Professional Documents
Culture Documents
Kabanata Iii
Kabanata Iii
KABANATA III
“KABATAAN AT
REBOLUSYONG
PANGKAISIPAN NI JOSE RIZAL”
Mga Paksa
a. Pagsilang,pamilya at kamusmusan
b. Kabataan at unang edukasyon
c. Mataas na edukasyon
d. Paghahambing sa pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at Santo Tomas
e. Pagsibol ng pag-ibig: Si Rizal bilang isang Dakilang Mangingibig
Si Donya Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8,1826, at
nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod.
Kahanga-hanga siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, at taglay niya
ang kahalintulad na katatagan ng isang babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: "Ang aking
Nanay at katangi-tangi; maalam siya sa panitikan at mahusay mag Espanyol kaysa sa akin. Siya ang
nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng
retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming aklat na nabasa. Namatay si Donya Teodora sa
Maynila noong Agosto 16,1911 sa edad na 85.
Concepcion (1862-1865) – ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa edad na 3;
ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutan naranasan ni Rizal.
Josefa (1865-1945) – ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang matandang dalaga sa
edad na 80.
Trinidad (1868-1951) – Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang matandang
dalaga noon 1951 sa edad na 83.
Soledad (1870-1929) – bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw ay Choleng;
ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.
Kabataan at Edukasyon
Ang unang naging guro ni Jose ay ang kanyang ina, tinuturuan na
siyang
magbasa sa edad na tatlong taong gulang.Kaya bata palang si Jose ay
mahilig na siya sa pagbabasa ng mga aklat.Naturuan siya ng kanyang ina na
magbasa sa aklat na “Amigo de los Niños” (kaibigan ng mga bata) kung
saan nakalimbag ang kwento ng gamu-gamo na naging huwaran niya sa
kanyang paglaki.
Sa tulong ng kanyang kapatid na si Saturnina ay natutunan niya ang
abakada.Sa gulang na limang taon ay nabasa niya ang banal na kasulatan
sa kanilang tahanan.
Noong tatlong taong gulang si Jose ay namatay ang kanyang kapatid
na si
Concha.Iyon ang kauna unahan niyang pagluha dahil sa pagmamahal sa
kapatid at pagdaramdam sa kanyang pagkawala.
Nung siya ay pitong taong gulang kanyang naisulat ang isang dula na
itinanghal sa pista ng bayan.Binili ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna ang
manuskrito sa halagang dalawang piso.
Nahilig din siya sa pagsusulat ng tula, kaya sa edad na walo ay naisulat niya
ang tulang tagalog na “Sa aking mga Kabata”, ito ay tungkol sa kahalagahan
at pag-ibig
sa wika.
Habang lumalaki si Jose, kinuha siya ng mga pribadong tagapag-turo sa
kanilang tahanan. Ang una ay si Maestro Celestino, ang pangalawa ay si
Maestro Lucas Padua. At ang huli ay isang matandang lalaki, na si Leon
Monroy na dating kaklase ng kanyang ama, naging guro ni Rizal sa Latin. Sa
kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya pagkaraan ng
limang buwan.
Pagkamatay ng kanyang gurong si G, Leon Monroy, nagpasiya ang mga magulang niya na
ipadala siya sa isang pribadong paaralan sa Biñan.
Noong Hunyo, 1870, hinatid ni Paciano ni Rizal sa Biñan. Ang magkapatid ay sumakay ng
Karomata, at narating ang Biñan pagkaraan ng isa’t kalahating oras.
Kinahapunan ng una niyang araw sa paaralan, habang ang guro ay nagsisiyesta. Nagalit siya kay
Pedro dahil pinagkatuwaan siya.Hinamon ni Jose si Pedro ng suntukan. Hindi naman nagdalawang isip
si Pedro at tinanggap ang hamon. Marahil ay naisip nito na madali niyang matatalo ang taga –Calamba
na mas bata at mas maliit sa kanya.
Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang mga kaklase. Si Jose,
na tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng sining ng pakikipaglaban, ang siyang tumalo sa mas malaking
bata. Dahil dito, naging popular na siya sa kanyang mga kaklase.
Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si Andres Salandanan, ang humamon sa
kanya ng bunong braso. Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal at nang mag-away ay muntik
nang mabasag ang kanyang ulo sa bangketa.
Sa mga araling pang-akademiko, tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga Biñan.
Naunahan niya ang lahat sa Espanyol, Latin, at iba pang asignatura. Dito niya nakabisado ang
multiplication table.May ilang kaklase ang naiinggit sa kanyang talino.Lagi nilang isinusumbong si Rizal
sa guro tuwing nakikipag-away siya. Kung anu-ano ring kasinungalingan tungkol kay Rizal ang sinasabi
nila sa guro. Kaya napipilitan ang guro na parusahan si Jose. Kaya nasabi ni Rizal na "kahit mabait na
bata ang reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo ng aking
guro”.
Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina,
at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong Talim sa Biñan na siyang mag-uuwi sa kanya sa
Calamba. Nang mabasa niya ang sulat nagkaroon siya ng premonisyong di na siya babalik sa Biñan
kaya naging malungkot siya. Nagdasal siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala,
at nagpaalam sa kanyang guro at mga kaklase.
Umalis siya ng Biñan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 7,1871, pagkaraan ng isa’t kalahating
taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong Talim, dahil ito ang kauna-
unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko.
Ateneo De Municipal
Dahilan sa ipinamalas na kahusayan sa
larangang pang-akademya, naging mataas ang
pangarap ng kanyang pamilya para sa kanya
kaya naman kapwa ninais ni Don Francisco,
ang kanyang ama, at ni Paciano, kanyang
nakatatandang kapatid, na makipagkarera siya
sa isang paaralan sa Maynila.Ang orihinal na
plano ng ama ay sa San Juan de Letran
mag-aaral si Rizal ngunit mas nagustuhan niya
ang turo sa Ateneo kaya doon siya nakipag
eksamen.
Sa panahong yaon ang paaralan ay nasa
ilalim ng pamamahala ng mga paring Heswita.
Sa umpisa ay hindi tinanggap si Rizal dito dahil nahuli siya sa pagpapatala at napakaliit niya para sa
kanyang gulang.Sa tulong ni G. Manuel Xeres pamangkin ni Padre Burgos, ay natanggap si Jose sa
Ateneo.Sa kanyang pagpapatala ay ginamit niya ang apelyidong “Rizal”.
Unang Taon sa Ateneo (1872– 1873)-sa unang buwan pa lang ng pag-aaral ni Rizal sa Ateneo ay
nakapagmalas na siya ng kakayahan.Siya ang tinanghal na pinakamahusay sa klase at tinawag siyang
“Emperador”.Si Padre Jose Bech - ang guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo.Noon ay hindi pa
siya gaanong matatas sa pagsasalita ng wikang kastila kaya tuwing rises nila ay nagpupunta siya s
Colegio de Santa Isabel upang mag-aral ng kastila.
Malungkot si Rizal sa unang taon niya sa Ateneo sa dahilang ang kanyang ina ay nasa
bilangguan.Napagbintangan na nilalason ni Donya Teodora ang kanyang hipag.Nung nung siya ay
magbakasyon lihim siyang pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kanyang ina at kinuwentuhan ang
ina ukol sa kanyang pag-aaral.
Pangalawang Taon (1873 –1874). Masaya si Rizal dahil dumating sa Ateneo ang ilan sa mga dati
niyang kamag –aral sa Biñan. Sa taong 1874 nakalaya si Donya Teodora at ito ay nagdulot ng di
matawarang kasiyahan kay Rizal .Napamalas ang kasiyahan ni Rizal sa pagkakaroon ng mabubuting
marka at pagbabalik ng pagkahilig sa pagsusulat.Dito niya naisulat ang unang kastilang tula na may
pamagat na Mi Primera Inspiracion (ang aking unang Salamisim)na inialay niya sa kaarawan ng
kanyang ina.. Nahilig din siya sa pagbabasa ng mga nobela ng pag –ibig. Ang unang nobelang nahiligan
niya ay ang The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas.Ipinabili niya sa kanyang ama ang Universal
History ni Cesar Cantu na nakatulong ng malaki sa kanyang pag-aaral. Binasa rin niya ang Travels in
the Philippines ni Dr. Feodore Jagor.
