You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X
Sangay ng Bukidnon
IMPASUGONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Impasugong, Bukidnon
SY 2021-2022

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 8

Pangalan ng Guro: MARNELLE G. LANDUAY Araw: Marso 24, 2022 Oras: 9:30-10:30
Pangalan ng Tagamasid: GNG. CLEOFE I. SAYTA

Pangkalahatang Pamantayan:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa katapatan sa salita at gawa.

Layunin:

a. Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at


bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan EsP8PB-IIIg-12.1
b. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan EsP8PB-IIIg-12.2

I. PAKSA: Katapatan sa Salita at Gawa


 Sanggunian: Modyul sa ESP 8, internet
 Kagamitan: Laptop, TV monitor, Powerpoint presentation, point slip
II. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
 Panalangin
 Pagtatala ng liban
 Pampasigla

Bahagi ng Aralin Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral Estratehiya


B. Pagbabalik- PAKIKIPAGKAPWA (Makikinig/ (Deriktang
tanaw  mabuting pakikitungo sa Magtatanong/ Sasagot) interaksyon)
kapwa;
 pagtugon sa
pangangailangan ng iba
nang may paggalang at
pagmamahal;
Halimbawa:
“Huwag mong gawin sa kapwa
mo ang ayaw mong gawin sa
iyo”
“Mahalin mo ang kapwa mo
gaya ng pagmamahal mo sa
iyong sarili”
PAKIKIPAGKAIBIGAN
 relasyon o ugnayan sa
kapwa na
nangangahulugan ng
pagmamahalan bilang
magkaibigan.
C. Pangganyak Magtatanong sa mga mag-aaral:
“Nakaranas ka na bang magpa
check up sa doctor?” (Makikinig/ Sasagot) Deriktang
“Gaano kahalaga ang magsabi interaksiyon
ng totoo?”

JUMBLED WORDS (Ibibigay ang sariling


ideya/kaisipan)
Pagpili ng hindi magsinungaling,
manloko o mandaya sa
anumang paraan.
KATAPATAN
KAAATATNP

Pagbibigay ng totoo at tamang


impormasyon sa sitwasyong
kailangang ipahayag ang
katotohanan.
KATAPATAN SA
PATKANATA AS SITALA
SALITA
Pagganap ng kinakailangan
para sa mga taong dapat
makinabang sa mga ito.
KATAPATAN SA GAWA
KANTAPATA AS AWGA

D. Paglalahad 4 PICS ONE WORD


(Makikinig/ Sasagot) Deriktang
Interaksiyon

PAGNANAKAW

PAGDODROGA

PAGSISINUNGALING
Magtatanong sa mga mag-aaral: (Ibibigay ang sariling
Bakit kaya ideya/kaisipan)
nagsisinungaling ang
tao?
E. Pagtatalakay Magpapakita ng isang video Deriktang
Interaksiyon
PAGSISINUNGALING
 pagbaluktot sa
katotohanan o isang
panlilinlang
 pagtatago ng isang
bagay na totoo sa isang
taong may karapatan
naman dito (Ibibigay ang sariling
ideya/kaisipan)
Uri ng Pagsisinungaling
1. Pagsisinungaling upang
pangalagaan o tulungan
ang ibang tao. (Pro-social
Lying)
2. Pagsisinungaling upang
isalba ang sarili upang
maiwasan na mapahiya,
masisi o maparusahan
(Self-enhancement Lying)
3. Pagsisinungaling upang
protektahan ang sarili na
makapinsala sa ibang tao
(Selfish Lying)
4. Pagsisinungaling upang
sadyang makasakit ng
kapwa (Anti-social Lying)

Apat (4) na Pamamaraan ng


Pagtatago ng Katotohanan
1. Pananahimik (Silence)
2. Pag-iwas (Evasion)
3. Pagbibigay ng salitang
may dalawang ibig
sabihin o kahulugan
(Equivocation)
4. Pagtitimping Pandiwa
(Mental Reservation)

Mga Mahahalagang Dahilan ng


Pagsasabi ng Totoo
1. Ito ang tanging paraan
upang malaman ng lahat
ang tunay na mga
pangyayari.
2. Ito ay magsisilbing
proteksyon para sa mga
inosenteng tao upang di
masisi o maparusahan.
3. Ito ang magtutulak sa tao
upang matuto ng aral sa
mga pangyayari.
4. Mas magtitiwala sa iyo
ang iyong kapwa.
F. Pagpapalalim Tanong:
Bakit nga ba nagsinungaling (Ibibigay ang sariling Deriktang
ang ama sa anak base sa ideya/kaisipan) Interaksiyon
video na inyong napanood?

Tandaan!
Anumang uri ng
pagsisinungaling ay kalaban ng
katotohanan at katapatan.

Ang pagsasabi ng totoo


lamang ang magtutulak sa iyo
upang makaramdam ng
seguridad at kapayapaan ng
kalooban.

G. Pagtataya
A - Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa
sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik lamang.
a. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa.
b. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa na makapinsala sa ibang
tao.
c. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o
maparusahan.
d. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.
1. Ipinagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo.
Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.
Sagot: (a. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa.)
2. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi
nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya
na hindi naman siya papayagan. Alam mo na papagalitan siya ng kaniyang mahigpit na
ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito na ginabi kayo dahil
sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak
ang iyong kaibigan.
Sagot: (d. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.)

B - Panuto: Suriin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang ipinakikita


sa sumusunod na sitwasyon.
a. PANANAHIMIK
b. PAGTITIMPING PANDIWA
c. PAGBIBIGAY NG SALITANG MAY DALAWANG IBIG SABIHIN
d. PAG-IWAS
3. Si Alfred ang saksi sa isang engkwentro ng barilan kung saan namatay ang kanilang
kapitbahay. Tinanong siya ng mga awtoridad subalit hindi siya sumagot.
Sagot: (A.PANANAHIMIK)
4. Hindi tuwirang sinagot ni Jhon si Allan nang tanungin sa tunay niyang damdamin para
kay Dora. Sa halip ay sinagot niya ito pero mayroong dalawang kahulugan.
Sagot: (PAGBIBIGAY NG SALITANG MAY DALAWANG IBIG SABIHIN)
5. Dadaan si Keisha sa tindahan, subalit noong nakita niya si Kurt ay agad siyang lumihis
ng daan. Sagot: (A.PAG-IWAS)
C - Panuto: Sagutin ang tanong. Tatlo hanggang limang pangungusap lamang.

1. Paano mo mailalarawan ang mundong pinaiiral ang katapatan? Ng kasinungalingan?

III. PUNA
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
IV. REPLEKSIYON
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Prepared by: Checked by:

MARNELLE G. LANDUAY CHERILYN C. CASAS


Teacher I Department Chairman

Observed by:

CLEOFE I. SAYTA
Master Teacher I

You might also like