You are on page 1of 2

El Fraile: Ang Kinabukasan ng Kasaysayan ng Fort Drum

Likha ni: Crisleo John II E. Martinito | 12 – More

Sa gitna ng look ng Maynila, sa bukanan ng South China Sea, mayroong isang isla na
yari sa kongkreto at bakal, at armado ng mga malalaking kanyon ito ang El Fraile na itinayo
noong Abril 1909. Sa mga libro ng kasaysayan, ang Isla ng Corregidor sa Bataan ang
pinakakilalang karagatang pandepensa ng siyudad noong panahon ng mga Amerikano,
tinataguriang pinakamalaking isla at pangunahing pandepensa ng Maynila laban sa mga Hapon
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi
Corregidor, kundi ang isla ng El Fraile, o Fort Drum, ang huling bumagsak sa kamay ng
kalaban. Tinaguriang itong “Concrete Battleship” dahil sa mga materyales na ginamit sa
pagpapatayo nito at inihugis ang isla gaya ng isang sasakyang pandaigdig at sa kadahilanan na
kahit ilang digmaan ang magdaan ay hindi ito lumulubog kaya naman naging . Ang mga
kanyon na makikita rito ay mas malaki at mas malakas kumpara sa mga nasa isla ng Corregidor.
Nagsilbi itong kanlungan ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo mula sa mga bomba ng
mga Hapon, kaya naman ito ay kilala bilang “unsinkable” dahil kahit anong pambobomba o
paglusob sa Fort Drum, ay hinding hindi ito lulubog. Bago pa man sumuko ang mga Hapon,
ay pinasok nila ang El Fraile at sinira ang mga kanyon nito upang hindi na magamit at
mapakinabangan pa ng mga Pilipino para sa mga susunod na digmaan, Noong 1944 ay nagapi
ang mga Hapon sa ikalawang digmaang pandaigdig, at bumalik ang mga Amerikano upang
pasukin ang El Fraile para pasukuin ang kalaban. Nahirapan sila pasukin ang mga Hapong
nagtatago sa isla. Kaya naman nilagyan ng gasolina sinilaban ang mga air vents upang masunog
ang mga Hapong nagtatago rito, ngunit hindi sumabog ang buong El Fraile at maayos ang mga
kongkreto nito.

Ang kalagayan ng Fort Drum sa kasalukuyan ay hindi gaanong kaganda. Kitang-kita


ang mga bakas ng mga pagpapasabog sa kongkretong pader, may mga nawawalang kanyon, at
sunog na sunog ang loob ng Fort Drum. Araw-araw ito nasisilayan ng mga nakatira sa Ternate,
Cavite. Kung dati ay napakalakas at napakamakapangyarihan ng Fort Drum, iba na ang
pananaw ng mga tao ngayon dito. Ang mga magbabakal sa Ternate ay ginagawang hanapbuhay
ang mga nakukuhang bakal sa loob ng Fort Drum. Ito rin marahil ang dahilan ng pagkawala ng
ilang mga kanyon at bakal sa kongkretong isla.
Ang isla ng El Fraile ay isa lang sa apat na isla look ng Maynila na nagsilbing sundalo
noong nakaraang digmaang pandaigdig. Ngunit sa mga islang ito, ang isla ng El Fraile, na siya
sanang pinakamalakas sa lahat, ay hinayaan nalang mabulok at rumupok. Ang ikalawang
digmaang pandaigdig marahil ay isa sa mga masakit na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas,
gayunpaman, ito rin ay kuwento ng tibay at katapangan. Tulad ng Corregidor, ang isla ng El
Fraile ay saksi rin sa katapangang ito, lumaban sa huling sandal at hindi nagpagapi. Ano kaya
ang mangyayari sa kinabukasan ng El Fraile? Mapapanatili ba ang mga natitirang labi nito, o
hahayaan na lamang mawasak ng panahon?

You might also like