You are on page 1of 7

Lagom: Kelman FIL 225

Language as an Aid and Barrier to Involvement in the National System


Herbert C. Kelman

Nais pangatwiranan ni Herbert Kelman sa kaniyang artikulo na “Language as an Aid and


Barrier to Involvement in the National System” (1971), na ang pagkakaroon ng isang komon na
wika ay mayroong malaking ambag upang mas mapalakas ang pambansang identidad at
magkaroon ng pambansang pagkakaisa ang isang bayan, gayunpaman, kung anong kabutihang
naidudulot ng isang komon na wikang ito, ay ito rin ang maaaring maging dahilan upang
magkagulo at magkawatak-watak ang isang nasyon—kung hindi man sa lahat ng pagkakataon ay
maaaring sa mga bansang multi-etniko. Layunin ni Kelman na maibahagi ang kahalagahan ng
kaniyang pagtatangka na mabigyang kahulugan ang gampanin ng isang komon na wika at para sa
pagbuo ng mga pambansang polisiya para sa wika.
Unang tinalakay ni Kelman sa kaniyang artikulo ang iba’t ibang patern ng mga indibidwal
at mga pangkat sa kung paano silang nakikilahok sa sistemang pambansa. Nagbigay ng mga
pamamaraan si Kelman upang matukoy ito, at isa na rito ay suriin ang lebel at kalikasan ng
pagtanggap ng mga tao sa inilalatag na mga ideolohiya para sa kanila. Ngunit bago niya ito
palalimin ay inilahad muna niya ang mga katangian ng ideolohiya ng isang nation-state: (1)
Kailangang kinakatawan nito ang mamamayan sa lahat ng bahagi ng kaniyang pagkakakilanlan
upang mapanatili niya ang isang matatag na sistemang politikal. (2) Ito ay isang political unit na
mayroong pinakamahalagang tungkulin upang mamahala. (3) Sa pagbuo o pagpapaunlad nito ay
inaasahang makilahok ang bawat isa para sa patuloy na pagpapairal nito.
Gayunpaman, iba-iba ang interpretasyon at pagpapahatid ng mga ito sa sistema ng
paniniwala ng bawat mamamayan. Depende sa demograpikong sitwasyon, personalidad at
katayuan sa buhay ang bigat ng kanilang pagbabahagi ng mga sarili para sa bayan. Ngunit
napakalahaga para sa isang bansa ang pagtanggap ng mga mamamayan sa kung ano ang
inihahain sa kanila sapagkat ang pagtanggap ay pagpapakita ng tiwala. Kung sa gayon, ang
kakayahan ng bansang magpakilos sa mga tao para sa ikakabuti o sa kung ano man ang nais
tunguhin nito ay nakikita sa kung gaano ba katiwatiwala o kalehitimo ang isang bansa sa mata ng
mamamayang naninirahan dito.

