You are on page 1of 10

"Na nagturing sa kanilang pananampalataya bilang isang paglilibang at paglalaro, at ang

buhay sa mundong ito ay luminlang sa kanila." Kayat sa araw na ito, sila ay Aming
kalilimutan kung paano rin naman nila kinalimutan ang pagsamba sa Allah tungo sa kanilang
pagkabuhay sa araw na ito, sapagkat sila ay nagtakwil sa Aming mga Ayat." (7:51)

"Kung ikaw o Muhammad ay naghahangad sa kanilang patnubay, kung gayon, katotohanang


ang Allah ay hindi namamatnubay sa sinumang nais Niyang mapaligaw at sa kanila ay
walang makakatulong." (16:37)

"Yaong mga tao na binawian ng buhay ng mga anghel habang gumagawa ng kamalian sa
kanilang mga sarili (sa pamamagitan ng kawalan ng pananalig at pag-aakibat ng mga
katambal sa pagsamba sa Allah at pagsasagawa ng lahat ng uri ng kasamaan at
katampalasanan), sa gayon, nang kanilang mapagmasdan ang kamatayan, sila ay ganap na
sumuko at nagsabi: "Hindi na kami gumagawa ng kasamaan." Ang mga anghel ay nagsabi:
"Oo! Katotohanan, ang Allah ang Ganap na nakababatid ng lahat ng inyong ginagawa."
(16:28)

Takwir, Maarij, Nahl

"Siyang tumalima sa Sugo (Muhammad), katotohanang tumalima sa Allah, subalit siya na


tumanggi sa iyo, kung gayon, ikaw (o Muhammad) ay hindi Namin isinugo upang maging
tagapagbantay nila." (4:80)

"At katotohanan, ang relihiyo ninyong ito (ang Islam) ay isang relihiyon, at Ako ay inyong
Panginoon, kayat kayo sa Akin ay dapat mangamba." (23:52)

"Sinuman ang tumahak sa katuwiran, kung gayon siya ay gumawa ng tumpak sa


kapakinabangan ng kanyang sarili. At sinuman ang tumahak sa ligaw na landas, kung gayon,
siya ay naligaw sa kanyang sariling kapahamakan. At walang kaluluwa ang magdadala ng
pabigat ng iba. At Kami kailanman ay hindi magpaparusa malibang Kami ay nagsugo muna
ng isang Sugo (upang magbigay ng babala)." (17:15)

"Hindi marapat sa isang mananampalatayang lalaki o babae na kung ang isang bagay ay
napagpasyahan na ng Allah at ng Kanyang Sugo ay magkaroon pa sila ng anumang
pagpipilian tungkol sa kanilang pasya, at sinuman ang sumuway sa Allah at sa Kanyang
Sugo, katotohanang siya ay napaligaw sa maliwanag na kamalian." (33:36)

"O Propeta (Muhammad)! Sabihin mo sa iyong mga asawa. "Kung inyong ninanasa ang
buhay sa mundong ito at ang ang kinang ng palamuti nito, kung gayon, kayo ay pumarito sa
akin! Pagkakalooban ko kayo ng inyong ikabubuhay at bibigyan ko kayo ng kalayaan sa
magandang paraan (ang diborsyo)." (33:36)

"Ang dalawang magkalabang ito (ang mananampalataya at hindi mananampalataya) ay


nagsisipagtalo sa isat-isa tungkol sa kanilang Panginoon, at sa mga hindi nananampalataya,
ang mga damit na gawa sa apoy ay tatabasin para sa kanila, at kumukulong tubig ang
ibubuhos sa kanilang ulo." (22:19)

"Nag-aakala ba ang sangkatauhan na sila ay hahayaan lamang sapagkat sila ay nagsasabi:


Kami ay sumasampalataya", at sila ay hindi susubukan?" (29:02)

"At sinuman ang magsuko ng kanyang sarili sa Allah, samantalang siya ay gumagawa ng
kabutihan, katotohanang siya ay nakasakmal ng pinakamatatag at mapagkakatiwalaang dakot
(ang La Ilaha Ila Allah. At sa Allah ang panghuling pagpapasya sa lahat ng mga pangyayari
o bagay." (16:22)

"Ang mga magkakaibigan sa araw na ito ay magiging magkaaway ang bawat isa sa kanila,
maliban sa Muttaqun (mga matutuwid at mataimtimang nananampalataya sa Allah." (43:67)

