You are on page 1of 9

SAINT JOSEPH ACADEMY

OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

MODYUL BILANG: APAT-LIMA (4-5) UNANG MARKAHAN


PETSA: SETYEMBRE 13-24, 2021 T.P.: 2021 – 2022
CLASS NUMBER: ASIGNATURA: FILIPINO IX
Ginoong NOREEN LEGUA VILLANUEVA
PANGALAN: MGA GURO: Ginang ELISA CHAVEZ- MAGNAYE
Binibining ROBELYN ROSALES DIMACULANGAN
GRADE IX-GOLD & SILVER- Sir Noreen- 0938-531-5492
BAITANG, PANGKAT, GRADE IX-COBALT- Ma’am Magnaye- 0920-469-7882
TELEPONO NG GURO:
GRADE IX-NICKEL & IRON- Ma’am Robelyn- 0928-692-5826

SJA Vision Statement SJA Mission Statement

The SJA Administrators, faculty and staff join The SJA, a recognized institution of learning
hands with the parents, alumni and its allies in creating commits itself for the upliftment, development, and
an educational environment that will develop in its integral growth of its learners. SJA provides learners a
learners the 21st century skills necessary to improve
well-rounded education that will maximize their 21st
literacy, scientific and technical potentials that
embodies love, loyalty and hope for the family, school, century skills and develop their total personality to
community and country. prepare them for higher educational pursuits and global
competitiveness.
SJA Philosophy Statement

Saint Joseph Academy is a highly respected non-sectarian secondary institution dedicated to impart to the
students the respect in the individual needs of themselves and others. Thus, SJA believes that every student has the
right to learn and get a quality education.

SJA Goals and Objectives

Accepting its role as the second home of its students, SJA endeavors to:

mold its students to be God-loving and God-fearing, in imitation of the virtues of St. Joseph while respecting all
religious beliefs existing in the community.
direct the minds of students to become productive citizen with positive Filipino values, developing in them love of
family, community and country.
strengthen the school-community relations through extension programs
stimulate in each student a desire to maximize his own talent

SJA Core Values

S – Simplicity and Self Discipline (Kasimplehan at Disiplinang Pansarili)


J – Justice (Hustisya)
A – Acceptance and Asssertiveness (Pagtanggap at Pagtitiwala)
E – Excellence and Enthusiasm (Kahusayan at Kasipagan)
R – Rapport and Respect (Pagkakaisa at Paggalang)

- - - - - A STUDENT’S PRAYER - - - - -
Lord Jesus, I dedicate myself to you as a student
Thank you for all your blessings and graces, thank you for my parents, teachers, classmates and my school.
Enlighten me to realize the importance of education.
Always be there to guide me to overcome my faults, failures and frustrations that I may become more pleasing to you.
Cast out all evil spirits from me and all my educational materials and other elements that I may encounter during my
student life.
Help me to learn the right values and be able to achieve my goals in life.
Mold me in my growing years to develop my god –given skills and talents.
Empower me with the “gifts of the holy spirit” especially the gift of wisdom, knowledge and love.
M
I ask these in the mighty name of Jesus through the powerful intercession of Mama Mary.
Yes, Lord Jesus, teach me for you are the greatest teacher.
Amen.

PAHINA |1
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYANG PAGGANAP


Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta
at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng ng isinagawang sarbey tungkol sa tanong na: ”Alin sa
Timog-Silangang Asya mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong
nagustuhan?”

BILANG
ARALIN PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG MODYUL
PAMAGAT NG ARAW/
BILANG PAMPAGKATUTO BILANG
SESYON
Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na
nagpapakita pinakamataas ng katotohanan,
kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang
bahagi ng nobela.
Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa
binasang nobela.
Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga
2 Timawa pahiwatig na ginamit sa akda. 7 4-5
Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano
batay sa itinakdang pamantayan
Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita
ng tunggaliang tao vs. sarili.
Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa
pagbibigay-opinyon (sa tingin / akala / pahayag /
ko, iba pa)

ARALIN
2
TIMAWA
Maikling Kwento mula Pilipinas MODYUL 4-5

INAASAHANG KASANAYAN
Upang mapagtagumpayang masagutan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-
unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:
1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga akda sa Timog-SIlangang Asya.
2. Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag na binasa.
3. Nakikilala ang mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon;
4. Nakagagawa ng pangungusap gamit ang mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon;
5. Nasusuri ang tunggaliang nangibabaw sa pinanood na nobela;
6. Natutukoy ang mga pangyayaring nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
kagandahan sa pinanood na nobela.

