You are on page 1of 2

Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang

pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng


pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong
kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal
na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.

Kayarian ng salita[baguhin | baguhin ang wikitext]


May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:

1. payak - salitang-ugatin
2. maylapi - salitang-ugat at may panlapi
3. inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit
4. tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng
bagong kahulugan
Mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan nito [baguhin | baguhin ang wikitext]

1. Taingang-kawali- taong nagbibingi-bingihan


2. Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian ng isang
tao o organisasyon
3. Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap
4. Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
5. Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
6. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
7. Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
8. Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi tinatapos
9. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
10. Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensiyon, takaw-pansin, agaw-
eksena
11. Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
12. Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng hapon at gabi
13. Bukang-liwayway - mag-uumaga, pagitan ng ng umaga at madaling-araw
14. Madaling-araw - pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
15. Hatinggabi - eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madaling-araw
16. Tanghaling-tapat - eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at hapon
17. Balat-sibuyas - maramdamin, madaling masaktan
18. Likas-yaman - pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
19. Tubig-alat - tubig na nanggagaling sa dagat o karagatan
20. Tubig-tabang - tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at ibang maliit na bahagi ng
tubig
21. Hanap-buhay - trabahong kailangan ng mga tao.
Ang ponolohiya (mula sa salitang Griyego: φωνή, phōnē, "tunog, boses") o palatunugan[1] ay
sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes) ng isang wika, ang
pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga
tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan (i.e. morpema o morphemes,
salita).

You might also like