You are on page 1of 9

TEMA: HANDOG NA KALUGOD-LUGOD!

TEXT: LUKAS 2: 22-40


Introduction:
May isang kwento ng mag-asawa:
Ilang araw matapos ipanganak ang aming
nag-iisang anak na si Baby Lei, agad naming
pinag-usapang mag-asawa kung kailan siya
bibinyagan. Hindi pa sila nakakalabas noon sa
ospital. Tanda ko nga'y hindi pa halos
makakilos si misis dahil sa sugat niya sa
kanyang cesarean operation.

Naging napakahalaga para sa aming mag-


asawa ang binyag ni Baby Lei. Isa iyong akto
ng pagbabalik sa Diyos ng Kanyang
pinakamahalagang regalo para sa aming
mag-asawa-- ang aming anak. Isang
paghahandog. Isang pagtitiwalang Siya ang
laging lakas at gabay ng aming pamilya.
Sa araw na ito ipinagdiriwang natin ang
kapistahan ng pagdadala kay Jesus sa templo
sa Jerusalem.
YES! APATNAPUNG araw pagkatapos ipinanganak
ang isang lalaki na si Jesus, ito ay dinadala sa
templo at doon ay tinutubos. Isinalaysay sa atin ni
San Lukas ang kuwento tungkol kay Maria at Jose,
kasama si Jesus, na nagpunta sa Templo ng
Jerusalem. Doon isinagawa ang ritwal ng paglilinis o
pagdadalisay kay Maria at ang ritwal ng pagtubos sa
Sanggol (Lk. 2:20-40).
Ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.
Ginugunita natin ngayon ang kapistahan ng
pagdadala kay Hesus sa Templo. Tinatawag din
itong a day of purification ni Mary, dahil
kung bibilangin natin, 40th day ngayon
matapos ang Christmas. Bakit mahalaga ang
araw na ito? Dahil ito ‘yong unang araw na
dinala si Jesus sa templo, kung saan ipinahayag
nina Simeon at Propeta Ana ang mahalagang
misyon ni Jesus kahit siya’y sanggol pa lamang –
na Siya ang magiging tagapagligtas at
magpapalaya sa bayan ng Israel.
Mga kapatid, hindi madali ang maghintay, lalo na
sa panahon natin ngayon. Madali tayong
mainip, dahil mahilig kasi tayo sa “instant and
rush”.Pero sa ating gospel sa araw na ito, muli
tayong pinaalalahanan na ang taong tunay na
nagmamahal at nananabik, ay may kakayahang
maghintay, gaya nila Simeon at Ana. Dahil sa
kanilang matagal na pag-aabang na masilayan
ang Panginoon, nakita at nakilala nila
agad Siya sa templo. Idalangin natin sa araw
na ito na sana sa ating pananabik sa Diyos,
hayaan din nating gabayan ng Banal na Espiritu
ang ating mga mata at puso; puspusin ng pag-
asa na masumpungan din natin ang anyo ng
Diyos sa ating buhay.

Una, sa kanilang pagdating sa templo,


sinalubong sina Jose at Maria ng isang lalaki,
si Simeon. Nagwika si Simeon ng ganitong
mga kataga: “Mapayayaon mo na ang iyong
utusan, Panginoon, nang may kapayapaan
ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na
ng aking mga mata ang iyong pagliligtas na
inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa,
ang liwanag na ibubunyag mo sa mga
bansang pagano at ang luwalhati ng bayang
Israel” (Lk 2:29-32).Si Kristo ang Liwanag na
buhat ni Maria sa kaniyang bisig.

Ikalawa, sa araw na ito dinala ni Jose at


Maria si Jesus sa templo ayon sa kautusan at
tradisyon ng mga Judio. (Lev 12:1-5). Nag-alay
din sila ng dalawang kalapating batu-bato
(tanda na nabibilang sila sa mahihirap sa
lipunan). Mahalaga ang larawang ito ng
pagdadala at pag-aalay kay Jesus sa templo.
Sa pag-aalay sa kanya bilang panganay,
nagsisimula ang isang paglalakbay na
magwawakas sa pag-aalay ng kanyang buong
sarili para sa ating kaligtasan. Siya ang
tinutukoy ni Propeta Malakias, ang
magpapadalisay sa mga anak ni Levi sa lahat
ng pag-aalay siya ang banal, kasiya-siya at
ganap na alay sa Ama. Siya rin ang tinutukoy
sa Ikalawang Pagbasa, sa sulat ni San Pablo
sa mga Taga Galacia: ISINUGO NG DIOS ANG
KANYANG ANAK. ISINILANG SIYA NG ISANG
BABAE AT NAMUHAY SA ILAIM NG
KAUTUSAN UPANG PALAYAIN ANG MGA
NASA ILALIM NG KAUTUSAN, SA GAYON
TAYOY MABIBILANG SA MGA ANAK NG DIOS.
UPANG PATUNAYAN NA KAYOY MGA ANAK
NG DIOS, ISINUGO NIYA ANG ESPIRITU NG
KANYANG ANAK SA ATING MGA PUSO,AT
NANG SA GAYON AY MAKATAWAG TAYO SA
DIOS NG “AMA, AMA KO! HINDI NA KAYO
ALIPIN KUNDI ANAK, AT DAHIL KAYO AY
ANAK, KAYO AY GINAWA RIN NG DIOS
BILANG MGA TAGAPAG-MANA NIYA.