TARGET NA PAGKATUTO
Sa pagatatapos ng modyul ay nakakaya kong:
1. Mapahalagahan ang ambag ng mga simulain hinggil sa katotohanan, kabutihan at
kagandahan ng isang katha o obra maestro.
2. Personal na makapagisa-isa o magkapagbanggit ng mga halimbawa ng tunggaliang
tao vs sarili (e.g. bakit, kailan at paano ang paglaladlad, pag-amin sa isang mali o
kasalanan)
3. Masiyahan sa pagbibigay kahulugan sa mga partikular na pahiwatig ng akda.
4. Maipamalas ang kawilihan sa panonood ng teleseryeng Asyano sa pamamagitan mg
pagtatala o pagpupuno sa tugunang papel.
5. Makalikha ng listahan ng mga hinuhang ugali ng pangunahing karakter.
6. Mapahalagahan ang paggamit ng mga panandang retorikal sa pag babahagi ng mga
saloobin.

PAHINA |2
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

LAGING TANDAAN:
✓ Basahin nang may pag-unawa ang lahat ng panuto upang maisagawa ang bawat gawain sa
modyul na ito. Kung may hindi maunawaan, magtanong kaagad sa gurong pang-asignatura.
✓ Kompletuhin lahat ng gawain at sundin ang araw upang maipasa ang nasabing gawain.
✓ Maaaring gumamit ng diksyunaryo kung hindi maunawaan ang mga pahayag o salita o tawagan
ang guro sa hindi maunawaang gawain.
✓ Palagiang pagnilayan ang mahahalagang katanungang makikita sa bawat aralin. Kung humihingi
ng pasulat na kasagutan ay isulat ito sa isang malinis na papel at pagsama-samahin sa isang
portfolio.
✓ Kung pagod ka na, maaari kang magpahinga at saka balikan ang gawain. Sa kabila nito dapat
mong alalahanin ang pagiging responsableng mag-aaral para mapagatagumpayan ang iyong
pagkatuto.
✓ Ikaw ang may hawak nang ikatatagumpay mo sa lahat ng bagay ☺

MODYUL 1 TALAKAYAN AT GAWAIN MULA SETYEMBRE 13-16, 2021

UNANG ARAW: Pagtuturong Online

Magandang araw sa iyo! Masaya ako sapagkat unti-unti mong natutuklasan kung anong hiyas
mayroon ang Timog-Silangang asya sa pamamagitan ng naunang aralin.
Alam ko na magiging masaya at kawili-wili ang ating talakayan sa modyul na ito sapagkat
panibago na namang akdang pampanitikan ang iyong makilkilala.
Naghanda ako ng mga gawain at inaasahan ko na magagawa mo ito lahat. Huwag kang mag-
alala, tutulungan kitang mapadali ang iyong pagkatuto. Halina’t tayo’y magsimula!

Subalit bago mo simulan ang unang gawain na nakalaan saiyo, hayaan mong ipakilala ko ang dalwang
mahalgang tanong na mayroon ang araling ito.
 Bakit mahalagang bigyang pansin ang mga aral at pangarap ng magulang para sa anak? Paano
ito magagamit upang magsumikap at maging matagumpay sa buhay??
 Bakit mahalagang pag-aralan ang nobela bilang isang akdang pampanitikan gayundin ang mga
tunggaliang makikita rito?

Ang akdang tatalakayin sa araling ito ay pinamagatang Timawa. Ilahad ang mahahalagang kaisipang
maari mong iugnay sa salitang ito batay sa pamagat.

TIMAWA

Di ba? Sa pamagat pa lamang ay nakapaglahad ka na agad ng iyong ideya.


Halina’t sama sama panating tuklasin ang hiwaga sa likod ng salitang Timawa. Bakit
nga ba ganon nalamang ang pagpapahalaga niya pag-aaral? Tandaang ang pag-
aaral ng mabuti ay isa sa magpapabago sa iyo bilang isang tao.

PAHINA |3
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

IKALAWANG ARAW
Pagkatutong Modular

Magandang araw sa iyo! Kumusta ang iyong kahapon? Nawa ay nakapaglaan ka ng oras
upang silipin ang araling mayroon ka sa bawat asignatura. Ipagpatuloy natin ang Ikalawang Aralin.
Alam kong nakapaglahad ka na ng mga ideya hinggil sa pamagat ng akdang ating tatalakayin.
Maraming pagpapahalaga ang iyong mapupulot dito tulad ng pagpapahalaga sa edukasyon,
trabaho, magulang at higit sa lahat ay ang pagpapahalaga sa iyong sarili. Ngayong araw ay
basahin mo ang akdang tatalakayin natin upang magamit mo ito bukas. Kaya mo yan!