"Sundin mo kung ano ang ipinahayag sa iyo (O Mohammad) mula sa iyong Panginoon. La
ilaha illa Huwa (Walang iba pang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya), at iyong
talikuran sila na nagtatambal ng iba sa pagsamba sa Allah." (6:106)

"Sa harapan niya ay Impiyerno, at siya ay paiinumin ng pinagnanaang tubig (na kumatas sa
nagnanaknak na mga balat ng mga nananahan sa Impiyerno)." (14:16)

"At sa kanila ay ipangpaparusa ang mga piraso ng tuwid na bakal na may sima. Sa bawat
oras na naisin nilang makawala rito, dahil sa pagkahapis, sila ay muling itataboy ditto, at sa
kanila ay ipagbabadya: "Lasapin ninyo ang kaparusahan ng pagkasunog." (22:21)

37:62
"At kung ang katotohanan ay sumang-ayon sa kanilang ninanais, katotohanan, ang
kalangitan at kalupaan at anumang bagay na nasa pagitan nito ay maguguho!
Magkagayunman, ipinarating Namin sa kanila ang kanilang Paalaala (Mensahe), subalit
nagsitalikod sila sa kanilang Paalaala." (23:71)

"Tunay ngang ikaw Muhammad ay isinugo Namin ng may katotohanan, bilang isang
tagapagdala ng isang magandang balita at bilang isang tagapagbabala, at walang pamayanan
na hindi pinadalhan ng tagapagbabala." (35:24)

"O kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo ang Allah (sa pamamagitan ng


pagsunod sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal), kung paano
Siya nararapat na pangambahan. (Sundin ninyo Siya at magbigay ng pasasalamat sa Kanya at
lagi Siyang alalahanin), at huwag kayong pumanaw malibang kayo ay nasa katayuan ng
Islam bilang mga Muslim." (3:102)

"Sila ba ay humahanap ng iba pa sa relihiyon ng Allah (Islam), samantalang ang lahat ng


mga nilalang sa kalangitan at kalupaan ay tumalima sa Kanya ng bukal sa kalooban at hindi
bukal sa kalooban. At silang lahat ay sa Kanya magbabalik." (3:83)
"At pangambahan ninyo ang Fitnah na hindi lamang nakaliligalig sa mga gumagawa ng
kasamaan (ngunit maari rin itong makaligalig sa mga gumagawa ng kabutihan), at inyong
maalaman na ang Allah ay mahigpit sa kaparusahan. " (8:25)

"Subalit walang sinumang kaluluwa ang pagkakalooban ng Allah ng palugit kung ang
itinakdang panahon(kamatayan) ay sumapit na sa kanya. At ang Allah ang nakakaalam ng
lahat ninyong ginagawa." (63:11)

10:25
"At sa Araw na yaon, Aming itatambad ng lantad ang Impiyerno sa mga hindi
sumasampalataya." (18:100)

"Ang kayamanan at mga anak ay palamuti ng buhay sa mudong ito. Subalit ang mabuti at
matuwid na mga gawa na nagtatagal ay higit na mabuti sa paningin ng inyong Panginoon
kung sa gantimpala, at higit na mainam kung patungkol sa pag-asa." (18:6)

"At katotohanang Kami ay nagtambad ng lahat ng uri ng halimbawa sa Qur'an para sa


sangkatauhan. Subalit ang tao ay lagi at higit na palaaway kaysa anumang nilikha." (18:54)

"Sila nga, na ang kanilang mga pagsisikhay ay nasayang lamang sa buhay sa mundong ito,
habang sila ay nag-aakala na sila ay gumagawa ng mabuti sa kanilang mga gawa?" (18:104)

"Kami ang lumikha sa inyo, kayat bakit kayo ay hindi nagsipaniwala?" (56:57)

"O kayong nagsisisampalataya! Manindigan kayo ng matatag sa katarungan bilang mga saksi
sa Allah, kahit ito ay maging laban sa inyong sarili, sa inyong magulang, o sa inyong kamag-
anak, maging mayaman man o mahirap." (4:135)

"Sila aay nagnanais na palisin ang liwanag (Relihiyon) ng Allah sa pamamagitan ng kanilang
bibig, subalit ang Allah ay hindi magpapahintulot nito, malibang ang Kanyang liwanag ay
maging ganap, kahit na ang mga hindi sumasampalataya ay mamuhi rito." (9:32)

