You are on page 1of 6

Ang wika ayon kay

Ngugi Wa Thiong (1987)

 isang aprikanong manunulat. Samakatuwid, ang Wika bilang kultura


ay kolektibong kaban ng karanasan ng tao sa ngalan ng kasaysayan. Sa
isang Wika, makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matutuhan
niya itong angkinin at ipagmalaki. Ang Wika ay kaugnay ng lahi at
bansa.
 Sa paliwanag ni Buenaventura (1985) pinatunayan ng sinabi niyang:
Ang Wika ay isang larawang isinaletra’t isinabokal, isang hulugan,
taguan, imbakan odeposito ng kaalaman ng isang bansa, isang ingat-
yaman ng mga tradisyong nakalagak dito. Sa madaling sabi, ang Wika
ang kaisipan ng isang bansa. Kaya’t kailanman ito’y tapat sa
pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay, nito ang mga
haka-haka’t kasiguruhan ng isang bansa.
 Ang wika ay yaong binibigkas at sinusulat ng bayan at hindi ang wikang
ibig ipagamit ng isang palaaral at dalubhasa. Magsasalita, susulat at
magpapahayag sa wikang nagpapadama ng buhay at katotohanan nito:
kaakibat kasama ang kalupitan, kagandahan at kabusilakan, kabiguan at
tagumpay, kadakilaan, kapayapaan, kaapihan, sigalutan, pagkapoot,
karukhaan, pagyurak sa dangal at kawalan ng katarungan o inhustisya:
kaalinsabay ang mga nilalang na bahagi ng kanilang mga adhikain at
mithiin, pagpupunyagi at pag-asa.
 Dahil ang wika ay kasangkapan sa pagpapahayag ng mga bagay at
pangyayari: maaaring magamit din ito hindi sa layuning isiwalat o
ipabatid ang totoong pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay
kaugnay ng mga suliraning kinakaharap ng taong bayan, kundi para
itago ang katotohanan kung hindi lilingunin ang kasaysayan, wika ang
isa sa mahalagang sandata ng mga sumakop upang manatiling nasa
ilalim ng kapangyarihan nila ang isang bayan.
 Hindi rin lipon lamang ng mga salita ang wika upang makabuo o
makapagpahayag ng isang buong ideya. May kahulugan ang isang
salita kapag ito’y nagpapahayag ng tiyak na buhay o naglalaman ng
makataong karanasan o kaya’y nag-uugnay at lumilikha ng
pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang mga tao ukol sa isang bahagi
ng buhay.
 Ang Wika sa kultura. Sa wika natitiyak ang kairalan ng isang kultura;
dito nababatid ang kanyang kairalan; sa wika naiintindihan ang
kanyang espesyal na katangian.
 Nasa kultura ang kamalayan ng isang lahi/ lipi na naiintindihan sa
pamamagitan ng Wika. Imposibleng maintindihan ng lipi/lahi ang
kultura niya kapag ito ay ipinaliliwanag sa wika ng dominanteng uri .
Ang dominanteng uring binabanggit dito ay Ingles. Dapat wikang
Filipino ang gamitin ng mga mamamayan para magkaunawaan ang
bawat isa. Ang bawat katutubo ay mailalahad ang kanayang saloobin
sa pamamagitan ng kanyang sariling wika.

You might also like