IKATLONG ARAW
Pagtuturong Online

Kumusta? Binasa mo ba ang kwento? Kung binasa mo ito ay lubos ang


magiging tulong nito sa talakayan nating ngayong araw.
Halina’t tayo’y magsimula!

***Ang 30 minuto ay ilalaan sa pagtalakay sa kwento sa pamamagitan ng mga gabay na tanong na hawak ng guro.
Humanda rin sa maikling pagsusulit pagkatapos matalakay ang kwento ng magsisilbing pidbak sa araw na ito.

IKAAPAT NA ARAW
Pagkatutong Modular

Natapos na natin ang nobelang mula Timog-Silangang Asya,ngayun naman ay hinahamon kita
upang bigyang interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa nobelang binasa. Suriin ang mga pahiwatig
sa ibaba bagkus bigyang interpretasyon.

GAWAIN ISA : Alamin Mo!


Basahing mabuti ang mga pahiwatig na may salungguhit na ginamit sa akda.
Ibigay ang iyong interpretasyon sa mga ito.Isulat ang iyong sagot sa bukod na papel.
1. Nangingintab sa pawis ang kayumangging mukha ni Andres habang maghuhugas ng pinggan.
2. “Ang mga timawa, aniya, ay higit na pangit sa isang gutom. Ito raw ay kahalintulad ng isang aso,
sapang nang sapang.
3. “Ang Karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog ay natututong yumuko,” wika
ni Andy.
4. “Hindi pangkaraniwang gabi ito sa akin,” wika ni Andres kay Alice.
5. “Maluwat na nating Kasama si Andy.Wari ay malayo siya. Gayung kay lapit ay kay layo.”

Mahusay! Ngayong natapos mo ang pagbibigay interpretasyon ay muling


balikan ang nobelang napag-aral. Suriin kung aling bahagi ang nagpapakita ng
pinakamataas na katotohanan, kabutihan at kagandahan. Sagutin ang mga
katanungan.

GAWAIN DALAWA : KKK


Pangyayari sa Akda na Nagpapakita ng Katotohanan: __________________________________
Tanong: Naipakita ba ng eksena o tagpo ang realidad o totoong nangyayari sa kasalukuyang lipunan?

Pangyayari sa Akda na Nagpapakita ng Kabutihan: __________________________________


Tanong: Ganap bang naiparating ang mensahe o aral na nakapaloob sa akda?

PAHINA |4
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Pangyayari sa Akda na Nagpapakita ng Kagandahan: __________________________________


Tanong: Kapana-panabik o kawili-wili ba ang bahagi ng akda?

MODYUL 5 TALAKAYAN AT GAWAIN MULA SETYEMBRE 20-23, 2021


IKATLONG ARAW
Pagtuturong Online

Magandang araw! Isa sa napagpapaganda ng daloy ng kwento ay ang


pagharap ng mga tauhan sa mga suliranin. Kung paano nila ito hinarap at
napagtagumpayan. Ngayong lingo ay tatalakayin natin ang kahulugan at tunggalian
ng isang NOBELA
Halina’t tayo’y magsimula!

Ang nobela ay isang akdang nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo. Ito’y may mahabang
kawing ng panahon at ginagalawan ng maraming tauhan. Hindi ito nababasa sa isang upuan lamang.
Nagtataglay ito ng tunggalian na nakapaloob sa banghay. Ito ay ang labanan sa pagitan ng dalawang
magkasalungat na pwersa.
1. PISIKAL (tao vs. kalikasan) - ang tunggalian ay dulot ng pwersa at elemento ng kalikasan.
2. PANLIPUNAN (tao vs. tao) – ang kapwa tao o ang lipunang kaniyang ginagalawan ang may
dulot ng problema.
3. PANLOOB o SIKOLOHIKAL (tao vs. sarili) – masasalamin dito ang dalawang magkasalungat
na hangad o pananaw ng iisang tao.

Ayan! Mahusay. Ngayong alam mo na ang mga uri ng tunggalian,


balikan natin ang nobelang ating pinag-aralan noong nakaraang linggo. Buhat
sa tatlong uring naibigay, alin sa mga iyan ang masasalamin sa daloy ng
nobelang “Timawa”? Bigyan ito ng patunay.

IKALAWANG ARAW
Pagkatutong Modular

Magandang Araw! Batid naming napagtanto mo na ang kahalagahan ng


tunggalian sa isang akdang tuluyan partikular na sa isang nobela. Ngayong araw ay
may mga gawaing nakaatang para s aiyo. Halina’t simulan nang makausad ka.

