Professional Documents
Culture Documents
Pormal nang sinimulan ng buong pamayanan ng Pamantasang Normal ng Pilipinas ang isang
buwang pagdiriwang nito ng ika-119 taong anibersaryo ng pagkakatatag kanina, ika-1 ng Setyembre.
"We cannot be defeated by this dreadful disease or virus by living in fear. We must now learn to
live with COVID-19 and at the same time, we must learn to go back to work safely. Again, this is the start
of your duties and responsibilities after this oath. Mayroon kayong duties sa inyong mga kasamahan at
mga miyembro at naniniwala naman akong kaya niyo itong gawin,” ani Mayor Isko.
Samantala, sa huling parte ng birtwal na programa ay binati muna ni Dr. Bert J. Tuga, President
ng PNU ang buong pamayanan ng pamantasan at taus puso nitong pinasalamatan si Mayor Isko.
Sa kabilang banda ay ibinigay naman ni Dr. Tuga ang kanyang panghamon na mensahe para sa
mga opisyales ng unyon ng fakulti.
Alinsunod sa Pamantasang Memorandum bilang 172, serye 2020, ang nasabing selebrasyon na
may temang, “Alab ng Sulo sa Bagong Kadaywan:Paggunita, Pagkakaisa, Pagsulong” ay gaganapin sa
buong buwan ng Setyembre 2020 at pangungunahan ng Pamamahala ng mga Kaganapang
Pampamantasan at Ugnayang Pampubliko (UEMPRO) sa pakikiisa ng mga Kolehiyo, Instituto, Fakulti,
Yunit, Tanggapan at Organisasyong Pang Mag-aaral ng Pamantasan.