You are on page 1of 2

Gawain sa Pagkatuto

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Unang Markahan – Ikaapat na Linggo

Pangalan : ____________________________________ Petsa: ___________________


Seksiyon: __________________

Blg. Ng MELC: 2
MELC: Nakasasang-ayon sa pasiya ng nakararami kung nakabubuti ito.

Pamagat ng Aralin: Pagsang – ayon sa Pasiya ng Nakararami

Gawain Blg. 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Bilugan ang titik ng
tamang
sagot.
1. Sinabihan ka ng iyong mga magulang na huwag lumabas ng bahay dahil may
bagong kumakalat na virus. Nagtext ang iyong kaibigan at iniimbitahan kang
dumalo sa kanyang kaarawan. Ano ang gagawin mo?
A. Babalewalain ang sinabi ng magulang.
B. Itetext ang kaibigan na tatakas siya sa mga magulang.
C. Gagawa ng dahilan upang makadalo sa kaarawan ng kaibigan.
D. Susundin ang bilin ng mga magulang para makaiwas sa kumakalat na virus.
2. Ipinag-utos ng inyong barangay na bawal lumabas ng bahay ang mga bata dahil sa
kumakalat na bagong variant ng virus. May kailangan kang bilhing materyales para
sa ipinapagawang output ng iyong guro. Ano ang gagawin mo?
A. Magpupumilit na lumabas para mabili ang kailangan.
B. Makikiusap sa magulang na sila ang bumili ng kanyang kailangan.
C. Maghihintay na lang kung kailan puwedeng lumabas kahit mahuli sa pagpasa ng
output.
D. Hindi na lang gagawa ng output dahil hindi makalabas.
3. Nagbigay ang iyong guro ng takdang oras at araw na maipasa ang iyong proyekto sa
google classroom. Biglang nawala ang internet connection sa lugar ninyo. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasabihin sa guro ang totoong nangyari kaya hindi naipasa sa takdang oras ang
proyekto.
B. Matutulog na lang at ipagsasawalang bahala.
C. Magsisinungaling na hindi nabasa at narinig ang sinabi ng guro kaya hindi
nakapagpasa ng proyekto.
D. Hindi na lang magpapasa ng proyekto dahil walang internet connection.
4. Nag-anunsyo sa tv at radyo na may bagyong darating sa ating bansa. Binalaan ang
lahat na mag-ingat at maging handa. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi maniniwala sa balita.
B. Matutulog na lang dahil malamig ang panahon.
C. Ilalagay sa mataas na lugar ang mga mahahalagang upang hindi mabasa.
D. Hahayaan na lang kung anong mangyayari sa bahay.
5. Nagpatupad ang iyong mga magulang ng alituntunin sa tamang paggamit ng gadgets.
Ano ang gagawin mo?
A. Susundin ang mga magulang.
B. Gagamitin ang gadget kapag wala ang mga magulang.
C. Patagong gagamitin ang gadget para hindi mahuli.
D. Sisirain na lang ang gadget dahil limitado ang paggamit nito.

Gawain Blg. 2

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung
makabubuti para sa atin ang isinasaad nito at MALI kung hindi
makabubuti.

_____1. Pag-uusapan namin ang makabubuti para sa nakararami bago magdesisyon.

_____2. Iiwasan ko ang masisi ng iba kaya hindi ako magpapasiya.

_____3. Bago ako magdesisyon, aalamin ko rin ang pasiya ng nakararami.

_____4. Aalamin ko muna ang makabubuti sa lahat bago magpasiya sa isang

desisyon.

_____5. Dapat mabilisan ang pagdedesisyon para di masayang ang ating oras at

panahon.

Inihanda ni: Denver R. Luna Iwinasto ni: Ronald Sia


Guro-1 Dalubguro-2

You might also like