You are on page 1of 7

Morpolohiya

(lingguwistika)

Ang morpolohiya ay ang sangay ng


linggwistika na nag-aaral ng morpema
(morpheme) o ang pinakamaliit na yunit
ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-
aaralan dito ang sistema ng
pagsasalansan ng mga morpema upang
makabuo ng salita na may payak o
kumplikadong kahulugan. Ang mga
morpema ay maaaring isang buong
salita, panlapi, artikulo, o
metalinggwistikal na yunit ng kahulugan
tulad ng intonasyon at stress o diin.

Kayarian ng salita
May apat na kayarian ng mga salita. Ito
ang mga sumusunod:

1. payak - salitang-ugat
2. maylapi - salitang-ugat at may
panlapi
3. inuulit - kapag ang salitang-ugat ay
inuulit
4. tambalang-salita - dalawang
magkaibang salitang pinagsama
upang makabuo ng bagong
kahulugan
Mga halimbawa ng tambalang
salita at mga kahulugan nito

1. Taingang-kawali- taong nagbibingi-


bingihan
2. Ingat-yaman - tresyurera o
tresyurero, tagapag-ingat ng salapi
o ari-arian ng isang tao o
organisasyon
3. Matapobre - mapagmataas, malupit,
mapangmata sa mga mahihirap
4. Patay-gutom - timawa, palaging
gutom, matakaw
5. Hampaslupa - mahirap, pobre,
pulubi
6. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-
uumit sa bahay ng iba
7. Boses-palaka - pangit kumanta,
sintunado o wala sa tono
8. Ningas-kugon - sinisimulan ang
isang Gawain ngunit hindi tinatapos
9. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang
tao na hindi niya nalalaman
10. Agaw-pansin - madaling makakuha
ng pansin o atensiyon, takaw-
pansin, agaw-eksena
11. Sirang-plaka - paulit-ulit ang
sinasabi
12. Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng
hapon at gabi
13. Bukang-liwayway - mag-uumaga,
pagitan ng ng umaga at madaling-
araw
14. Madaling-araw - pagitan ng
hatinggabi at bukang-liwayway
15. Hatinggabi - eksaktong alas dose ng
gabi, pagitan ng gabi at madaling-
araw
16. Tanghaling-tapat - eksaktong alas
dose ng umaga, pagitan ng umaga
at hapon
17. Balat-sibuyas - maramdamin,
madaling masaktan
18. Likas-yaman - pinagkukunang
yaman na nanggagaling sa
kalikasan
19. Tubig-alat - tubig na nanggagaling
sa dagat o karagatan
20. Tubig-tabang - tubig na
nanggagaling sa mga ilog, lawa at
ibang maliit na bahagi ng tubig
21. Hanap-buhay - trabahong kailangan
ng mga tao.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham


ay isang usbong. Makatutulong ka sa
Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Morpolohiya_(lingguwistika)&oldid=1609134
"

Last edited 2 year ago by WayKurat

Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC


BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like