You are on page 1of 3

ARALIN 2.

2
FILIPINO 10
IKALAWANG MARKAHAN
Pinagmulan ng mga Isla ng Caribean
Sa loob ng isandaang taon, ang Caribbean Islands ay
pinaninitahan ng tatlong pangunahing katutubong tribo-
ang Arawaks, ang Ciboney at ang tribo na nagbigay ng
pangalan sa isla, ang Caribs. Sinasabing sa pagdating ni
Christopher Columbus ang unang European na
nakarating sa isla ay nagkaroon ng dramatikong
pagbabago sa kasaysayan ng Caribbean. Ang Spain ang
orihinal na umangkin sa buong isla. Hindi ito ikinasiya
ng mga taga-isla na nakatira roon maging ng mga bansa
sa Europa na nag-aagawan sa isla tulad ng France,
Englans, Netherlands, at Denmark.
Samantala, ang mga taal na katutubong tribo na
Mula sa: https://www.pinterest.ph/pin/109704940902816068/
nakatira sa isla ay halos nalipol. Kung nalipol ang mga
tao ng isla gayundin ang kanilang pamumuhay kaya ang
kultura ng Caribbean ay madalas na nagbabago.
Karamihan ng mga taga-isla ay naging biktima ng pang-
aalipin kung kaya napalitan ang katutubong kultura mula
sa Africa. Di-kalaunan ang mga labanan ay natigil at
karamihan sa mga isla ay natahimil. Bagaman ang pang-
aalipin ang sumisira sa plantasyon ng asukal at kape sa
lugar, karamihan ng mga labanan ay natigil dahil ang
mga bansa sa Europa ay humuhubog ng sarili nilang
kultura sa mga sarili nilang teritoryo.
Mula sa: http://www.destination360.com/caribbean/history

Alam mo ba na..
Sinasabing sa anyong mga dagli, sa Ingles sketches, nagmula ang maikling
kwento? Ang dagli ayon sa katuturang ibinigay ni Arrogante (2007) ay mga
sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol
sa banghay, mga paglalarawan lamang. Ito ay isang salaysay na lantaran at walang-
timping nangangaralm namumuna, nanunudyo, o kaya’y nagpapasaring.
Ang dagli ay napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa
Ingles. Ngunit ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa
Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng karawagang flash fiction na umusbong
noong 1990.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ang nauusong estilo ng maikling kuwento.
Mga kuwentong pawing sitwasyon lamang, plotless wika nga sa Ingles. Ngunit
kakaiba ang tema sa mga naunang dagli na nangangaral at nanunuligsa, itong bago ay
hindi lagi.

FILIPINO HANDOUT 10 │ Website: bsedfil3agroup4.wordpress.com 1


ARALIN 2.2
FILIPINO 10
IKALAWANG MARKAHAN

Lumabas ang antolohiyang “Mga Kuwentong Paspasan”na pinamamatnugutan ni


Vicente Garcia Grayon noong 2007. Si Eros Atalia naman ay naglathala ng kaniyang
aklat na pinamagatang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kuwentong
Pasaway, Paaway at Pamatay) taong 2011. Ayon kay Bievenido Lumbera,
Pambansang Alagad ng Sining “Ang dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang
anyo at pakay. Nagpapatawa, nangugulat, nakasusugat, parang bato-bato sa langit,
ang tamaa’y lihim na ginagalit. Kung lilingunin ang kasaysayan ng dagli bilang
anyong pampanitikan, makikitang bago ang hipo ni Eros sa anyong noong namalasak
sa mga diyaryo mga unang taon ng Siglo 20.”
Ayon kay Atalia, walang isang pamantayang kung gaano kahaba ang isang dagli.
Higit na kailangan ang nagkontrol ng mga salita. Sa ganitong uri ng akda nagtitiwala
ang sumulat sa kakayahan ng mambabasa na umunawa at makahanap ng kahulugan.
Nagbigay ng mga mungkahing paraan si Atalia sa pagsusulat ng dagli. Una,
magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo, paglalarawan na
matinding damdamin o tago. Ikalawa, magsimula lagi sa aksyon. Ikatlo, sikaping
magkaroon ng twist o punchline sa dulo. Ikaapat, magpakita ng kuwento, huwag
ikuwento ang kuwento. At ikalima, gawing double blade ang pamagat.

Basahin ang dagli mula sa rehiyon ng isa sa mga isla ng Carribean upang
masagot mo kung paano naiiba ang dagli sa iba pang akdang pampanitikan.

Ako Po’y Pitong Taong Gulang


(Dagli mula sa Rehiyon ng Isa sa mga Isla ng Caribbean)

Mula sa: https://www.shutterstock.com/image-vector/girl-carry-


on-ones-shoulder-vector-270329102

Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako po’y
pitong taong gulang. Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang
mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.

Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas singko
ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong
balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal
at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po akong ng paghahain
ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.

Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak na lalaki.
Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi
pa po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos

FILIPINO HANDOUT 10 │ Website: bsedfil3agroup4.wordpress.com 2


ARALIN 2.2
FILIPINO 10
IKALAWANG MARKAHAN
nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga damit at hugasan ang
pinagkainan at linisin ang kusina. Hinihugasan ko rin po ang mga paa ng aking among babae.
Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na
po siya galit bukas.

Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa giniling
na mais na kinain ko po kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit at wala akong sapatos. Hindi
po ako kailanman pinayagan ng aking mga amo na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa
pamilya. Kagabi po ay sa labas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa
loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila
kasi akong payagang mag-aral.

Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia


- Mula sa Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

2011. Lorimar Publication

FILIPINO HANDOUT 10 │ Website: bsedfil3agroup4.wordpress.com 3

You might also like