ANG MODYUL
Presented by Erica Frech
Tagaan
Kahulugan
Ang modyul ay sariling linanging kit
naglalaman ng maraming Gawain sa
pagkatuto, kalimitan ay mga papel na
sinasagutan ng mga mag-aaral. Ito’y
maaring magamit bilang bahagi ng kurso o
disenyong pang kurikulum (Lardizbal,
1991).
Kahulugan
Batay sa pag-aaral na isinagawa ni
ALONZO, binigyan niya ng depinisyon ang
modyul bilang kagamitan sa pagtuturo na
buo at sapat sa kanyang sarili na ginawa
upang magamit ng mga mag-aaral nang
hindi na kinakailangan ng guro.
Ang mga Kabutihang Naidudulot ng
Modyul sa mga Guro at Mag-aaral ayon
kay Alonzo
[Link] sa mga guro, nabibigyan nila ng
pagkakataong matuklasan at mabigyang-
lunas ang mga suliranin sa pagkatuto ng mga
mag-aaral.
Ang mga Kabutihang Naidudulot ng
Modyul sa mga Guro at Mag-aaral
2. Para sa mga mag-aaral, nakagagawa sila
ng paraan sa kanilang sariling kapakanan,
nagagampanan nila ang kanilang
pananagutang upang matuto, natuklasan nila
ang dapat nilang matutuhan, nahihikayat
silang matutuhan ang pagsagot sa modyul at
higit sa lahat, nababawasan ang kompetisyon
sa pagmamarka.
Mga Bahagi ng Modyul
[Link] – ano ang pamagat ng modyul?
HALIMBAWA:
ASPETO NG PANDIWA
`
Mga Bahagi ng Modyul
[Link] mag-aaral na gagamit (Target Learner)- ang mga
mag-aaral ba ay nasa loob ng silid- aralan? Anong baiting? Lawak
na nilalaman at kakayahan? Mga kabataan sa pamayanan? o mga
kabataang hindi nag-aaral?
HALIMBAWA:
IKATLONG BAITANG
`
Mga Bahagi ng Modyul
3. Lagom-Pananaw (overview)- tngkol saan ang modyul?
Ibigay ang kahalagahan nito.
HALIMBAWA:
Ang pagtuturo pagkatutong ito ay inihanda para sa iyo
upang magkaroon ka ng karagdagang kaalaman.
`
Mga Bahagi ng Modyul
4. Tunguhin o Layunin (objectives)– Anong mga tiyak na
kaalaman, kakayahan o kasanayan ang inaasahang makamit sa pag-
aaral ng modyul?
HALIMBAWA:
Pagkatapos Mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw
ay inaasahang:
a. Makakilala ng pagkakaiba ng tatlong aspeto ng pandiwa
b. Matutukoy ang tamang aspeto ng pandiwang gagamitin sa
mga pangungusap
c. Magagamit sa pang- araw-araw na pamumuhay ang
anumang matutunan tungkol sa aspeto ng pandiwa
Mga Bahagi ng Modyul
5. Panuto (instruction to the learner) – Ilalagay dito ang mga
hakbang kung paano gagamitin ang kabuuang modyul.
HALIMBAWA:
a. Basahin at unawaing Mabuti ang mga aralin tungkol sa
tatlong aspeto ng pandiwa
[Link] ang mga panuto at unawaing Mabuti ang mga
katanungan sa pagsasanay
c. Sagutin mo ang bawat pagsasanay na may pag-iingat at
matapos mong sagutin ay tingnan ang wastong sagot sa
likod ng mga aralin.
Mga Bahagi ng Modyul
6. Mga kakailanganing Kahandaang Gawain (entry behavior) -
Anu-ano ang nararapat na alam ng mga mag-aaral bago
magsimulang pag-aralan ang modyul?
HALIMBAWA:
Bago pag-aralan ang modyul na ito, kailangan alam mo na ang
kahulugan at gamit ng pandiwa.
Mga Bahagi ng Modyul
[Link] Pagsubok (pre-test) – ang pagsusulit na ibinigay dito
ay base sa kailangang kahandaang gawi.
HALIMBAWA:
Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
[Link] Lito ay _____ ng tubig mamaya.
a. iigib b. mag-iigib c. mag-igib
2. Ang mga bata ay _____ ng halaman kahapon.
a. Magtatanim b. nagtatanim c. nagtanim
3. _____ siya tuwing gabi.
a. Nagdasal b. Nagdarasal c. Magdadasal
Mga Bahagi ng Modyul
8. Mga Sagot sa Paunang Pagsubok (feedback)
HALIMBAWA
1.A
2.C
3.B
Mga Bahagi ng Modyul
9. Mga Gawain sa Pagkatuto (learning activities) - ito ang
pinakakatawan ng modyul. Dito inilalahad….
a. Ang araling o mga aralin
b. Ang pagsasanay o mga tanong na sasautin
c. Ang mga inaasahang sagot sa tanong upang mabatid agad ng mag-
aaral ang wastong tugon.
Mga Bahagi ng Modyul
HALIMBAWA:
[Link] I.
Ang unang aspeto ng pandiwa ay perpektibo. Ang perpektibo o
aspetong pangnagdaan ay nagpapakita ng kilos na naganap na.
Ang pangungusap na may pandiwang nasa aspetong perpektibo
ay karaniwang kakikitaan na pang-abay na pamanahon tulad ng
Kahapon,Kanina, noong isang taon,at iba pang nagsasaad ng
pangnagdaang panahon. Karaniwang gingamit ang mga
panlaping um, in, at mag.
Halimbawa:
Umalis ang nanay kahapon.
PAGSASANAY I.
Piliin ang angkop na Pandiwa sa bawat pangungusap
1. (Kumain, Kumakain, Kakain) siya ng pansit sa palengke
Mga Bahagi ng Modyul
10. Pamuhatang Sangguniang Pagsusulit (Criterion Post- Test)-
ang pangwakas na pamuhatang pagsusulit ay ibinibigay dito upang
masubok kung gaano ang natutuhan ng mag-aaral sa kanyang pag-
aaral ng modyul.
HALIMBAWA:
1.(Bumubuhos, Bumuhos, bubuhos) ang ulan kaninang umaga.
2.(Dumating, Darating, Dumarating) ang pasalubong ng Tiya ko
mamaya.
3.(Mag-eensayo, Nag- eensayo, Nag- eensayo) ang mga
manlalaro tuwing umaga.
[Link] nang (umuwi,uuwi,umuuwi) si Dan.
5.(Nagliligpit, Nagligpit, Maliligpit) ako ng aming pinagkainan
bago ako matulog.
Mga Bahagi ng Modyul
11. Sagot sa Panukatang Pagsusulit
HALIMBAWA:
[Link]
[Link]
[Link]-eensayo
[Link]
[Link]
Mga Bahagi ng Modyul
12. Pagpapahalaga (evaluation) – nakatulong ba ang modyul sa
katuparan ng mga layunin?
HALIMBAWA:
a. Naging malinaw ba para sa iyo ang mga naging paliwanag sa
aspetong pandiwa?
[Link] ba naman sa iyo ang modyul upang mapalawak at
mapadali ang pag-aaral mo sa mga aspeto ng pandiwa?
c. Sa tulong mga paliwanag sa modyul, maari ka na bang
gumawa ng sarili mong mga pangungusap na ginagamitan ng
tatlong aspeto ng pandiwa.
Questio
n Time
Thank
You
By Erica Frech