PAHINA |5
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

GAWAIN ISA:
Reyallidad

Sumulat ng sariling
talambuhay o maikling salaysay na
nakapokus sa isa o higit pang tagpo
sa tunay na buhay. Kinakailangang
maipakita sa bubuoing ito ang
tunggaliang tao vs. sarli.

Pumili ng isang teleseryeng Asyano na ipinapalabas sa


ating bansa. Suriin ang teleserye batay sa itininakda ng GAWAIN DALAWA:
pamantayan sa ibaba. Lagyan ng tsek ang OO o HINDI depende Kusang Palo
kung nasunod ang pamantayan. Isulat din ang puna sa
isinasagawang pagsusuri.

PAMANTAYAN OO HINDI PUNA


1. Naipakita ang reyalidad o totoong pangyayari sa lipunan.
2. Sinasaklaw ng tauhan ang lahat ng tao anuman ang
kalagayan nito sa buhay.
3. Malinaw na naipakita ang tunggalian.
4. Kinapapalooban ng iba’t ibang isyu.
5. Kawili-wili, maayos at kapana-panabik ang daloy ng kwento.
6. Nakatutulong upang mahikayat ang mga manonood na
magkaroon ng positibong pag-uugali at pag-iisip.

IKATLONG ARAW
Pagtuturong Online

Kumusta ang iyong mga gawain? Nasagutan mo ba ang mga ito? Kung
gayun ay magiging madali na sa iyo ang mga susunod na hamon.
Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng opinyon, maging ang wastong gamit ng salita.
Halina’t tayo’y magsimula!

Bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayari sa paligid.


Narito ang ilang pahayag sa paggamit ng pagbibigay opinyon.
Pagbibigay ng matatag na opinyon
• Buong igting kong sinusuportahan ang… • Labis akong maninindigan na…
• Kumbinsido akong… • Lubos kong pinaniniwalaan…
Pagbibigay ng Neutral na Opinyon
• Kung ako ang tatanungin… • Sa aking pananaw…
• Kung hindi ako nagkakamali … • Sa ganang sarili…
• Sa aking pagsusuri… • Sa tingin ko…
• Sa aking palagay… • Sa totoo lang
Sa pagbibigay ng opinyon, mahalagang matutunan ang wastong gamit ng salita upang maging
kahika-hikayat ang pahayag.
NANG at NG
Ginagamit ang NANG sa sumusunod na pagkakataon:

PAHINA |6
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

1. bilang pangatnig sa mga pangungusap hungnayan; ito ay panimula ng sugnay na di-


makapag-iisa.
2. bilang pang-abay
3. sa gitna ng dalawang salitang ugat o dalawang pandiwang inuulit.
Ginagamit ang NG sa sumusunod na pagkakataon:
1. bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
2. bilang pagpapakita ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
DIN / RIN at DAW / RAW
Ginagamit ang rin at raw sa sumusunod na pagkakataon:
1. kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na y at w.
Ginagamit ang din at daw sa sumusunod na pagkakataon:
1. kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa y at w.
2. gayundin sa Makabagong Ortograpiyang Pambansa 2013, na kapag ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa -ri, -ra, -raw o -ray.
SUBUKIN at SUBUKAN
Ginagamit ang SUBUKIN kung sumusuri at nagsisiyasat ng uri, lakas o kakayanan ng isang tao
o bagay samatalang ginagamit ang SUBUKAN kapag gustong malaman kung ano ang ginagawa ng
isang tao o bagay nang palihim.
PAHIRIN at PAHIRAN
Ginagamit ang PAHIRIN kung ang ibig sabihin ay pag-alis sa isang bagay at PAHIRAN naman
kung ang ibig sabihin ay paglalagay ng isang bagay.
SUNDIN at SUNDAN
Ginagamit ang SUNDIN kung ang pahayag ay nangangahulugang pagsunod sa payo
samantalang SUNDAN kapag ang pahayag ay nangangahulugang gayanin o puntahan ang pinuntahan
ng iba.
***Ang 30 minuto ay ilalaan sa pagtalakay sa kwento sa pamamagitan ng mga gabay na tanong na hawak ng guro.
Humanda rin sa maikling pagsusulit pagkatapos matalakay ang kwento ng magsisilbing pidbak sa araw na ito.

IKAAPAT NA ARAW
Pagkatutong Modular

Magandang Araw! Matapos mong malaman ang mga gamit ng salita maging ang
paraan ng pagpapahayag ng opinyon, sa araw na ito ay sagutin mo ang gawaing nasa ibaba.
Halina’t magpatuloy ka!