"Siya (ang Allah) ang nagsugo ng Kanyang Sugo (Muhammad) ng may patnubay at tunay na
relihiyon (Islam), upang gawin Niya itong mangibabaw sa lahat ng mga pananampalataya
kahit na ang mga Mushrikun ay mamuhi rito." (9:33)

"Kayat huwag hayaang ang kanilang kayamanan o mga anak ay makintal sa iyong isipan (o
Muhammad). Ang Allah ay nagnanais lamang na sila ay parusahan sa pamamagitan nito sa
buhay sa mundong ito, at ang kanilang kaluluwa ay lumisan samantalang sila ay hindi
sumasampalataya." (9:55)

9:37
"O kayong mga sumasampalataya! Huwag ninyong ipagbawal ang Tayyibat (ang lahat ng
bagay na mabuti tungkol sa pagkain, gawain, pananalig, mga tao) na ginawa ng Allah na
pinahihintulutan sa inyo, at huwag kayong magmalabis (sa paglabag sa mga hangganan).
Katotohanang ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga lumalabag sa hangganan." (5:87)
"At sinuman ang sumalungat sa Sugo pagkaraang ang tamang na landas ay ipakita sa kanya,
at sumunod sa iba pa maliban sa landas ng mga sumasampalataya, siya ay Aming
pananatilihin sa landas na kanyang pinili at siya ay Aming susunugin sa Impiyerno, ah, isang
masamang hantungan." (4:115)

7:158
41:51
"At humatol ka (o Muhammad) sa pagitan nila ng ayon sa ipinahayag ng Allah at huwag
mong sundin ang kanilang walang saysay na pagnanais, at maging maingat sa kanila na ikaw
ay mailihis nila sa pagtupad sa ilang kautusan na ipinahayag ng Allah sa iyo, at kung sila ay
magsitalikod, iyong maalaman na ang ninais ng Allah ay maparusahan sila dahilan sa
kanilang mga kasalanan. At katotohanang ang karamihan sa mga tao ay Fasiqun (mga
mapaghimagsik at palasuway sa Allah)." (5:49)

7:157
"Sila ay hindi makagawa sa inyo ng kapinsalaan, maliban sa walang saysay na pang-iinis, at
kung sila ay lumalaban sa inyo ay ipakikita nila ang kanilang likuran sa pagtakbo at sila ai
hindi tutulungan laban sa inyo." (3:111)

"At huwag kayong matulad sa mga naghihiwahiwalay at may pagkakasalungatan sa kanilang


sarili matapos ang maliwanag na katibayan ay dumating sa kanila. At sila ay parurusahan ng
napakatinding parusa." (3:105)

"Kayo ba ay nagtakwil ng pananampalataya matapos na ito ay inyong tanggapin? Kung


gayon, inyong lasapin ang aparusahan sa Impiyerno dahilan sa inyong pagtakwil sa
pananampalataya." (3:106)

"Maaaring ang isang bagay na hindi ninyo naiibigan, ito ay makabubuti sa inyo, at maaaring
ang isang bagay na inyong nagugustuhan, ito ay masama sa inyo. Subalit ang Allah ang
nakakaalam." (2:216)
7:189
7:147
"At Aming itinalaga sa bawat bayan ang pinakamagaling sa kanilang mga tao sa kabuktutan
upang magbalak ng kasamaan dito. Subalit sila ay walang binalak maliban na ito ay laban sa
kanilang sarili, at ito ay hindi nila napag-aakala." (6:123)

"At sinuman ang naisin ng Allah na patnubayan, binubuksan Niya ang kanyang dibdib sa
Islam, at sinuman ang Kanyang naisin na mapaligaw, ginagawa Niya ang kanyang dibdib na
nakaikom, na wari bang siya ay pumapanhik sa alapaap. Kayat sa ganito inilalagay ng Allah
ang Kanyang pagkapoot sa kanila na hindi sumasampalataya." 6:125)

6:42
5:41
5:19
"At ang salita ng inyong Panginoon ay natupad sa katotohanan at katarungan. Walang
sinuman ang maaaring bumago ng Kanyang salita, at Siya ang lubos na Nakakarinig, ang
Ganap na Maalam." (6:115)
6:105
"Sa bawat balita ay may katotohanan, subalit sa bawata bagay ay may natataningang
panahon (at sinasabi rin na sa bawata gawa ay may kabayaran) at ito ay inyong mapag-
aalaman." (6:67)

