You are on page 1of 4

Bunga ng Kapayapaan (Angel at mga Pastol)

Lucas 2:8-20

Ang pangatlong bunga ng Espiritu sa ating buhay Kristiano ay Kapayapaan. Ang mga angel ay
dumating dala ito kay Maria, kay Jose na naguguluhan, at sa mga pastol sa kadiliman.

“Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa
kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay
kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!” (Lucas 2:13-14)

Ang awiting ”It is Well” ay mabuting paglalarawan ng isang taong may mabigat na suliranin,
ngunit mayroon parin siyang kapayapaan sa kalooban. Ngunit ang tanong: Posible ba talaga
ang maging payapa kahit may mabigat na problema sa buhay?

*Nang malaman ni Maria na siya ay magbubuntis - naguluhan siya.


*nang malaman ni Jose na may sanggol sa sinapupunan ni Maria - naguluhan din siya. Sino
naman ang hinde?
*ang mga pastol ay hindi natutulog ng gabi, hindi nila nababantayan ang kanilang sariling
pamilya sa panahon pa na may digmaan sa bansang Israel. Sakop sila ng mga Romano. Wala
silang kapayapaan.

Ngunit sinasabing mga angel na, “darating ang kapayapaan sa lupa”. At ito ay magaganap
dahil sa paghahari ng Diyos sa langit.

Posible ito ayon sa mga angel. Ngunit paano?

Una nating tingnan, Ano ba ang kabaligtaran ng kapayapaan? What are the causes of lack of
peace?

: takot o fear on certain things, like danger, alam mong may kasalanan kang ginawa o may
utang ka at alam mong sisingilin ka na. Kapag alam mong may panganib at kailangan mong
puntahan ang isang lugar.

: insecurity, people may compare themselves to others at alam nilang may mas magaling sa
kanila.

: uncertainty, kapag wala kang idea kung ano ang mangyayari. Example ay kapag wala kang
control sa mga nangyayari sa buhay mo.

ANG MGA ANGEL.

Gusto kong sabihin na ang mga angel ay mga ambasador ng Diyos. Sila ay mga kumakatawan
sa Panginoon dito sa lupa. Ang kanilang trabaho ay ang pagtagpuin ang lupa at langit.
Dinadala nila ang presensya ng Diyos sa lupa.

Kahit tayong mga tao, kapag dinadala natin ang presensya ng Diyos sa ating kapwa tao, tayo
nagiging parang angel na rin sa mga taong natutulungan natin. Aralin natin isa-isa ang mga
dahilan kung paano dumarating ang Kapayapaan ng Diyos sa kwentong ito ng mga angel at
mga pastol. Narito ang mga outline natin;

1. Nagkaroon ng Connection ang Kalangitan sa Kalagayan ng mga Pastol.


2. Nagkaroon ng Pag-pupuri sa Diyos.
3. May Mensahe ng Kapayapaan.

Isa-iahin natin ang mga ito, at idalangin natin na patnubayan tayo ng Diyos habang tayo ay
nagbubulay.

1. Una, sa pagdating ng mga angel, nagkaroon ng Connection ang Kalangitan sa Kalagayan ng


mga Pastol.

Ang kawalan ng kapayapaan ay nagaganap kapag sa pakiramdamn ng mga tao, wala na silang
masasandigan. Kapag sa kanilang pakiwari, ang Diyos ay wala. Katulad ng Awit 13:1-2,

1Hanggang kailan, Yahweh, ako'y iyong lilimutin? Gaano katagal kang magtatago sa akin?
2Gaano katagal pa itong hapdi ng damdamin at ang lungkot sa puso kong gabi't araw titiisin?
Kaaway ko'y hanggang kailan magwawagi sa akin?

Ang kapayapaan ay nagaganap kapag nagkakaroon ng tulay o hagdan na nag-uugnay sa lupa


at langit. Isa sa mga halimbawa ay noong si Jacob ay gulong-gulo dahil sa takot na siya ay
papatayin ni Esau. Nais makipag-kita ni Jacob kay Esau noong siya natulog na nangangamba.
At nanaginip siya ng mga angel na manhik-manaog sa langit.