Myla Eusebio
Lagom: Kelman FIL 225

Sinasabing pinagkakatiwalaan daw ng mamamayan ang isang bansang (1) sumasalamin


sa identidad ng kaniyang nasasakupan at (2) naibibigay nito ang interes at pangangailangan ng
lahat. Sa katagalan, hindi ito magiging matagumpay kung hindi na nakikita ng mga mamamayan
na mayroon pa siyang mapapakinabangan sa sistema, liban na lamang kung mayroong bahagi ng
populasyong naniniwala pa rin na naibibigay nito ang pangangailangan nila. Gayunpaman, sa
maikling panahon, makakasulong pa rin ang sistemang politikal kahit na hindi na nito
nagagampanan ang kaniyang tungkulin hangga’t nagagawa pa rin nitong katawanin ang
pagkakakilanlan ng nakararami.
Sa sosyo-sikolohikal na antas naman, nakikita ang pagkalehitimo ng isang sistemang
politikal batay sa “sense of loyalty” ng mga mamamayan nito. Pumapasok na rito ang personal
na pagtingin, sa kung paano nailalapit ng isang indibidwal ang sarili sa sistemang kaniyang
kinabibilangan. Tinatawag itong attachment ni Kelman, at ito ay nakakategorya sa sentimental at
instrumental na uri ng attachment.
Ang isang tao ay masasabing sentimentally attached sa sistema kung nakikita niyang
sinasalamin ng kaniyang bansa ang kaniyang identidad, dahil dito naipakikita niya ang kaniyang
attachment sa pamamagitan ng: (1) Pagiging tapat sa pagsunod at pagtangkilik sa gawi, kultura,
mga produkto at mga tradisyon na nakagawian na ng kaniyang kinabibilangang lipunan. (2)
Nararamdaman niyang mayroon siyang malaking koneksyon sa kaniyang bansa sapagkat sa tingin
niya ay napahahalagahan siya nito. (3) Sa tingin niya ay kailangan niyang sumunod sa kahit na
anomang iutos at hingin ng awtoridad sa kaniya.
Samantala, instrumentally attached naman ang isang tao kung nakikita niyang mayroon
siyang mapapala at mapakikinabangan sa sistemang kinabibilangan niya sapagkat ito ay
nagbibigay sa kaniya ng oportunidad upang makamit at magampanan niya ang kaniyang
gampanin para sa sarili at para sa lipunang kaniyang kinapapalooban. Naipakikita rin ang
attachment na ito sa pamamagitan ng: (1) Tapat siya sa ideolohiyang inihahain ng bansa sapagkat
para sa kaniya ay para ito sa ikaaayos at ikauunlad ng lipunan, at para sa kapakanan ng mga
mamamayan. (2) Ginagampanan niya nang mabuti ang kaniyang tungkulin bilang mamamayan
dahil para sa kaniya ay daan ito upang mapaunlad at mapalakas ang kaniyang bayan. (3)
Sumusunod siya sa mga batas at patakaran sapagkat nais niya ng mapayapang lipunan.

Myla Eusebio
Lagom: Kelman FIL 225

Ngayong naipaliwanag na ang konsepto ng personal na pakikisangkot sa pambansang


sistema, lalo na ang pagkakaiba ng sentimental at instrumental na attachment, tutungo naman
ang usapin sa gampanin ng isang komon na wika sa mga prosesong ito. Ipinapanukala ni Kelman
na ang isang komon na wika ay makapangyarihan sapagkat mayroon itong kakayahang mapalakas
at mapagtibay ang dalawang attachment na tinalakay sa unang bahagi ng pagtalakay.
Sa sentimental na antas, ang pambansang wika ay nagsisilbing pangunahing simbolo ng
ugnayang panloob. Sa pamamagitan ng isang wika ay napagbubuklod-buklod ang mga pangkat
na mayroong iisang kuwento at dugo. Dahil sa wikang ito ay lumalawak ang espasyo ng isang tao,
mas naaabot ang dulo at nagkakaroon siya ng emosyonal na lapit sa mga tao at bagay na kahit
nasa malayo ay naiuugnay nang malalim ang kaniyang sarili dahil sa iisang wikang kanilang taglay.
Sa instrumental na antas naman, nakatutulong ang isang komon na wika upang
maiparating sa lahat ang sistemang pinapatupad at mahikayat ang mga tao na makilahok sa
tunguhin nito. Sa pamamagitan nito, mas madaling makabuo ng mga institusyong
makapaglilingkod sa mga nasasakupan nito sapagkat dahil sa komon na wika ay mas
mapapalawak at mas mapapahusay pa ang pagpaplano, kung gayon ay maiiwasan ang hindi
pagkakaunawaan sa mga kautusan at siguradong kahit magkakaiba at magkakalayo ang bawat
rehiyon ay malinaw ang tutunguhin ng bawat isa. Higit pa rito, ang isang komon na wika ay
mapabibilis ang pagbuo ng sistema ng edukasyon na siyang tutulak para sa mobilisasyon o
pagpapakilos ng bawat mamamayan para sa kabutihan ng kaniyang bayan.
Mula sa indibidwalistikong pananaw, mas madaling tanggapin ang isang komon na wika
na pamilyar sa kaniya lalo na kung ang wikang ito ay nakapagbibigay sa kaniya ng malawak na
oportunidad upang makilahok nang hindi nakararamdam ng diskriminasyon. Sa madaling sabi,
ang isang komon na wika ay isang mabisang gamit upang mapakilos ang mamamayan nito kapag
napaiigting ang instrumental attachment ng bawat tao
Sa kabilang banda, ang sentimental attachment din ay mayroong kakayahang mapalakas
ang instrumental attachment ng isang tao sapagkat may tendensiya ang isang taong
sentimentally attached na magtiwala kahit na hindi pa naibibigay ng bansa ang mga
pangangailangan niya. Kaya nga, ang mga politikong sinasalita ang wikang panlahat ay mas
mayroong kakayahang makuha ang tiwala ng mga tao sapagkat nararamdaman ng mamamayan