"At inyong hayaan na mag-isa sila, sila na nagtuturing sa kanilang pananampalataya bilang
isang laro at paglilibang at nalinlang ng buhay sa mundong ito. Subalit sila ay inyong
paalalahanan sa pamamagitan ng Qur'an, baka ang tao ay masadlak sa pagkawasak sa bagay
na kanyang kinita." (6:70)

5:51
5:18
"Ito (ang Paraiso) ay hindi ninyo (O mga Muslim) makakamit sa pamamagitan lamang ng
inyong mapagnais na saloobin, gayun din ay hindi ito makakamit ng mapagnais na saloobin
ng mga Angkan ng Kasulatan. Sinumang gumawa ng kasamaan ay makatatanggap ng
kabayaran (kaparusahan)." (4:123)

"Huwag hayaang tangkilikin ng mga sumasampalataya ang hindi sumasampalataya bilang


Auliya (tagapangalaga o kaibigan) sa halip na ang sumasampalataya, at sinumang gumawa
ng gayon, sila ay hindi tutulungan ng Allah sa anumang paraan, maliban na lamang kung
kayo ay katotohanang nangangamba sa panganib mula sa kanila. At ang Allah ay nagbabala
sa inyo laban sa Kanyang Sarili (sa kaparusahan), at sa Allah ang huling pagbabalik." (3:28)

3:7
13:11
6:51
39:42
39:9
5:67
51:5
"O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong tangkilikin bilang Auliya (tagapangalaga o
kaibigan) ang mga hindi sumasampalataya sa halip na ang mga sumasampalataya. Nais ba
ninyong ihandog sa Allah ang maliwanag na katibayan laban sa inyong sarili?" (4:144)

18:27
"Ipagbadya: "Katiyakan, kung ang sangkatauhan at mga jinn ay magsasama-sama upang
makagawa ng katulad nitong Qur'an, sila ay hindi makagagawa ng katulad nito, kahit na sila
ay magtulungan sa isat-isa." (17:88)

"At kung ikaw ay susunod sa karamihan sa kanila na nasa kalupaan, ikaw ay kanilang
ililigaw ng malayo sa Landas ng Allah. Wala silang sinusunod kundi mga haka-haka lamang
at wala silang ginagawa kundi kasinungalingan." (6:116)

28:50
30:7
53:32
39:54
35:25
28:50
7:146-147
6:164
72:17
30:41
29:2
70:11
8:22-23
40:60
31:20
25:3
31:33
7:27
"Tunay Naming batid ang dalamhating dulot ng kanilang mga salita sa iyo (o Muhammad),
katotohanang hindi ikaw ang kanilang itinatakwil, ngunit ang mga Talata ng Qur'an ng Allah
ang itinatakwil ng mga Zalimun." (6:33)

"At kanilang hinahadlangan ang mga tao na sumusunod sa kanya (kay Propeta Muhammad),
at sila rin ay naglalayo ng kanilang sarili sa kanya, subalit winawasak lamang nila ang
kanilang sarili, at ito ay hindi nila napag-aakala." (6:26)

38:86
13:16
6:115
82:6
7:1856
9:30
5:54
5;41
6:98
"Mga Sugo na nagbigay ng magagandang pahayag gayundin ng babala upang ang
sangkatauhan ay wala nang maipangatwuran laban sa Allah, matapos ang mga Sugo ay
isugo. At ang Allah ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib sa Kaalaman." (4:165)

"Ito (ang Qur'an) ay isang maliwanag na pangungusap sa sangkatauhan, isang patnubay at


pagtuturo sa mga tao na Muttaqun (matutuwid na mananampalataya)." (3:138)

"Sila na nagtatakwil sa Aming mga Ayat ay mga bingi at pipi sa kadiliman. Sinuman ang
naisin ng Allah ay Kanyang ihahantong sa pagkaligaw, at sinuman ang Kanyang maibigan
ay Kanyang papatnubayan sa Tuwid na Landas." (6:39)