Ikatlong taon (1874-1875). Isa sa mga naging guro ni Rizal ay si Padre Francisco de Paula
Sanchez, inilarawan niya bilang isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag – unlad ng
kanyang mga mag –aaral. Humanga ang mga paring Heswita sa galling ni Rizal sa paglililok kaya
hiningan siya ni Padre Lleonart na ililok siya para sa Sagrado Corazon de Jesus. Ang guro niya rito ay si
Romualdo de Jesus.
Ikaapat na Taon (1875-1876) Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat ng mga tula at naisulat niya sa
panahong ito ang Felicitacion (pagbati) bilang tugon sa kahilingan ng kanyang kapatid na si Narcisa
para sa kanyang asawa na si Antonio Lopez. Marami rin siyang naisulat na tulang pangrelihiyon.
Huling Taon (1876 – 1877) Nag – aral si Rizal ng Pilosopiya, Physics, Chemistry at Natural
History. Hinikayat siya ni Padre Jose Villaclara na itigil ang pagsusulat at iwanan na niya ang grupong
Musa (Muses) subalit hindi ito sinunod ni Rizal.Tuloy-tuloy ang pagpapamalas ni Rizal ng kanyang
katalinuhan. Nalinang ng husto ang kanyang kakayahan sa paglikha ng mga sining-biswal at iba pang
anyo sa gabay ng kanyang paboritong guro na si Padre Francisco de Paula Sanchez.
Sa kanyang pagtatapos nakamit ni Rizal ang Bachiller en Artes noong Marso 23,1877 at limang
medalya.
ang mga miyembro ay tinatawag na kasama ni Jehu, hango sa isang bantog na personalidad sa
kasaysayan ni Israel.Si Rizal ang pangulo at ang kanyang pinsan na si Galicano Apacible ang kalihim.
Hindi nasiyahan si Rizal sa pamamahala ng mga Dominikano sa Santo Tomas dahil sa ‘di pantay
na pagtingin nila sa mga estudyanteng Pilipino.Mapagmataas ang mga guro at mababa ang tingin sa
mga estudyanteng Pilipino. Makaluma ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo at luma rin ang kanilang
mga kagamitan sa pagtuturo.Ang mga gamit sa laboratoryo ay nakatago lamang sa aparador hindi
pinapagamit sa mga estudyante at bulok ang Sistema sa pamantasan.
Kung sa Ateneo ay matataas ang marka ni Rizal hanggang makapagtapos, sa Santo Tomas
naman ay hindi napantayan ang marka noong siya ay nasa Ateneo.Hindi siya kumbinsido sa mga grado
na nakuha sa Santo Tomas na sa kanyang palagay ay hindi akma sa kanyang kakayahan.
Nakintal sa isipan ni Rizal ang mga panlalait at diskriminasyon ng mga Dominikanong prayle sa
Santo Tomas.Naramdaman niya na may kinikilingan ang mga ito at ayaw nilang nalalamangan ng mga
estudyanteng Pilipino ang mga estudyanteng kastila. Ito ang nagtulak kay Rizal na lisanin ang Pilipinas.
Ang mga karanasan ni Rizal sa pag-aaral sa dalawang pamantasan ay magkaiba ngunit
masasabi nating mas may malaking impluwensya sa kanya ang Santo Tomas dahil dito siya nakaranas
ng pagmamalupit at diskriminasyon na naging dahilan upang umusbong ang damdaming nasyonalismo
sa kanya at magnais na madagdagan ang kanyang kaalaman sa ibang bansa. Nang sa ganun ay
magkaroon siya ng lakas ng loob
Pagsibol ng pag-ibig: Si Rizal bilang isang Dakilang Mangingibig
Si Julia
Si Julia ang puppy love ni Dr. Rizal. Nakilala niya si Julia noong
isang
araw ng Abril 1877 habang nasa dalampasigan ng ilog ng Dampit, Los
Baños, Laguna upang maligo. Narinig niya na tinawag ang dilag ng
kanyang
lola sa pangalang Julia kaya’t kanyang nalaman ang pangalan nito.
