Professional Documents
Culture Documents
Report
Report
pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o
konsepto[1] Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong
kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng
isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol. [2]
Pagkahati-hati ng pangngalan
Maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian, kailanan,
kaanyuan, kalikasan, at katungkulan.[3]
Ayon sa Uri
Tungkol ito kung ang mga pangngalan ay pantangi o pambalana.[4]
Pantangi - tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa.
Karaniwang nagsisimula sa malaking titik. Halimbawa: Pilipinas, Panagbenga
Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari,
at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. Halimbawa: bansa, korporasyon, pista.
Konsepto ng Pangngalan
Ang mga pangngalan ay maaari ring pangkatin sa kongkreto o tahas at di-kongkreto o basal.
Panlalaki - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking
kalabaw), atbp.
Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa
nanganganak na babaing hayop), sirena, atbp.
Di-tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki - magulang, pinsan, bata, kaibigan,
atbp.
Walang kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay - bagay, laruan, mesa,
sasakyan, manika, atbp.
Ayon sa Kailanan[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng pangngalan.
Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na si, ni, o kay kapag mga tao ang tinutukoy,
at ang, ng (nang), o sa kapag mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang
pamilang isang o sang, sam, at son na mga hangong salita nito. Halimbawa:
Ang burol ay isang anyong lupa.
Dalawahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sina, nina, kina, at ang mga (manga,
ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa. Halimbawa: Sina
Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.
Maramihan - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad.
Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han". Halimbawa: kabahayan,
kabukiran, Kabisayaan
Pahilig
Tuwiran (ang) Hindi tuwiran (ng)
(sa)
Personal na
sina nina kina
pangmaramihang
ka-, - tumutukoy sa isang grupo ng pangngalan, maaari ring tumukoy sa estado o pagiging
an pangngalan
pan- tumutukoy sa gamit ng pangngalan
Ayon sa Kalikasan
Maaaring i-uri ang pangngalan sa kalikasan o pinagmulan nito.
Gamit ng Pangngalan
Ang pangngalan ay may iba't ibang gamit.
Simuno o paksa
Ang simuno o paksa ay pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay nakikita sa unang
bahagi ng pangungusap kung may ay at sa gitna o hulihan kung walang ay o nauuna ang
panaguri.
Halimbawa: "Ang buhok niya ay tuwid na tuwid"
Panaguri
Ang panaguri ay aang pangngalang tumutukoy sa simuno; dapat walang kilos o pandiwa sa
pangungusap upang ang simuno at panaguri ay tumutukoy sa iisang pangngalan lamang.
Halimbawa: "Si Raul ay isang pintor."
Layon
Ang layon ay ang pangngalang tumatanggap ng kilos o pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na
"ano?" at laging may ng sa unahan.
Halimbawa: "Nagluto ng sinigang si Ate Lina." (Ano ang niluto ni Ate Lina?)
Pinaglalaanan
Ang pinaglalaanan pangngalang pinaglalaanan ng isang bagay o gawain. Ginagamitan
ng kay, kina, para sa at sa sa unahan nito. Sumasagot ito sa tanong na "para kanino / para sa
ano?"
Halimbawa: "Ang papel ay ipinasa kay Minna." (Para kanino ang papel?)