Ang kapayapaang kaloob ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng kasiguruhan na hindi tayo


tinalikuran ng Diyos. Ang kapayapaang ito ay katibayan ng katapatan ng Diyos sa ating buhay
kanyang mga anak. Ang Diyos ay mabuti, tapat at mapagkakatiwalaan.

2. Pangalawa, mula sa langit ay nagkaroon ng pag-aawitan ng papuri sa Diyos.

Kapag walang kapayapaan, napakahirap umawit ng papuri.


Nasubukan mo na ba ang pagkakaroon ng awayan sa inyong tahanan, at pagkatapos ay
sinubukan mong umawit. Dahil sa lungkot na nararamdaman, makikita mo na hirap kang
umawit ng masaya. Lalo na kapag ang aawitin ay papuri sa Diyos. Kaya noong ang mga
Israelita ay binihag ay pina-awit ng papuri sa Diyos, ganito ang kanilang malungkot na inawit:

"Ang awit para kay Yahweh, pa'no namin aawitin, samantalang kami'y bihag sa lupaing hindi
amin? Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin, kung ang bunga sa pagtugtog,
limutin ang Jerusalem; di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitin sa isip ko't alaala, ika'y
ganap na limutin, kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin. (Awit 137:4-6)

Hindi madali ang umawit ng papuri kung walang kapayapaan. Ang mga Israelita noon ay sakop
ng malulupit na mga Romano. Wala silang kapayapaan.

Ngunit umawit ang mga angel ng tungkol sa kapayapaan dahil may dalang kapayapaan ang
Diyos sa mga pastol.
Ang awit ng pagpupuri ay nakabatay sa nangyayari sa ating buhay.

*nagpupuri tayo dahil tayo ay pinagpala.


*nagpupuri tayo dahil tayo iniligtas.
*tayo ay nagpupuri dahil tinupad ng Diyos ang kanyang pangako.

May malalim na dahilan kung bakit nagpupuri ang bawat Kristiano sa Diyos. Ang pag-awit ng
mga angel ay tanda na may gagawin ang Diyos sa kanilang buhay.

Ang pagpupuri ay hindi lamang boses na lumalabas sa bibig. Ito ay panlabas na larawan kung
ano ang nasa ating mga puso. Inaawit natin ang ginawa ng Diyos sa ating buhay.

Umawit ang mga angel dahil may magaganap na kapayapaan.


3. Ang Mensahe ng Kapayapaan.

Pangatlo, ang mensahe ng awitin ng mga angel ay kapayapaan.


Ang kapayapaang tinutukoy dito ay hindi lamang damdamin o feelings. Hindi ito yung
pagkukunwaring masaya kahit malungkot. May mga tao kasi na magaling magtago ng lungkot.
Umiiyak sa loob pero nakangiti pa rin kahit durog na ang puso sa kulungkutan.

Ang awitin ng mga angel ay imbitasyon upang maranasan ng mga pastol ang kapayapaan ng
Diyos.

a. imbitasyon upang huwag nang matakot, v. 10.


b. imbitasyon upang magdiwang, v.10b
c. imbitasyon upang makita si Jesus na ipinanganak, v. 12

Ang kapayapaang kaloob ng Diyos ay para sa lahat.

Ito ay maari nating maranasan kung hahapin natin sa ating buhay ang ipinanganak na Principe
ng Kapayapaan.

Ang pangatlong bunga ng Espiritu ay Kapayapaan. Ito ang sagot ng Diyos upang hindi na tayo
mamuhay sa pagkabalisa, takot at kawalan ng kasiguruhan.

Paano magkaroon ng tunay na kapayapaan?

a. Magtiwala sa Diyos palagi.

Ayon sa 1 Pedro 5:7, “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay
sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.”

b. Papaghariin ang Kapayapaan ng Diyos sa puso at kalooban.

Sabi sa Filipos 4:7, “At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang
siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”
Colosas 3:15, “Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat
iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.”

c. Ibahagi ang kapayapaang kaloob ng Diyos.

Sabi sa Santiago 3:18,


“Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa
kapayapaan.”

You might also like