Myla Eusebio
Lagom: Kelman FIL 225

na kabilang sila at kinakatawan sila ng politikong ito sapagkat nagkakaroon ng malapit na


koneksyon dahil sa iisang wikang kanilang pinagsasaluhan.
Kung susumahin, ang pagkakaroon ng isang komon na wika ay nakatutulong upang
mapagtibay ang proseso sa pagitan ng sentimental at instrumental na attachment. Dito ay
mahihinuha na ang sentimental at instrumental attachment ay hindi dapat paganahin nang
magkahiwalay bagkus kailangan itong ituring na magkatuwang para sa ikauunlad ng isang
pambansang sistema, at kalaunan, kapag napalakas na ang dalawang ito, kusa na itong gugulong
para sa pagpapaandar ng isang maunlad na lipunan.
Mula sa pagpapakita ng kabutihan ng isang komon na wika para sa pagkakaisa ng bansa,
tutungo naman tayo sa kung paanong ang kaparehas na mga katangian ng komon na wikang ito
ang siya ring may kakayahan upang paghiwahiwalayin ang isang multilinggwal na nasyon.
Ang kalagayang panlipunan at mga polisiyang pangwika ang nagiging dahilan upang
maghinanakit ang mga pangkat pangwika na hindi napili bilang komon na wika. Sumasama ang
kanilang loob sapagkat nararamdaman nila na nawawalan sila ng Karapatan at oportunidad na
makilahok sa lipunan. Madalas ang nakararanas nito ay ang mga minorya, kinikilala man o hindi
ang kanilang wika. Ang hinanakit na ito ay maaaring nakatuon sa (1) wikang sinasalita ng mga
mababang uri kahit na kabilang sila sa pangkat ng mayorya; o (2) wikang sinasalita ng karamihan
sa loob ng kanilang bansa ngunit hindi naman gaanong kinikilala sa internasyonal na seting.
Sa kahit na anong pagkakataon, ang suliraning pangwika sa loob ng isang bansa ay mas
napagiigting sapagkat nakadikit pa rin dito ang sentimental at instrumental na usapin na siyang
kapwa nagpapalakas sa isa’t isa. Una, ang agrabyadong grupo ay nakararamdam na mayroong
banta sa kanilang pagkakakilanlan sapagkat ang kanilang wika ay hindi nabibigyang halaga, ang
pagpapaunlad sa kanilang kultura at panitikan ay napipigilan at ang pagsisikap na isinasagawa
para sa kanilang edukasyon ay napahihina. Ikalawa, at pinakamahala, dahil ang wika nila ay hindi
napahahalagahan, sila ay nakararanas ng diskriminasyon at hindi nabibigyan ng pantay na
oportunidad at ang kanilang pag-unlad ay lalo pang napababagal.
Sa ganitong sitwasyon, ating makikita na habang umuunlad ang isang lipunan, mas lalo
itong nagiging sentralisado at ang wika ng dominanteng grupo ay lalo pang nabibigyan ng
pagpapahalaga at ang mga grupo namang naiwan ay mas lalo pang napag-iiwanan.

