pa.
mag-aksaya lamang ng pera.
pagsusuka/pagkakasakit

E. Pagsasayang ng pera B. Pagkakaroon ng


allergic reaction

Mga Panganib na Dulot


ng Hindi Wastong
Pagbabasa ng mga
Food Labels

C. Pagpayat o pagtaba
dahil sa maling nutrisyon
D. Pagkapanis ng pagkain

Kung hindi sa refrigetrator Maaaring makakuha ng maling


nakalagay ang pagkain, maaari nutrisyon ang taong hindi
itong masira agad. Samantala, nagbabasa ng food labels – ang
maaari naming mapanatili ang anumang kulang o sobra ay
pagkasariwa at pagkamasustansya masama sa katawan. Makukuha
ng pagkain kung ito ay maitatabi ang tamang sukat ng pagkain sa
nang wasto at tama. pamamagitan ng pagbabasa ng
Nutritional Facts.

D. PAGLALAHAT

Itanong: Ano-
ano ang mga
panganib na
dulot ng hindi
wastong
pagbabasa ng
mga food
labels?
Sagot:
E. PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain

Papangkatin sa apat na grupo ang klase. Bawat grupo ay bibigyan ng brown


envelope na may lamang strips ng papel. Pipiliin lamang ng bawat grupo ang strip na
may nakasaad na masamang epekto na maaaring mangyari kapag isinawalang-bahala o
hindi nagbabasa ng mga food label. Ididikit ito sa nakalaang graphic organizer. Pipili ng
isang tagapag-ulat ang bawat grupo.

Nakaka-badyet ng pera kung hindi nagbabasa ng food labels.

Maaaring mgakaroon ng allergic reaction.

Makakakuha ng maling nutrisyon.

Nasasayang ang pera.

Nalalaman ang sapat na sustansya sa pamamagitan ng pagababasa ng nutrition facts.

Sumasakit ang tiyan o maaaring magsuka kung nakakakain ng sirang pagkain.

Pwedeng mapanis agad ang pagkain.

Nalalaman ang kabutihang dulot sa ating kalusugan.

Unang Grupo: Flower Graphic Organizer


Ikalawang Grupo: Cloud Graphic Organizer
Ikatlong Grupo: Tree Chart Graphic Organizer
Ikaapat na Grupo: Balloon Organizer

IV. PAGTATAYA

Isulat ang salitang TAMA kung nag pangungusap ay nagsasaad ng wastong


impormasyon at isulat ang MALI kung hindi ito wasto.

__________1. Maaaring makakuha ng sakit mula sa pagkaing sira o panis na produkto.


__________2. Ang hindi pagbabasa ng food labels ay paraan upang makatipid ng pera.
__________3. Makikita sa pakete ng pagkain kung kalian ito masisira o mapapanis.
__________4. Isinasaad sa Nutrition Facts ang kumpletong listahan ng mga sustansiyang
makukuha sa produkto.
__________5. Maaari pang kainin o inumin ang isang produkto matapos ang expiry date nito.

V. TAKDANG-ARALIN

Gumawa ng isang slogan na maghihikayat sa mga kamag-aral na magbasa ng food


labels. Lagyan ng disenyo at kulay ang slogan. Gawin ito sa long bondpaper.

You might also like