Ikatlo, hindi lamang si Simeon ang


sumalubong kina Jose at Maria. Naroon din si
Ana. Si Simeon at Ana ay may natatanging
katangian na mahalagang pagtuunan din ng
pansin: ang kanilang patuloy na pagtitiwala
na tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako.
Parehong may edad na sina Simeon at Ana;
pareho silang matapat sa kanilang
pananalangin at tungkulin. Sa lahat ng taon
ng kanilang paghihintay, hindi sila nawalan
ng pag-asa at pananalig na tutuparin ng
Diyos ang kaniyang pangako. Nawa, sa bawat
pananalangin, panghawakan natin ang Banal
na salita at katapatan ng Diyos na tutuparin
niya ang kanyang pangako sa atin.

lpinaaalala sa atin na si Jesus, ang Liwanag ng


sanlibutan. Siya ang Liwanag na nagbibigay
gabay at init sa ating paglalakbay. Siya, na
handang mag-alay ng sarili para sa ating
kaligtasan, ang kaganapan at katuparan ng
pangako ng Diyos.

IKAW, ANO ANG HANDOG MO NGAYON SA DIOS.?


Sa katauhan ng Sanggol na si Jesus, bumalik
ang Diyos sa kanyang inabandonang banal na
lugar. Pagkat anuman ang naging mga kasalanan
ng Israel, patuloy at palagi nating matapat ang
Diyos sa kanyang mga pangako. Ganoon din
para sa atin.

Sa ating pagkabinyag, tayo ay inampon ng Diyos


bilang kanyang mga anak. Bagamat gaano man
tayo hindi naging matapat, kailanma’y hindi tayo
pababayaan ng Diyos. Gagawin ng Diyos ang
lahat upang tayo’y magsisi at magbagong-loob.

Sa pagdala kay Jesus sa Templo,tayo rin ay


inanyayahan natin siyang pumasok sa ating
puso. Hilingin natin kay Jesus na papanatilihin
siya palagi sa ating mga puso.

Mga kapatid, Isang simbolo ng paghihintay na may pag-asa,


Sinabi ni Simeon ang isang pangako mula sa Banal na
Espiritu na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya
nakikita si Hesus. Naghintay siya, naghintay at naghintay. Si
Simeon ay nakapagsabi ng isang libong panalangin, umaasa
ng isang libong pag-asa at nagdusa ng isang libong
pagkabigo. Anumang bagay na nagkakahalaga ng
pagkakaroon ay nagkakahalaga ng paghihintay. Ang atin ay
isang instant na kultura: instant na kape, instant noodles,
instant na impormasyon. Iba ang sona ng oras ng Diyos: ang
isang araw ay isang libong taon. Ang paghihintay natin ay
bahagi ng Kanyang ritmo. Kapag hindi natutupad ang ating
mga pangarap, kapag hindi nangyari ang inaasahan natin,
tandaan lang natin na ang Diyos ay naglalaan ng oras upang
ihanda ang Kanyang mga regalo at matutong maging
matiyaga hanggang sa Kanyang buksan at ilantad ang mga
ito para sa atin!

Panalangin:
Ama, inaalay namin sa Iyo ang aming buhay
bilang tanda ng aming pagsamba,
pagluwalhati, pagpupuri at pasasalamat sa
Iyo.
Batid po naming hindi kami karapat-dapat sa
prebilehiyong matawag na Iyong mga anak
subalit sa aming pananampalataya sa
kaligtasang inihandog ni Hesus sa krus,
inaangkin po namin ang Iyong pag-ibig.
Aming Ama, mahirap man po, turuan po sana
kami ng Espiritu Santong sumunod sa Iyong
kalooban. Ikaw po ang tagahulma at kami po
ang luad, maganap po sana sa amin ang mga
ninanais Mo.
Ang lahat ng ito sa Ngalan ni Hesus na
inihandog sa Iyong Templo sa Kanyang
mapagkumbabang pakikipamayan sa amin,
na ngayo'y kasama Mo at ng Espiritu Santo.
Amen.

You might also like