27:4
5:68
"O aking Panginoon, ako ay pagkalooban Ninyo ng mabuting anak na lalaki na mula sa
matutuwid!" (37:100)
"At may mga taong nakikipagtalo tungkol sa Allah ng walang kaalaman o patnubay, o ng
isang Aklat na nagbibigay liwanag (mula sa Allah)." (22:8)

"At may mga tao na sumasamba sa Allah ng gayon na nasa gilid (ng pag-aalinlangan), kung
siya ay sinaling ng kabutihan, siya ay nabibigyan ng kapanatagan nito, subalit kung ang
pagsubok ay dumating sa kanya, ibinabaling niya ang kanyang mukha sa ibang direksiyon
(nagbabalik sa kawalan ng pananampalataya matapos yumakap sa Islam). Siya ay kapwa
talunan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Ito ang lantad na pagkatalo." (22:11)

"Sa kanya (dimonyo) ay itinakda na ang sinumang sumunod sa kanya, kanyang ililigaw siya,
at siya ay kakaladkarin niya sa Kaparusahan ng Apoy." (22:4)

81:28
"At katotohanan marami ng mga Sugo ang tinuya aat pinagtawanan na una pa sa iyo, subalit
ang kanilang manunudyo ay napapaligiran ng pinakatampok na bagay (kaparusahan) na
kanilang pinagtatawanan." (6:10)

"At sa Araw ng Muling Pagkabuhay na sila ay Aming titipunin ng sama-sama, Aming


wiwikain sa kanila na gumagawa ng Shirk: "Nasaan ang inyong mga sinasamba na inyong
ipinaggigiitan (bilang mga katambal sa pagsamba sa Allah)?" (6:22)

"Walang katuturan ang pagsisisi ng mga nagpapatuloy pa rin sa paggawa ng kasamaan,


hanggang ang kamatayan ay dumating sa kanila at siya ay magsabi: "Ngayon ako ay tunay
na nagsisisi", gayun din naman ang mga dinatnan ng kamatayan habang sila ay nagtatakwil
sa pananampalataya (sa Islam), sa kanila ay Aming inihanda ang kasakit-sakit na
kaparusahan." (4:18)

"Kayat magsipaglakbay sa kalupaan at pagmasdan kung ano ang kinasapitan ng mga hindi
nagsisampalataya." (3:137)

"Ipagbadya (O Muhammad sa sangkatauhan): "Kung talagang minamahal ninyo ang Allah,


kung gayon, ako ay inyong sundin, ang Allah ay magmamahal sa inyo at magpapatawad sa
inyong mga kasalanan. At ang Allah ang lagi nang nagpapatawad ang Pinakamaawain."
(3:31)

10:100
"Kung gayon, kasawian sa mga sumusulat ng aklat sa kanilang mga sariling kamay at
nagsasabi: "Ito ay mula sa Allah", upang kumita lamang sa pamamagitan nito ng isang maliit
na halaga! Kasawian sa kanila, sa anumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian sa
kanila sa anumang kanilang kinita." (2:79)

"At huwag akalain ng mga hindi sumasampalataya na ang Aming pagpapalaiban ng kanilang
kaparusahan ay mabuti sa kanila. Amin lamang ipinagpapaliban ang kanilang kaparusahan
upang kanilang dagdagan pa ang kanilang pagiging makasalanan. At sa kanila ay may
kahiya-hiyang kaparusahan." (3:178)
5:27
12:103
39:7
31:34
16:18
"Dalitin o Muhammad ang ipinahayag sa iyo na Aklat(ang Qur'an), at magsagawa ka ng
Salah ng mahinusay. Katotohanan, ang tunay na pagdarasal ay nakapipigil sa paggawa ng
kasuklam-suklam at masamang gawa at ang pag-alaala (at pagluwalhati) sa Allah ay
pinakamahalagang gawain. At ang Allah ang nakakaalam sa inyong ginagawa." (29:45)

"At huwag kayong makipagtalo sa mga Angkan ng Kasulatan maliban lamang sa mabuting
paraan (may magandang pananalita at mabuting asal na nag-aanyaya sa kanila sa
pagsampalataya sa Kaisahan ng Allah at sa Kanyang mga Talata)…" (29:46)

16:40
61:11
40:78
19:83
"Ang Allah ay hindi nag-angkin ng anumang anak 9(na lalaki o supling), gayundi ay wala
kaylanman na anumang diyos na katambal Niya." (23:91)