Nabighani siya habang pinagmamasdan ang dalagita. Nakita
niya
itong nanghuhuli ng paru-paro at para makilala niya ito ay humuli din
siya ng
dalawang paru-paro at ibinigay niya ito kay Julia. Ito ang naging daan upang
sila ay magkakilala. Naging magkaibigan ang dalawa at kanyang masuyong
inihahatid ang maglola sa Los Baños. Siya rin ang tinuturing na Minang ni Dr.
Rizal sa kanyang alaala.
Segunda Katigbak
Si Segunda ang unang pag-ibig ni Rizal.Siya
ay
labing apat (14) na taong gulang na dalagita na
kapatid ng
kaklase at kaibigan ni Pepe na si Mariano Katigbak.
Kolehiyo ng La Concordia ang kanyang paaralang
pinasukan kung saan rin nag-aral ang kapatid ni
Rizal na si
Olympia.
Ayon sa iba, nagkita ang dalawa sa Trozo,
Manila
kung saan binisita ni Rizal ang kanyang lola na nakatira
mismo sa nasabing lugar. May mga nagsasabi rin na
nagkita sila sa Lipa, Batangas kung saan nanggaling ang
pamilya Katigbak. Malimit na pumunta noon si Pepe sa
Kolehiyo ng La Concordia hindi lang para dalawin ang kanyang kapatid kundi upang masulyapan ang
dalagita. Ngunit hindi nagtagal ang panliligaw ni Rizal dahil nakatakda ang pagpapakasal ni Segunda sa
isang taga-Lipa rin na si Manuel Luz.
Leonor Valenzuela
Si Leonor na kilala sa palayaw na “Orang”.
Siya ay
katorse anyos at si Rizal ay labing walong taon (18)
magkapitbahay ang dalawa sa Intramuros nang
minsang
mag-aral ito sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Matangkad
ang dalaga, at tiga Pagsanjan Laguna.
Sa kadahilanang magkapitbahay lamang ang
dalawa, madalas makitang nakaistambay si Pepe
kasama
si Orang. Madalas din ang pagsusulat ni Rizal ng
liham
pag-ibig sa dalaga sa pamamagitan ng paggamit tintang
hindi nakikita.
May espesyal na pagtingin ang batang Rizal kay
Orang, subalit maaaring hindi parehas ang nararamdaman nila para sa isa’t isa sa pagtanggap niya ng
ibang manliligaw. Naudlot ang kanilang magandang pagtitinginan.
Leonor Rivera
Si Leonor ay anak ng kanyang amain na si
Antonio Rivera na siyang pinsan ng kanyang amang si
Francisco. Sa madaling sabi, naging katipan niya ang
kanyang pinsan noong siya ay nag-aaral sa Santo
Tomas. Siya ang inspirasyon ni Rizal sa paglikha ng
karakter na si Maria Clara sa Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
Nagkakilala ang dalawa noong 13 taong gulang
pa lamang si Leonor. Hindi naputol ang koneksyon ng
dalawa kahit nangibang-bayan ni Rizal matapos ang dalawang taon upang magpakadalubhasa. Sa
unang taon ay patuloy ang sulat an ng dalawa. Gumamit ng sagisag na Taimis si Leonor sa kanilang
sulatan. Sa katunayan, nagtagal ng 11 taon ang kanilang relasyon at sa mga panahong yaon naging
inspirasyon ang dalaga sa kanyang pag-aaral.
Ngunit tutol ang ina ni Leonor sa pag-iibigan nila. Sa halip na kay Rizal, gusto nito na maipakasal
ang dalaga kay Henry Charles Kipping, isang Ingles na inhinyero. Ayaw ni Leonor sa Ingles na ito,
subalit pilit siyang kinumbinsi ng matigas niyang ina rito. Nagawa pa nitong itago ang mga sulat mula
kay Pepe at sabihan ang dalaga na ikakasal na diumano si Rizal sa anak ni Ferdinand Blumentritt. Sa
kalaunan ay napaniwala si Leonor sa kasinungalingang ito at napilitang magpakasal kay Kipping.
