You are on page 1of 2

Republic of the Philippine

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF IMUS CITY

Gawain sa Pagkatuto
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikalawang Markahan- Ikaapat na Linggo

Pangalan: _______________________________ Petsa :________________


Baitang at Seksyon ______________________

Blg ng MELC : 5/ EsP6-lld-1-31


MELC: Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapuwa.

Pamagat ng Aralin : Responsable sa Kapuwa

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Isulat sa patlang ang salitang
Dapat kung tama ang ipinahahayag at Hindi Dapat kung mali ang ipinahahayag.

____________1. Walang pasok sa darating na Lunes dahil Pambansang Araw ng mga


Bayani. Maghapong maglalaro ng computer games ang magkakaibigan.

____________2. Isang programa ang inihanda para sa matatanda na nakatira sa


Golden Sun Senior Residence. Ito ay bilang pagtatapos ng gawain sa barangay
kaugnay sa okasyon para sa mga senior citizen. Inimbitahan ka ng iyong mga
kaibigan na sumama at saksihan ang pagdiriwang. Pumayag ka na dumalo.

____________3. Mahusay kang gumuhit. May isa kang kapitbahay na madalas


pumupunta sa inyo. Hinikayat mo siya na mag-aral gumuhit.

____________4. Biktima ng sunog na puminsala sa maraming ari- arian noong


linggong nagdaan ang ilan sa iyong mga kaibigan. Naglunsad ng isang proyekto
ang inyong samahan para tulungan sila.

____________5. Kabilang ka sa isang pangkat ng mga mananayaw. Nakita mong


nakapaskil sa bulletin board ng paaralan ang paligsahan sa pagsayaw na binuo ng
lokal na pamahalaan. Hindi ka sumali sa paanyaya dahil ang katuwiran mo ay
magsasayang ka lang ng oras sa ensayo.

Gawain 2
Panuto: Dugtungan ang maikling pahayag tungkol sa pagiging responsableng
bata sa panahon ng pandemya. Sumulat ng 5 puwede mong gawin.
Ako si __________________________ ,bilang isang mabuting mag-aaral at
anak, ako ay dapat sumunod sa utos ng Inter-Agency Task Force ( AITF) tulad
ng
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman Limang Apat na Tatlong Dalawang Isang
tamang tamang tamang tamang tamang
sagot ang sagot ang sagot ang sagot ang sagot ang
naibigay naibigay naibigay naibigay naibigay

Inihanda ni: Iwinasto ni:


GLORIA A. COSTA RONALD T. SIA
Dalubguro 1 Dalubguro 2

You might also like