Myla Eusebio
Lagom: Kelman FIL 225

Ibig sabihin, maiuugnay natin ang suliraning pangwikang ito sa instrumental na antas at
ito ang nagtutulak upang bumuo ng malawakang pagkilos at protesta upang maipagtanggol ang
wika ng mga agrabyadong grupo. Samantala, ang mga sentimental naman ay hindi nagsasagawa
ng malawakan at malakihang protesta bagkus magpopokus lamang sila sa kanilang maliliit na
pangkat upang mapangalagaan ang kanilang kultura at pagkakakilanlan ngunit ang sentimentally
based grievances na ito ay makatutulong at makaaapekto nang malaki sa pagpapalaganap ng
instrumentally based grievances. Kumbaga sa malaking apoy, ang sentimentally based grievances
ang siyang mitsa.
Ipagpalagay natin na ang instrumentally based grievances ang siyang puwersang
nagtutulak sa paglala ng mga nabubuong suliraning pangwika—bilang pagtatanggol ng mga
naaapi sa kanilang wika, identidad at karapatan—ang suliraning ito ay napalakas na ng mga
ugnayang sentimental. Dahil nga ang wika ay nakadikit sa identidad ng isang pangkat, ang
problema ay hindi na lang tungkol sa pagkakaroon ng pantay na oportunidad kundi sa
pagpapanatili ng kanilang pangkat mismo upang maiwasan pagkamatay ng kanilang lahi. Ang
suliranin na ito ay mayroon nang malalim na koneksyon sa emosyon at minsan ay mahirap nang
mapangasiwaan.
Sa madaling sabi, kung ano ang kinabuti ng instrumental at sentimental na attachment sa
isang komon na wika ay siya ring nagtutulak na magkaroon ng mga suliraning pangwika sa mga
bansang multilinggwal. Ang pagkakawatak-watak ay magreresulta sa hindi pagkakaunawaan,
paglalaban-laban at kawalan ng tiwala sa awtoridad at pambansang sistema.
Nais bigyang-diin ni Kelman na sa paglalahad niya ng malaking kapakinabangan ng
pagkakaroon ng isang komon na wika ay hindi nito ibig sabihin na kailangan nang bumuo at
magtatag ng isang komon na wika ang isang multilinggwal na bansa. Mainam na ang pagtatatagl
ng isang komon na wika ay laging nakadepende dapat sa pangangailangan ng isang lipunan. Sa
pagtataya ng mga posibilidad na ito, kinakailangang bigyang pansin kung ano ang magiging kapalit
ng pagkakaroon ng isang komon na wika batay sa kung mapananatili ba nito o hindi ang tiwalang
nakuha na ng bansa mula sa kaniyang nasasakupan at ang posibleng paglala o pagkakaroon ng
malawakang panlipunang kaguluhan.

Myla Eusebio
Lagom: Kelman FIL 225

Pinangangatwiranan ni Kelman na ang pambansang pagkakakilanlan ay kusang lumilitaw


sa isang bansang maayos na namamalakad at naibibigay ang pangangailangan ng kaniyang
nasasakupan kaysa sa isang bansang sinasadya na buuhin ang identidad na nais nilang makamtan.
Ipinahayag ni Kelman na sa kaniyang pananaw, ang pangunahing gampanin ng awtoridad
ay itaguyod at siguruhin ang pagpapalaganap ng sistema. Upang maisakatuparan ito, mahalaga
na naibibigay ng awtoridad ang pangangailangan ng mga tao at nabibigyan ng pantay ng
oportunidad ang mga mamamayan nang hindi nakabatay sa grupong kinabibilangan, wika,
relihiyon o kaya ay panlipunang uri. Nababahala si Kelman na baka maging abala ang mga
awtoridad sa pagmamanipula ng attachment ng mga mamamayan at hindi na magawa nito ang
tunay nitong trabaho at mapagtakpan nito ang mga kabiguan sa likod ng mabuting pagkilos upang
makalikha ng maayos na lipunan at makapagbigay ng makabuluhang tungkulin para sa lahat ng
kaniyang nasasakupan. Kaya naman nais bigyang diin ni Kelman na hindi dapat pinipilit ang
pagkakaroon ng pambansang identidad bagkus hinahayaang lumutang sa isang magandang
relasyon sa pagitan ng bayan at ng kaniyang lipunan.
Kung ating pagtatagnitaniin, madaling tinatanggap ng tao ang isang bagay kung siya ay
mayroong nakikitang pakinabang dito. Sa pagbuo ng palisi sa wika, kailangang bigyan ng malaking
konsiderasyon ang pag-apila nito sa instrumental na attachment ng bawat mamamayan kung nais
nitong maging matagumpay, sapagkat matapos na madebelop ang instrumental na attachment
nito ay susunod na mapapalalim ang sentimental na attachment hanggang kumilos ang dalawang
ito para sa ikauunlad ng wikang napili ng isang bansa.
Kung tutusin, sa mga sitwasyong maraming nagbabanggang wika, napakaimposibleng
makapagtakda ng opisyal na istatus para sa kanilang lahat. Dahil dito ay mahalaga na sa pagpili
ng isang wika ay madali itong matututuhan ng nakararami at wala itong natatapakang ibang
pangkat. Sa sitwasyong pangwika ng Israel, na isang bansang halimbawa ng sentimentally
attached sa kanilang tradisyon at kasaysayan, hindi naging mahirap para sa kanila ang pagpili ng
isang komon na wika, sapagkat pumili sila ng isang wikang hindi sinasalita ng karamihan sapagkat
ito ay nagmula sa sagrado nilang wika na mula pa sa kanilang nakaraan. Sa pamamagitan nito,
lahat ay nagbigay daan upang matutuhan ang wika sapagkat ang wikang ito ay walang
kinikilingan.