O Sei-San
Ang tunay na pangalan ni O sei –san ay Seiko
Usui,
isang anak ng Samurai. Nagtatrabaho ang dalaga sa
legasyon ng Espanyol sa Tokyo. Noong Pebrero
1888,
nagtrabaho si Pepe sa legasyon ng Espanyol sa
bansang
Hapon at doon nakilala ni Rizal si O sei-San. May
kakayahang magsalita ng wikang Ingles at Pranses
ang
Hapones, kaya madaling nakapagbuo ng relasyon
ang
dalawa. Tinuruan rin ng dalaga si Rizal ng wikang Hapon.
Mababasa sa kanyang talaarawan ang sulat niya para kay
Seiko na nagsasabing,
Gertrude Beckett
Si Gertrude ay isa sa anim na anak ni
Charles
Beckett. Si Charles ay ang Ingles na
nagmamay-ari ng
37 Chalcot Cresent, isang paupahang bahay sa
London, England kung saan namalagi noon si
Rizal
noong Mayo taong 1888.
Nangupahan si Rizal sa bahay ng mga
Beckett,
nakilala niya si Gertrude na tinawag niyang
Gettie.
Hindi naglaon ay nagkagusto na ang dalaga kay Pepe.
Pinagluluto siya ng masasarap na pagkain at
tinutulungan niya si Rizal sa kanyang mga gawang
sining. Kabilang dito ay ang Prometheus Bound, The
Triump of Science over Death at The Triump of Death
over Life.
Bago pumunta ng Paris noong Marso 1889, ibinigay niya ang eskultura ng magkakapatid na
Beckett na mismong kanyang nililok. Umiwas si Rizal sa lalo pang lumalalim na pagtingin ni Gettie.
Suzane Jacoby
Dahil mahal ang gastusin sa Paris, naisipan niyang
iwan ang lugar para pumunta sa Brussels at doon mamalagi.
Dito niya nakilala si Suzane. Si Suzane ay ang pamangkin ng
may-ari ng paupahang bahay na tinirhan ni Rizal sa Brussels
noong Pebrero taong 1890.Anim na buwan rin ng sila ay
nagkasama.
Nilisan ni Rizal ang Brussels nagpunta ng Madrid.
Ganun pa man inialay ang kanyang mga akdang Filipinas
Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Siglo) at
ang Sobre de la Indolencia de los Filipinos (Ang Katamaran ng mga Pilipino)sa dalaga.
makabalik si Josephine sa Dapitan mula sa pamamalagi niya sa pamilya Rizal sa Maynila, inareglo ni
Pepe ang kanilang pagpapakasal. Nakipag-usap siya kay Padre Antonio Obach ng Dapitan ngunit ayon
sa paring ito, ikakasal lamang niya ang dalawa kapalit ng retraksyon ni Rizal. Sa kabila nito, itinuloy ng
dalawa ang kanilang pagpapakasal kahit walang basbas ng simbahan. Nagkaroon ng anak si Pepe kay
Bracken, subalit patay ang bata pagkasilang. Pinangalan ni Rizal ang kanyang anak na ito na Francisco.
Pagkamatay ni Rizal si Josephine ay sumapi sa katipunan at namundok.Pagkaraan ng isang taon
siya ay bumalik ng Hong Kong sa kanyang ama. Napangasawa niya si Vicente Abad noong taong 1900.
Nagkaroon siya ng anak dito at pinangalanang Dolores.Noong 1902 namatay si Josephine sa sakit na
tuberkulosis sa edad na dawampu’t lima.
Maraming babae ang dumaan sa buhay ni Rizal, ang mga ito ay nagdulot ng ligaya at sakit.Ngunit
sa pananaw ni Rizal ang mga ito ay dumating sa buhay niya ng may dalang dahilan, ang mga ito ay
nagbigay kulay at naghatid ng inspirasyon sa kanyang buhay.
Iba’t-ibang babae man ang nakadaupang palad niya ay hindi maikakailang siya’y isang maginoo sa pag-
ibig sapagkat hindi niya hinayaang mahulog ang loob niya sa isang babae habang may pinag-aalayan
na siya ng pagmamahal.. Subali’t ang pagmamahal na ito ay wagas at hindi napaparam. Ito ay ang pag-
ibig niya sa kanyang bayang tinubuan..Sa kanya inalay ni Rizal ang kanyang buhay upang maging
dahilan ng pagkagising ng damdamin ng mga Pilipino.
Dahil dito maituturing na dakilang mangingibig si Rizal sa Inang bayan!