Professional Documents
Culture Documents
Ngunit ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga bukas na darating?
Sino na ang kasama niyang bumuo ng pangarap na sa tagal makumpleto ay tila jigsaw
puzzle na may mga maliliit na piraso? Paano ba siya gigising sa umaga kung wala na ang
kaisa-isang dahilan ng kanyang pagbangon? Sino na ang kasama niya tuwing gabi na
bumilang ng mga bituin sa langit? Paano ba siya bubuo ng tahanan kung ang haliging
susuhay rito’y ipinagdamot ng tadhana?
Sapo-sapo ni Ralph ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay ng mga luha niyang
bigla na lamang pumatak nang marinig niyang wala na nga si Donna. Napasandal siya sa
pader at walang lakas na napaupo at napahagulgol sa labis na galit at kalungkutan. Kung
bakit naman kasi sa dinadami ng mga araw ay ngayon pang araw nawalan ng power ang
battery ng kanyang cellphone. Marahil ay tumatawag sa kanya ang mga kapatid ni Donna
nang mga sandaling nag-aagaw buhay ito, nakausap man lang niya sana ito kahit sa
huling sandali. Marahil ay galit sa kanya ang ina ni Donna dahil sa pag-aakalang
pinabayaan niyang bawian ito ng hininga habang pangalan niya ang hinahanap at
tinatawag.
“Bakit kinakailangang ilabas agad nila ng ospital si Donna ng hindi ipinaalam sa akin?”
Magulo ang isip ni Ralph. Naghahalong emosyon ang namamayani sa kanyang puso.
Kung gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng pag-asa.
Sana hindi na siya pumasok sa opisina. Kaya pala nagdadalawang-isip siya ng umagang
iyon, kaya pala tila may bumubulong sa kanyang isip na siya’y magdiretso na sa ospital.
Kung alam niya lang na sa wala mauuwi ang kanilang pagsasama at pagluha ang
katumbas ng lahat ng kanyang pagsisikap, hindi na sana niya pinanghinayangan ang
anumang kanyang kikitain at lahat ng ito’y ginastos at ginamit niya upang mapaligaya
ang kinakasama. Para saan pa ang kanyang mga naipon? Sino na ang paglalaanan niya
nito?
Kagabi lang galing siya sa ospital. Masaya pa silang nag-uusap ni Donna at halos hindi
naging paksa ang kanyang karamdaman dahil tuluyan nang bumaba ang platelets ng
nobya, sensyales na pawala na ang dengueng apat na araw nang nagpapahirap sa
kinakasama. Pinag-usapan nila ang detalye ng kanilang kasal sa susunod na taon at
planong pagbubuntis ng taon ding iyon, ang napipintong promotion ni Donna sa trabaho
bilang manager ng Logistics Department sa kompanyang pinapasukan nito at ang
balaking pagdu-Dubai ni Ralph sakaling may dumating na magandang oportunidad.
Kaya hindi sukat akalain ni Ralph na sa kisapmata’y wala na si Donna! Wala na ang
kanyang buhay, wala na ang kanyang bukas. Marami nang dengue case kasi ang
humantong sa ‘di inaasahan at tumuntong sa biglaang kamatayan kahit sabihin pang
bumuti na umano ang lagay ng biktima. Pag-aakalang umokay na ang pasyente ngunit sa
kabila ng nakaantabay na mga nurse at doktor, availability ng mga medical equipment ng
ospital ay hindi pa rin naisalba ang buhay ng dengue victim.
“Sir, ang ibig ko pong sabihin ng ‘wala na siya’ ay nadischarge na po siya, si Ma’am
Donna. Gusto na raw po niyang umuwi dahil gusto niya raw pong i-celebrate ang
anniversary ninyo. Heto nga po ‘yung waiver na pinirmahan niya kanina.” Mahabang
paliwanag ng nurse.
Aral: