sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. 1. Pagtutulad(Simile)
Paghahambing sa dalawang magkaibang
tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp. Halimbawa : a.Siya ay katulad ng kandilang unti- unting nauupos.
b.Ang tao ay gaya ng halamang
nararapat diligin 2. Pagwawangis(Metaphor)
Isang tuwirang paghahambing na
hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo atbp. Halimbawa :
a. Ang ina ni Joshua ay bituing
tanglaw niya sa landas ng buhay.
b. Si Eugene ay isang ibong humanap
ng kalayaan. 3. Pagtatao(Personification)
Nagsasalin ng talino, gawi at
katangian ng tao sa bagay na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito. Halimbawa :
a. Lumuluha ang liham na
natanggap ni Carlo.
b. Ang buwan ay nahiya at
nagtago sa ulap. 4. Pagmamalabis (Hyperbole)
Lubhang pinalalabis o pinakukulang
ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp. Halimbawa :
a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa
tindi ng dalamhati.
b. Nabutas ang bambam ng tainga ni
Popot dahil sa ingay. 5. Paglilipat-saklaw(Synecdoche)
Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang
bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan. Halimbawa :
a. Hiningi ni Carl ang kamay ng
dalaga.
b. Sampung kamay ang nagtulung-
tulong sa pag- aararo. 6. Pagtawag(Apostrophe)
Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang
bagay na para bang nakikipag- usap sa isang buhay na tao. Halimbawa :
a. O, tukso layuan mo ako.
b. Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito
na sa mga problema. 7. Paghihimig(Onomatopoeia)
Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa
pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita. Halimbawa :