PAKSA NG DEBATE/PAGTATALO: PAGPAPATUPAD NG D.
O 49
URI NG DEBATE NA ISASAGAWA: CAMBRIDGE DEBATE
PANIG: SUMASANGAYON SA D.O 49/PROPOSITION
MGA MIYEMBRO: Chrishie Anne Jaden Amorin
Shandy Kyel Molina
Ericka Aguimbag
Jonard Jan Quilente
Jenny Rose Fejeder
Mark Dhey Casinova
Mark Jason Raguindin
Camilo Jian Filarca
Princess Laraine Aslor
UNANG ARGUMENTO AT BASEHAN
HINDI PANTAY-PANTAY NA PAGTATRATO SA MGA ESTUDYANTE: Chrishie Anne Jaden Amorin
Ang Manila, Philippines ay naglabas ng panuntunan ang Department of Education patungkol sa
kanilang mga polisya na mas magpapatatag pa ang professionalism ng mga guro sa pagbibigay ng
maayos na edukasyon sa mga bata.
Inilabas ang Department Order 49 series 2022 noong Nobyembre 2, ito ay patungkol sa pagpapaalala
sa mga guro na dapat alamin ang limitasyon between student and teachers at maiwasan ang pakikipag-
usap sa mga estudyante sa social media o sa labas ng paaralan, maari lamang sila na makipag-usap kung
ito’y patungkol sa pag-aaral at kung sila ay kamag-anak, upang maiwasan ang hindi pantay-pantay na
pagtrato sa bawat estudyante, hindi pantay-pantay ang pagbibigay ng grado, pagiging bias o may
favoritism, may mabubuong relasyon, may magaganap na sekswal na pakikipag-ugnayan, harassment,
upang maiwasan ang pambabastos sa loob ng paaralan, maprotektahan ang profession to all teachers,
at upang magkaroon ng safe environment sa loob ng paaralan.
Dahil may dalawang goal lang naman ang gobyerno, to depoliticize the department and promote
professionalism among it’s personnel.
Ang hindi pantay-pantay na pagtrato sa mga estudyante ay isa sa mga rason kung bakit ito inilabas,
ang pagtrato sa mga estudyante ay napaka importante dahil ito’y nakakaapekto sa mag-aaral, at
magkaroon ng safe environment sa loob ng klase. Ngunit paano na lamang kung hindi ito pantay-pantay
ng pagtrato? Ang ibang estudyante ay makakaranas ng unfairness, makakaapekto ito sa performance ng
student sa ekskwelahan; ang pagiging matamlay sa loob ng klase dahil alam naman niyang hindi ito
papansinin ng guro dahil iba ang pagtrato sakaniya. Nakakaapekto ito sa mental health ng isang
estudyante kung kaya’t napaka delikado. Ang D.O 49 ay hindi lamang patungkol sa “communication”, ito
ay paalala sa mga guro na dapat maging professional sa loob ng klase dahil meron silang sinusunod na
Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Publical Officials and Employees,
upang amyedahan ang DepEd Order No. 47 at nagbibigay ng bagong bahagi na naglalatag ng mga
kautusan, Ito ay pakikitungo ng maayos sa mga kasamahan sa eskwelahan, mga mag-aaral at iba pang
skateholders ng may pinakamataas na antas ng professionalism, skill at excellence.
IKALAWANG ARGUMENTO AT BASEHAN
HINDI PANTAY ANG PAGBIBIGAY NG GRADO SA MGA ESTUDYANTE: Shandy Kyel Molina
Ito’y isa sa mga rason kung bakit may mga studyanteng nagrereklamo dahil mas mataas naman ang
nakukuha nila ngunit at laging nagrerecite ngunit bakit mas mataas pa rin ang grado nung studyante na
kaclose or friend ng teacher?
Kapag ito’y patuloy na mangyayari ay paano na lamang ang mga nagsasakripisyo? bakit mas lamang
ang mga tinatawag na “teacher’s pet” kasya sa mga studyante na talagang nagpapakahirap para lang
maging mataas ang kanilang grado?
Dapat na bigyan nang paala hindi lamang ang mga guro pati na rin dapat ang mga studyante, hindi
lang guro ang may responsibilidad kundi pati na rin ang mga studyante.
Tulad na lang noong ako'y nasa elementarya pa lamang, may mga kaklasw akong hindi nagrerecite
hindi rin mataas ang nakukuha at hindi rin gaanong nagpapasa ng mga requirements ngunit mas mataas
pa ang grado kasya sa akin, siya ang pinakaclose ng aming guro noon. paano na lamang ako na
nagpapakimahirap na makuha ang mataas na score? nageeffort na gumawa ng mga projects at matataas
ang nakukuha sa quiz and summatives?
Kaya nararapat lang na alam ng mga studyante at mga guro ang mga limitasyon para walang
magaganap na hindi pantay pantay ang pagtrato.