Myla Eusebio
Lagom: Kelman FIL 225

Mayroon namang mga bansa tulad ng Switzerland na hindi sinunod ang pagkakaroon ng
iisang pambansang wika bagkus ay binigyan ng opisyal na istatus ang dalawa o higit pang
pangunahing wikang umiiral sa kanila. Sa mga multilinggwal na bansa na kung saan mayroong
dalawa o higit pang wika ang nagkakatunggalian, maaaring maganda ang panukala na isantabi
ang pagkiling sa iisang wika at paburan ang lahat ngunit hindi sa lahat ng bansa ay mailalapat ito.
Maaaring epektibong ang palising pangwikang ito sa Switzerland ngunit hindi ito gumana para sa
bansang Belgium. Kung susuriing mabuti hindi lamang dapat nagtatapos sa pagbibigay ng pantay
na pagtingin sa mga umiiral na pangunahing wika kundi kinakailangan ding bigyang pansin ang
mga espisipikong pangangailangan ng mga ito at masigurong ang mga palising pangwikang
umiiral dito ay epektibo at kapakipakinabang para sa lahat.
Ang suliranin namang maaaring lumitaw sa sitwasyong nabanggit ay kahit na gawing
opisyal ang pagkilala sa dalawang wikang magkatunggali ay hindi ibig sabihin nito na pantay-
pantay ang pagtingin at pagtanggap dito ng mga tao sa isang lipunan. Nakaaapekto rito kung sino
at nasaang antas ng lipunan ang gumagamit ng mga wikang ito. Malinaw rito na ang
pagpaplanong pangwika ay kinakailangan ding tingnan na nakakabit sa pagpaplanong pang-
ekonomiko. Higit dito, maaaring manatili ang mga suliraning pangwikang ito hangga’t hindi
napalalaganap ang sistema sa bawat pangkat sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng lipunan.
Winakasan ni Kelman ang kaniyang artikulo sa pamamagitan ng muling pagbibigay diin sa
isang komon na wika para sa pagkakaisa o pagkakahiwahiwalay ng isang bansa at kung paano ito
nabibigyang puwersa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa instrumetal at sentimental na
attachment ng bawat mamamayan. Mahalaga rin na sa pagpaplanong pangwika, kinakailangang
suriing mabuti at masinsinang limiin ang tiyak na pangangailangan ng isang bansa at ng mga
mamamayan at ang iba pang mga salik na maaaring makaapekto rito para sa isang pantay-pantay
at kapakipakinabang na pambansang polisiya para sa lahat. Sa huli, siniguro ni Kelman na ang
lahat ng kaniyang inilatag sa kaniyang papel ay pinino at napasailalim sa empirikal na mga pag-
aaral.

Myla Eusebio

You might also like