You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura


ng bawat grupo ng tao. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika.
Kung walang wika, walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan,
paniniwala, pamahiin, at sa iba pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng
pamumuhay ng mga tao. Naipakikilala ang kultura dahil sa wika. Yumayaman naman
ang wika dahil sa kultura. Isang magandang halimbawa nito ang mga payyo
(tinatawag ding payao o payaw), ang hagdan-hagdang taniman ng palay ng mga
lgorot.

Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay
malaya at may soberanya. Hindi tunay na malaya ang isang. bansa kung hindi nag-
aangkin ng sariling wikang lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.
Malaki ang papel na ginagampanan ng wika bilang tagapagpanatili ng pambansang
kamulatan at pagkakakilanlan. Wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang
bansa at ng mga mamamayan nito.

You might also like