IKATLONG ARGUMENTO AT BASEHAN
PAGIGING BIAS O FAVORITISM: Ericka Aguimbag
D.O 49 Isang paalala sa mga guro na dapat limitahan ang pakikipag usap sa mga estudyante lalo na sa
labas ng campus, ngunit hindi naman sinasabi na hindi sila dapat mag-usap o hindi sila pwedeng
magkaroon ng communication lalo na kapag ang kanilang paguusapan ay tungkol sa paaralan, pero ito
ay limitahan lamang dahil dito na pumapasok o nagsisimula ang pagiging favoritism.
Madalas ito ay nangyayari sa paaralan, ito ay madalas nating nakikita,nararanasan o nararamdaman sa
ating lipunan lalong lalo na sa ating paaralan. Hindi maiiwasan na ang ibang guro ay may maging
paborito sa kanyang estudyante. Bakit kaya ito nangyayari sa ating generasyon dahil ba sa SUHOL?
PERA? o sadyang malapit lang sa puso yung pinaburan nila.
Ayon kay VP Sarah Duterte, ang pagiging magkaibigan ng guro at estudyante ay sana loob lamang ng
campus at hindi sa labas. At dapat bilang Isang guro meron talagang line between him or her and the
learner. At kanyang ding tinig na dapat daw hindi sila magkaroon ng friendly relations with their learners
outside of learning institution setting dahil dito na nagkakaroon ng pagiging bias na unfair sa ibang
istudyante, nangyayari ito sa pagiging madikit at nagiging kaibigan na niya. At kanya ding tinig"of course
about relationships mayroon ring problema yan".
IKAAPAT NA ARGUMENTO AT BASEHAN
SA PATULOY NA PAGUUSAP O KAYA’Y KOMUNIKASYON ANG MGA ESTUDYANTE AT TEACHERS AY
MAY MAGBUBUNGA NG HARASSMENT: Jonard Jan Quilente
Sa patuloy na pag-uusap o kaya'y kumunikasyon ang mga guro at estudyante ay may mabubuong
relasyon. Ano nga ba ang Do49? ang Do49 ay isang paala para sa mga guro na dapat limitahan ang
pakikipag usap sa estudyante,pero dahil dito, bawal na kausapin ang mga estudyante sa labas ng
eskwelahan, o kahit i-follow man lang sa social media di pende nalang kapag kamag anak mo ito.
Matagal nang ipinagbabawal sa mga paaralan ang mga kwestyonableng relasyon sa pagitan ng mga
guro at estudyante, lalo na kung nauuwi na ito sa romantiko o sekswal na pakikipag-ugnayan. Ayon sa
RA7610 (child abuse) para maturing na menor de edad, ang bata o mag-aaral ay dapat na mababa sa 18
taong [Link] sa mga pananaliksik sa panahon mgayon ay halos mag kaka edad na ang mga guro at
mga estudyante lalo na sa shs (senior high school) ay may mabubuong love affair.
Ayon sa aking sinabi kanina kapag ba ang estudyante ay sobra sa 18 ang edad, hindi na ba ito isang
krimen?ayon sa (DepEd order 40,2012) o child Protection Policy na kung ang mga bata ay 18 pataas
basta't sila ay mag aaral sa paaralan kinabibilangan ay maituturing silang bata Maraming guro sa ating
bansa o kaya'y sa ibang bansa ang kinasuhan ng sexual harassment, child abuse, o rape na nagsimula
lamang pagkatapos nilang magsimula ng romantikong relasyon sa isang estudyante. Na ang parusa ay
hindi lamang pagkakulong o kaya'y pagkatanggal sa trabaho. kaya kung kinakailangan wag mag mahal ng
isang guro kapag ikaw ay mag aaral o kaya'y wag mahalin ang mga mag-aaral para hindi matanggal sa
serbiyo.
IKALIMANG ARGUMENTO AT BASEHAN
MAY MAGAGANAP NA ROMANTIKO O SEKSWAL NA PAKIKIPAG-UGNAYAN: Jenny Rose Fejeder
Kailangang limitahan pakikipag-usap ng mga guro sa mga estudyante o ng mga estudyante sa guro
kung ang usapan ay labas sa paaralan upang maiwasan ang anumang pangyayaring hindi kaaya-aya.
Kapag hindi ito iniwasan, sila ay maaaring lumampas sa kanilang limitasyon at gagawin nila ang mga
bagay na hindi naman dapat ginagawa ng isang estudyante at guro.
Katulad ng pakikipagrelasyon, ito ay maaaring maging dahilan ng pagkawala sa pokus ng estudyante sa
pag-aaral. Ang pakikipagrelasyon din ng mga guro sa bata ay maaaing magdulot ng kaakibat na resulta sa
mga gawaing hindi angkop o di kaya ang pagkakaroon ng sekswal na ugnayan. Sa ganitong sitwasyon,
maari ring may maganap na sexual harassment.
