You are on page 1of 9

MABISANG PAGGAMIT NG

MATATALINHAGANG
PANANALITA

Ginawa ng Filipino 10 │Ikalawang Markahn


Ang talinghaga ang mismong larawan ng kamalayan
ng manunulat. Isa sa madalas na gamit ng talinghaga ang
pagpapahayag ng patayutay o tayutay.

Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang


paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at
piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng
tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
MGA URI NG TAYUTAY:
PAGTUTULAD O SIMILE - isang paghahambing sa dalawang
magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp.
,

Halimbawa:
1. Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
2. Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.

PAGWAWANGIS O METAPORA - ito ay katulad ng pagtutulad,


maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad
ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
Halimbawa:
1. Si jon ay lumalakad na babae.
2. Malakas na lalaki si Ken.
PAGTATAO O PERSONIPIKASYON - pagsasalin ng talino, gawi
at katangian ng tao sa bagay.
Halimbawa:
1. Ang mga damo ay sumasayaw.
2. Tumatawa ng malakas ang mga puno.

PAGMAMALABIS O HYPERBOLE - lubhang pinalalabis o


pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari atbp.
Halimbawa:
1. Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.
2. Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.

You might also like