GAWAIN APAT:
Kapit Bisig PANGKATANG GAWAIN:
Buhat sa napili niyong teleseryeng Asyano sa Gawain Dalawa ay
tukuyin ang mga isyung politikal o panlipunan. Magbigay ng sariling opinyon o
pagninilay ukol sa mga ito. Gumamit ng ga pahayag sa pagbibigay-opinyon na
ating tinalakay.
Teleseryeng Napili: ________________________________
Bansang Pinagmulan: ______________________________

Mga Isyung Panlipunan o Politikal


Pagkukuro o Pagninilay Ukol sa Isyu
na Makikita sa Pinanood:

PAHINA |7
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Pagbati sa iyo, ngayon ay nasagutan at napagtagumpayan mo na ang


ikaapat at ikalimang modyul sa yunit na ito, bago tayo magtapos ay magkaroon muna
tayo ng pagninilay.

Bakit mahalagang bigyang pansin ang mga aral at pangarap ng magulang


para sa anak? Paano ito magagamit upang magsumikap at maging matagumpay sa
buhay??
Bakit mahalagang pag-aralan ang nobela bilang isang akdang pampanitikan
gayundin ang mga tunggaliang makikita rito? REPLEKSYON

Kumusta? Napagtagumpayan mong muli ang hamon. Tuloy


lang lagi para sa pangarap. Mananatiling ikaw ay isa sa pag-asa ng
bayan at ng sarili. Binabati kita, hanggang sa muli! ☺ 

KODIGO NG KARANGALAN NG
ISANG ACADEMICIAN KODIGO NG KARANGALAN NG
Bilang mag-aaral ng Saint Joseph Academy of ISANG MAGULANG
San Jose, Batangas Incorporated, Bilang magulang, Ako si
Ako si _________________________________________ ____________________________________
ay nangangakong pananatilihin ang integridad at katapatan sa lahat ay nauunawaan ang aking responsibilidad na tumugon sa
ng pagkakataon; pangangailangan sa akademikong paggabay ng aking anak.
pananatilihin ang paggalang at pagtugon sa lahat ng aking kilos at Ipinapangako kong susubaybayan ang katapatan, integridad at
ginagawa; disiplina ng aking anak habang gumagawa ng mga gawaing
itataas ko ang halaga ng aking pagkamamamayan at nakaatang sa kanya.
palagiang susunod sa lahat ng panuntunang nakasaad sa Isasaisip at isasagawa ko ito bilang Tatak Disiplinado, Isang
Academicians’ Handbook Academician.
Isasaisip at isasagawa ko ito bilang Tatak Disiplinado, Isang
Academician. Lagda ng Magulang sa Ibabaw ng Pangalan:
__________________________________
Lagda ng Mag-aaral sa Ibabaw ng Pangalan: Petsa:___________
__________________________________
Petsa:____________________

RUBRIK PARA SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON


KRAYTIRYA 4 3 2 1
1. Nakasulat ng komposisyon batay sa paksa.
2. Nagagamit ang iba’t ibang panandang kohesyon sa pagsulat ng komposisyon.
3. Nakikilala ang angkop na panandang kohesyon na gagamitin sa iba’t ibang sitwasyon at
pagkakataon.
4. Nasusunod ang mga panuntunan at simulain sa pagsulat ng komposisyon.
5. Naipamalas ang kahusayan sa paglalapat ng aral galing sa akdang napag-aralan.
RUBRIK PARA SA PAGSUSURI O PAGLALAHAD NG OPINYON
KRAYTIRYA 4 3 2 1
1. Maayos ang pagkakagamit ng mga salita sa pangungusap o paliwanag.
2. Malinaw ang mensaheng nais ipabatid.
3. Naging mapanuri sa paksa at sa realidad ng buhay.
4. Makatotohanan ang ibinigay na pagsusuri o opinyon.
5. Sumunod sa bilang ng pangungusap o alintuntuning ibinigay ng guro sa pagsulat.

PAHINA |8
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

MGA SANGGUNIAN
▪ Baisa-Julian, Ailene G., et.al. Pinagyamang Pluma (Ikalawang Edisyon). Lungsod ng Quezon: Phoenix
Publishing House, Inc, 2019
▪ Castro, Dennis P., et.al. Sulong 9: Wika at Panitikan. Lungsod ng Quezon: Neo Asia Publishing Inc., 2018
▪ Bulwagan 9: Kamalayan sa Gramatika at Panitikan. Lungsod ng Quezon: Abiva Publishing House, Inc., 2016
▪ PEAC JHS INSET Learning Module Exemplar 2017- FILIPINO
▪ Gabay Pangkurikulum sa Filipino 2016
▪ Regional Order No.10, s. 2020
▪ www.google.com (para sa mga clip arts)

PAHINA |9

You might also like