Ayon sa Code of Ethics for Professional Teachers of the Philippines, art. VIII, sec. 7: “Where mutual
attraction and subsequent love develop between teacher and learner, the teacher shall exercise utmost
professional discretion to avoid scandal, gossip and preferential treatment of the learner.” Dapat na
iwasan ang pakikipag relasyon ng mga guro sa bata upang maiwasan ang iskandalo, tsismis at hindi
pantay-pantay na trato sa mga mag-aaral.
Maraming guro ang nakasuhan ng sexual harassment dahil sa patuloy na pakikipag-usap ng mga guro
sa estudyante lalong lalo na kapag labas sa paaralan ang kanilang pinag-uusapan at sila ay lumalampas
sa kanilang limitasyon. Dapat ay iwasan na ng mga guro ang pakikipag-ugnayan o pakikipagrelasyon sa
kanilang estudyante dahil sila rin ay pwedeng makasuhan ng child abuse.
Maiiwasan ang mga ganitong pangyayari kung lilimitahan ng mga guro ang pakikipag-usap sa mga
estudyante nila, at saka lang sila maaaring mag-usap kung ang pag-uusapan ay patungkol sa pag-aaral.
Para na rin mas mapaigting ang propesyonalismo ng mga guro, at sila ay maging responsable sa kanilang
trabaho, ganon na rin sa mga estudyante.
IKAANIM NA ARGUMENTO AT BASEHAN
MAIWASAN ANG PAMBABASTOS SA MGA TEACHERS AND STUDENTS SA LOOB NG PAARALAN: Mark
Dhey Casinova
DO no. 49 ay konektado sa RA 6713, na kailangan talaga ng mga student at guro. Kasi sa lahat ng
bagay as a public servant, even private individual, kailangan talaga na lahat ng kilos mo ay pang
professional. Speficically, mga guro kasi sila yung mas may interactions ng halos maghapon sa mga
students.
Magkaroon ng disiplina sa sarili as a student. Dapat maging respectful sa mga professipnal personnel
lalo na sa nga guro. Wag ituring na ka level or kaibi-kaibigan lang ang mga guro. At dahil sa relasyon ng
guro at estudyante ay nagiging komportable ang bawat isa na magsalita ng nakakabastos sa isa't isa
dahil sa kanilang relasyon.
IKAPITONG ARGUMENTO AT BASEHAN
UPANG MAPROTEKTAHAN ANG PROFESSION NG TEACHERS: Mark Jason Raguindin
Ito ang isa sa mga rason kung bakit pinatupad ang D.O 49, upang maprotektahan ang profession to all
teachers. Ito ay makakatulong para alam ng mga guro ang kanilang limitasyon at maiwasan ang
pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng isang guro at estudyante, para maiwasan ang harassment na
maaaring maging pagkawasak ng profession ng mga guro.
Ito rin ay para alam din ng mga estudyante ang kanilang limitasyon. Kagaya na lamang ng
pagpapalaganap ng estudyante ng maling impormasyon tungkol sa guro na ibinabahaging sila ay
sinasaktan ng pisikal ngunit ito'y di makatutuhanan, sa pamamagitan ng d.o 49 mapprotektahan nito
ang mga guro na nakakaranas ng ganitong pangyayari sa loob ng paaralan. Itoy naglalayong protektahan
ang trabaho ng mga guro upang mabigyang linaw ang mga maling akusa sa kanila.
IKAWALONG ARGUMENTO AT BASEHAN
SAFE ENVIRONMENT AT SCHOOL: Camilo Jian Filarca
Paano natin maiiwasan ang trahedya sa loob ng paaralan? Paano magkaroon ng safe na environment
sa loob ng paaralan? Ang Deped Order 49 ay isang paalala sa mga guro patungkol sa sinusunod na Code
Of Ethics For Professional Teacher upang alam ang limitasyon bilang isang student at teacher.
Hindi dapat binabalewala ang D.O 49, dahil maaring magkaroon ng pambabastos sa loob ng klase,
pagkakaroon ng unfair treatment, grades, harassment kapag ito naman ay nagkaroon ng relasyon sa,
and in worse cases ay magkaroon ng patayan sa loob ng paaralan, upang magkaroon ng safe
environment inside the school.
Ang D.O 49 ay nakakatulong upang maiwasan ang trahedya at magkaroon ng safe anvironment sa
loob ng paaralan dahil ito’y pinapaala sa mga guro at students na alamin ang kanilang limitasyon.
PINAL NA PASYA SA PANIG:
Kami ay sumasangayon sa pinatupad na D.O 49 sa ating bansa, ng dahil dito na makakasiguradong ligtas
ang mga mag-aaral sa loob ng paaralan, Ipinatitiyak din na gagawin ng mga guro ang kanilang mga
responsibilidad ng may paggalang at pagiging patas. Dapat din igalang ng mga guro ang karapatan ng
iba, good morals at customs, mga polisya at kautusan.