You are on page 1of 26

FILIPINO REPORT

Presented by: Group 3


MIYEMBRO NG GRUPO
AMANTE, SAMANTHA FUERTES, JAIME

AUSTRIA, JAY VILLABROZA, YSABELLA

SORIANO, LADY MARASIGAN, MAR

VILLANUEVA, ERROL
PICTORIAL
ESSAY
Ang larawang-sanaysay na
tinatawag sa Ingles na pictorial
essay o kaya ay photo essay na
para sa iba ay mga tinipong
larawan na isinaayos nang may
wastong pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari upang
maglahad ng isang konsepto.
Ang larawang-sanaysay ay gaya rin
ng iba pang uri ng sanaysay na
gumagamit ng mga pamamaraan sa
pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay,
maaaring gamitin mismo ang mga
binuong larawan o dili kaya’y mga
larawang may maiikling teksto o
caption. Malaki ang naitutulong ng
larawang may teksto sapagkat
nakatutulong ang mga ito sa mga
ideya kaisipang ipinakikita ng
larawan.
Ang mahalagang katangian ng
larawang-sanaysay ay ang
mismong paggamit ng larawan sa
pagsasalaysay. Layunin nitong
magbigay ng kasiyahan o aliw sa
taong gumagawa ng salaysay,
magbigay ng mahalagang
impormasyon, at malinang ang
pagiging malikhain.
Makapagsasalaysay dito sa
pamamagitan ng mga larawang may
kronolohikal na ayos. Ibig sabihin,
isinasalaysay ang mga pangyayari
ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod ng larawan. Kung
pangkalahatang kaisipan lamang ng
pangyayari ay maaari nang gamitin
ang isang larawang may natatanging
dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang
larawan ay naroon na ang lahat-lahat
ng mga ideya.
NARITO ANG MGA DAPAT MONG
ISAALANG-AIANG SA PAGSULAT
NG LARAWANG-SANAYSAY:
PUMILI NG PAKSA AYON SA IYONG
INTERES.

MAGSAGAWA NG PANANALIKSIK SA
IYONG PAKSANG GAGAWIN.

ISAALANG-ALANG ANG KAWILIHAN AT URI


NG IYONG MAMBABASA.
TANDAAN NA ANG ISANG ISTORYANG NAKATUON SA
MGA PAGPAPAHALAGA O EMOSYON AY MADALING
NAKAPUPUKAW SA DAMDAMIN NG MAMBABASA.

KUNG NAHIHIRAPAN KA SA PAGSUSUNOD-SUNOD NG


PANGYAYARI GAMIT ANG LARAWAN, MABUTING
SUMULAT KA MUNA NG KUWENTO AT IBATAY RITO
ANG MGA LARAWAN.

PLANUHING MABUTI ANG GAGAWING SANAYSAY


GAMIT ANG MGA IARAWAN. TANDAAN NA HIGIT NA
DAPAT MANGIBABAW ANG LARAWAN KAYSA SA MGA
SALITA.
PALAGING TANDAAN NA ANG LARAWANG-
SANAYSAY AY NAGPAPAHAYAG NG
KRONOLOHIKAL NA SALAYSAY, ISANG IDEYA,
AT ISANG PANIG NG ISYU.

SIGURADUHIN ANG KAISAHAN NG MGA LARAWAN AYON SA


FRAMING, KOMPOSISYON, KULAY, AT PAG-IILAW. KUNG
MINSAN, MAS MATINGKAD ANG KULAY AT MATINDI ANG
CONTRAST NG ILANG LARAWAN KOMPARA SA IBA DAHIL
SA PAGBABAGO NG DAMDAMIN NA ISINASAAD NITO.
MGA URI NG
LIHAM
LIHAM PAGBATI
Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit
ng tagumpay, karangalan, o bagay na kasiya-siya.
Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala sa isang
nakagawa ng anumang kapuri-puri o
kahanga-hangang bagay sa tanggapan.
HALIMBAWA NG LIHAM PAGBATI
LIHAM PAANYAYA
Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa
isang pagdiriwang, maging tagapanayam, o
gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular
na okasyon.
HALIMBAWA NG LIHAM PAANYAYA
LIHAM TAGUBILIN
Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang
indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat
isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang
magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng
nilalayon nito.
HALIMBAWA NG LIHAM TAGUBILIN
LIHAM PASASALAMAT
Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga
naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod,
pagbibigay ng kapaki-pakinabang na
impormasyon, ideya at opinyon, at tinanggap na
mga bagay.
HALIMBAWA NG LIHAM PASASALAMAT
LIHAM KAHILINGAN
Liham na inihahanda kapag nangangailangan, o humihiling ng
isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad, at pagpapatibay ng
anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa
pagsasakatuparan ng inaasahang bunga, transaksiyonal man o
opisyal.
HALIMBAWA NG LIHAM KAHILINGAN
LIHAM PAGSANG-AYON
Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang
kahilingan o panukala na makabubuti sa operasyon ng
isang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang
pagsang-ayon kung kinakailangan.
HALIMBAWA NG LIHAM PAGSANG-AYON
LIHAM PAGTANGGI
Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di pagsang-
ayon sa paanyaya, kahilingan, panukala, at iba pa hinggil sa
pangangailangang opisyal at transaksiyonal. Kailangang mahusay na
maipahayag ang dahilan ng pagtanggi ng inaanyayahan upang hindi
makapagbigay-alinlangan sa sumulat. Nasasalamin sa ganitong uri ng
liham ang pagkatao o personalidad ng tumatanggi sa liham. Dapat
tandaan na kapag ang inaanyayahan ay tumanggi o di makadadalo sa
paanyaya, kailangang magpadala ng isang kinatawang gaganap ng
kanyang tungkulin. Kung di gustong ipaganap ang tungkulin, sagutin ng
nakakukumbinsing pananalita sa liham ang nag-aanyaya.
HALIMBAWA NG LIHAM PAGTANGGI

You might also like