You are on page 1of 2

Kulturang Popular

(AAH101b)
MODYUL 2

Pangalan: Alarcon, Keziah Grace Joy N.


Taon at Seksyon: BSHM 2D

Paunang Pagtataya

Naniniwala ka ba sa aswang, kapre, halimaw, o nuno sa punso? Anong kakaibang nilalang ang iyong
kinatatakutan? Bakit mo ito kinatatakutan?

Hindi. Pero ako ay takot sa “Batibat”. Ayon sa aking pananakiksik, ang Batibat daw ay ang
nilalang na nagdudulot ng bangungot. Kapag siya ay nagalit, dinadaganan nito sa dibdib ang natutulog na
tao hanggang sa hindi ito makahinga. Kinakatakutan ko ito dahil minsan ko na ring naranasan ang
bangungutin at ma-“sleep paralysis”. Kung saan ay nakadilat ako at gising ang aking diwa, ngunit hindi ko
maigalaw ang aking katawan. Ilang araw din akong natakot matulog dahil dito.

Kahingian

Pumili ng isang pelikula, akdang pampanitikan, palabas sa telebisyon, o komiks na tungkol sa mga
nilalang sa dilim. Suriin kung paano silang inilalarawan sa kulturang popular. Tukuyin din ang iba’t ibang
takot na ipinakita sa palabas o akda na napili. Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka sa ibaba bilang
gabay. Sikaping hindi lumagpas ang sagot sa 300 salita.

Ang aking napiling pelikula ay “Shake, Rattle and Roll: Emergency”. Ang mga aswang ay ang mga
nilalang na kayang magbago ng anyo, dahil rito sinabi ni Samar na ang ugaling Pilipino na magiliw sa
mga bisita ay dahil sa takot at hindi dahil sa ang mga Pilipino ay masayang tumatanggap ng mga bisita.
Ipinakita rin sa palabas na kung kakaiba ang iyong itsura o katangian ay lalayuan o kamumuhian ka ng
ibang tao.

Paunang Pagtataya

Ano ang iyong paboritong kuwentong pag-ibig? Maaari itong nasa porma ng maikling kuwento, nobela,
dula, dagli, at iba pang akdang pampanitikan. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong paborito.

Ang aking nagustuhang akdang pampanitikan tungkol sa pag-ibig ay “Si Wigan at si Ma-I”. Ito ang aking
nagustuhan dahil sa kanilang pag-iibigan ay naging magkasundo ang bayan ng Banaue at Mayaoyao.
Makikita din sa kwento na ang pakikipag-usap ng mahinahon ay nakakapagdulot ng kaayusan at
kapayapaan. Kahit anong problema ay maaaring maresolba sa pamamagitan ng maayos pakikipag-usap.
Kahingian

Pumili ng isang popular na akdang pampanitikan na tungkol sa pag-ibig. Suriin ang mga elemento ng
kuwento at tingnan kung tumutugma ito sa mga deskripsyon sa talakayan. Tukuyin din kung bakit ito
naging popular. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay. Sikaping hindi lumagpas ang sagot sa 300
salita.
Ang aking napiling akdang pampanitikan tungkol sa pag-ibig ay ang “Banaag At Sikat” na isinulat ni Lope
K. Santos. Hindi tugma ang mga elemento ng kwentong ito sa deskripsyon sa talakayan dahil ang
mayaman sa kwentong ito ay si Meni, isang babae na anak ng isang mayaman na umibig kay Delfin na
isang mahirap lamang. Ngunit tumugma ang deskripsyon dahil hindi sang-ayon ang ama ni Meni na si
Don Ramon sa pag-iibigan ng dalawa. Nagtiis si Meni sa buhay maralita dahil hindi siya pinamanahan ng
yaman dahil pinakasalan niya si Delfin. Sa aking palagay ay nagging popular ang “Banaag at Sikat” dahil
hindi lamang ito naka pokus sa pag-ibig, tumatalakay din ito sa mga isyung kapitalismo at sosyalismo sa
isang lipunan.

You might also like