11:17
57:25
57:17
10:47
39:53
8:35
"At magsumikap ng tapat tungo sa kapakanan ng Allah. Kayo ay hinirang Niya (upang
iparating ang Kanyang Mensahe), at hindi Niya iginawad sa inyong relihiyon ang anumang
kahirapan. Ito ang relihiyon ng inyong amang si Abraham (ang Islam). Siya (ang Allah) ang
nagbigay sa inyo ng katawagang Muslim, na magkatulad maging noon at nagyon, upang ang
Sugo (na si Muhammad) ang maging saksi sa inyo at kayo ay maging saksi sa
sangkatauhan." (22:78)

10:94
"Katotohanan , ang Allah ay nag-uutos sa inyo na inyong ibalik ang pagtitiwala sa kaninu
mang nagmamay-ari nito, at kung kayo ay humatol sa pagitan ng mga tao, kayo ay humatol
ng may katarungan. Katotohanan, tunay namang napakainam ng aral na ibinigay Niya sa
inyo. Katotohanan, ang Allah ang Lagi nang Nakakarinig, ang Ganap na Nakamamasid."
(4:58)

"At sila na mga hindi sumasampalataya ay hindi magsisitigil sa pag-aalinlangan dito (sa
Qur'an) hanggang ang Oras ay dumating ng kaginsa-ginsa sa kanila, o sumapit sa kanila ang
kaparusahan ng Araw na wala nang magiging gabi (ang Araw ng Muling Pagkabuhay)."
(22:55)

18:54
7:172
"Hanggang nang kamatayan ay sumapit sa isa sa kanila na hindi sumasampalataya, at
nagsabi: "O aking Panginoon, ako ay muli Ninyong ibalik sa mundo, upang ako ay
makagawa ng kabutihan sa mga bagay na aking naiwan (napabayaan)!" (23:99-100)

42:51
"At kahit na igawad Namin ang Aming habag sa kanila at Aming alisin ang anumang sa
kanila ay nagpapahirap, magkagayuman, katotohanang sila ay lantarang magpapatuloy sa
kanilang paglabag (sa kautusan), na nagpapalibut-libot na bulag." (23:75)

7:194
7:53
7:51
25:44
16:20
64:15
2:111
3:60
"Ang pitong kalangitan at ang pitong kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito ay lumuluwalhati
sa Kanya, at walang anumang bagay ang hindi lumuluwalhati sa Kanya ng papuri ." (17:44)

34:36
"O sangkatauhan, kayoa ang nangangaillangan ng tulong ng Allah, subalit ang Allah ay hindi
nangangailangan ng tulong ninuman, ang karapat-dapat sa lahat ng mga papuri." (35:15)

10:36
"At ibinigay Niya sa inyo ang lahat ng inyong mga kahilingan at kung inyong bibilangin ang
mga pagpapala ng Allah, kailanman ay hindi ninyo ito magagawang bilangin. Katotohanan,
karaniwan ang tao ay lubhang di-makatarungan sa kanyang sarili at walang pagtingin ng
utang na loob ng pasasalamat (hindi sumasampalataya at nagtatakwil sa mga biyaya ng
Allah)." (14:34)
10:56
67:2
46:20
49:13
"Ito ang Qur'an ay isang Mensahe sa sangkatauhan (at isang maliwanag na katibayan laban
sa kanila), upang sila ay mabalaan sa gayong paraan at upang kanilang mapag-alaman na
Siya lamang ang Tanging Nag-iisang Diyos at upang ang mga tao na may pang-unawa ay
makaalala." (14:52)
45:34
41:42
15:9
"Ikaw o Muhammad ay walang iba maliban sa isang tagapagbabala subalit ang iyong
tungkulin ay maiparating ang Mensahe ng Allah sa sangkatauhan, subalita ang patnubay ay
nasa Kamay ng Allah." (35:23)
"O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong hayaan na ang inyong mga kayamanan at
ang inyong mga anak ay makahadlang sa inyo upang alalahaning lagi ang Allah. At kung
sinuman ang gumawa ng gayon, sila ang mga talunan." (63:9)

21:16
21:35
45:8
39:45
28:60
16:93
16:40
16:71
16:70
"At inyong malaman na ang inyong ari-arian at mga anak ay isa lamang pagsubok at
katiyakang nasa Allah ang malaking gantimpala." (8:28)

You might also like