You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

MODYUL 15: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA KAWALAN NG PAGGALANG SA KATOTOHANAN.

Ang Misyon ng Katotohanan


Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Sa bawat
naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-aaalinlangan na
sundin, ingatan, at pagyamanin. Ang sinumang susunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan ng buhay ( comfort of life) na
may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.
KATOTOHANAN- kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo. Upang matamo ito magpahayag sa simple at tapat na
pamamaraan.

PAGSISINUNGALING- ayon kay Sambajon Jr.et al (2001) ito ay hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katoitohanan. Ito ay
isang lason na humahadlang sa buykas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa
pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan.
Tatlong Uri ng Kasinungalingan
1. Jocose lies- sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayg ito upang magbigay-aliw ngunit
hindi sadya ang pagsisinungaling.(Pagkukwento ng isang nanay tungkol kay Santa kalus na nagbibigay ng regalo
sa isang bata sa pagiging mabait at masunurin)
2. Officious lies- tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha
ng usaping kahiya-hiya upang dito mabaling.(Pagtanggi sa pagkain ng manok na ang totoo ay siya naman ang
kumain)
3. Pernicious lies- nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor s interes o
kapakanan ng nakararami (Pagkakalat ng maling bintang Kay Pedro ng pagnanakaw sa pitaka ng kaniyang
kaklase)
MGA PAMAMARAAN NG PAGTATAGO NG KATOTOHANAN
LIHIM- pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa nabubunyag o naisisiwalat. Ang mga sumusunod ay mga
lihim na hindi bast-basta maaaring ihayag:
 Natural secrets- sikreto na nakaugat sa likas na batas moral. Ang mga katotohanan na nakasulat dito ay
magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa. ( pagtatago ng isang babae na isa siyang
ampon)
 Promised secrets- lihiom na ipinangako ng tong pinagkatiwalaan nito ( paglilihim sa sinimulang negosyo
hindi pa ito nagtatagumpay)
 Committed or entrusted secrets- naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay
ay nabunyag
a. Hayag- ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o pasulat ( secretary ng doktor na
inililihim ang medical records ng pasyente)
b. Di hayag- nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inilihim ng taong may
alam dito dahil sa kanyang posisyon sa kumpanya o institusyon (mga pambihirang kaalaman na
nakuha ng mga abogado, social workers at pari)

MENTAL RESERVATION- ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay
walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakiuklinig kung may katotohanan nga ito ( ang pagsasabi na
sasama sa field trip pero ang totoo ay hindi)
EVASION- pag-iwas sa pagsagot sa tanong.
EQUIVOCATION- pglilihis ng mga maling kaalaman.

MGA ISYUNG HUMAHAMON SA KASAGRADUHAN NG KATOTOHANAN


PLAGIARISM- isang paglabag sa Intellectual Honesty ( Artyikulo, A. Et al, 2003). Ito ay isyu na may kaugnayan
sa pananagutan sa pagpapahayag ng katotohanan at katapatam sa mga datos, ideya, mga pangungusap, buod
at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa na hindi kinilala ang pinagmulan at nabuo lamang dahil sa
ilegal na pangongopya. Maituturing ito na pagnanakaw.
INTELLECTUAL PIRACY- ay naipapakita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang
taong pinoprotektahan ng Law of Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987.
KARAPATANG-ARI AT PRINSIPYO NG FAIR USE- pagkakaroon ng limitasyon sa pagkuha ng anumang bahagi o likha ng
isang awtor o manunulat upang mapanatili ang kaniyang karapatan.
WHISTLEBLOWING- isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng
gobyerno o pribadong institusyon. Whistleblower ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag.
GAMPANIN NG SOCIAL MEDIA- nagpapahina o nagpapalakas sa kaisipan ng mga netizen na maging
mapanagutan sa mga kaakibatna obligasyon sa paggamit nito. “ Think before you click”
Ang pagiging makatotohanan ay dapat maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa lahat ng
pagkakataon. Maging instrumento tungo sa katotohanan at magsikap na mapanindigan nang may katuwiran ang
piniling pasiya at pagpapahalaga.

Performance Standard Assessment (20 puntos)


Gawain: Honesty Pledge! (“Pangako ng Katapatan” ) - (20 puntos)
Panuto: Sumulat ng Pangako ng Katapatan. Isa-isahin ang mga gawain o paraan na isasakatuparan
upang manaig ang pagsasabuhay ng katotohanan sa lahat ng oras. Gamiting gabay ang
halimbawa.Gawin ito sa isang malinis na papel.

Halimbawa

Ako si ______________________, edad labing-anim na taong gulang , mag-aaral ng 10-_____ sa San


Jose City National High School-JHS ay nanganagakong maging tapat sa lahat ng oras.

Susundin ko ang Honesty is the Best Policy. Dadalo ako sa Flag Raising Ceremony, aawitin ng buong
puso ang Lupang Hinirang. Hindi ako mandaraya sa oras ng pagsusulit. Hindi ko ipagwawalang- bahala
ang pandarayang aking nakikita. Isusumbong ko ang mga mag-aaral na mambubulas……..

Rubrik para sa Honesty Pledge –PANGAKO NG KATAPATAN

KRAYTIRYA INTERPRETASYON NG ISKOR PANGAKO NG KATAPATAN PUNTOS


Nilalaman Makabuluhan at malinaw ang nilalaman ng Pangako ng 10
Katapatan
Pagkamalikhain Naipakita ang pagiging malikhain sa pag-aayos at paggamit ng 5
mga salita
Istilo ng Maayos at malinaw ang pagkakagawa/pagkakasulat ng 5
Pagsulat Pangako ng Katapatan
KABUUANG PUNTOS 20

You might also like