You are on page 1of 1

Ang misteryo ng Romblon Triangle

Ang Romblon Triangle ay sumasaklaw sa Tablas Strait at Sibuyan Sea. Sa hugis na


triyanggulo, tumatayong base nito ang pagitan ng mga isla ng Dos Hermanos at Sibuyan sa
katimugan, habang ang tip o dulo ay tumutumbok naman sa munisipalidad ng Concepcion
sa hilaga.

Ayon sa mga kuwentong bayan, ilang minuto bago mangyari ang isang trahedya sa Romblon
Triangle ay isang umano’y ghost ship ang bigla raw lumilitaw sa kalagitnaan ng karagatan.
Ang bigla-bigla na lang daw sumusulpot na barkong iyon, ayon sa mga taga-Romblon, ay
pagmamay-ari ng isang “Lolo Amang.” Sa katunayan, may isang hindi kumpirmadong
kuwento mula raw sa isa sa mga survivors ng M/V Don Juan na nagsabing nakita nito mismo
ang ghost ship ni Lolo Amang. Iniwasan raw ng kapitan ng M/V Don Juan ang ghost ship
kaya ito sumalpok sa oil tanker.

Lumubog ang Sulpicio Lines passenger ship na M/V Princess of the Stars habang naglalayag
mula sa Maynila patungong Cebu. Hindi umubra ang dambuhalang M/V Princess of the
Stars sa naglalakihang alon, na dulot ng bagyong Frank. Tuluyang lumubog ang barko sa
bayan ng San Fernando sa Romblon.

Sa Tablas Strait din lumubog ang Negros Navigation luxury liner na M/V Don Juan noong
April 22, 1980. Biyaheng Bacolod City ang barko nang makasalpukan nito ang oil tanker na
M/T Tacloban. October 1944, sa kasagsagan ng Battle of Sibuyan Sea, ay ikinukunsiderang
biktima rin ng sumpa ng Romblon Triangle ang apat na barkong pandigma ng Japan.

Sa Sibuyan Sea, inatake at pinalubog ng Allied planes ang Musashi—noon ay ikalawang


pinakamalaking battleship ng Japan—at ang destroyers na Nagato at Myoko. Napuruhan
din sa nabanggit na pag-atake ang isa pang Japanese battleship na Yamato, na nawasak at
lumubog din pagdating sa Okinawa, Japan.

Sa kabila ng sari-saring haka-haka at nagpasalin-saling kuwentong bayan, may simpleng


paliwanag ang Philippine Coast Guard (PCG) kung bakit maraming barko ang naaaksidente
sa tinaguriang Romblon Triangle Gumagawa raw ng malalaking alon ang pagtatagpong ito
ng karagatan kaya nagiging mahirap para sa mga barko—lalo na kapag masama ang
panahon—ang magmaniobra sa lugar ng Romblon Triangle.

“Hindi kataka-takang sa Romblon [madalas ang maritime accidents], kasi ito ay open seas
kung kaya’t maraming sakuna ang nangyayari rito, tulad ng paglubog ng barko,”

You might also like