You are on page 1of 2

PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.

School Year 2020-2021


PANGKAT BLG. 5 11 - MAPANAGUTAN
Mga Mananaliksik:
1. Francis Terrence Caceres
2. Kristian Miguel Jazmin
3. Clarence Philippe Salas
4. Brent Crisxlee Tiongson
5. Yesha Denise Bernal
6. Melody Mai Galman
7. Lizette Anne Gaspar
8. Leelaine Manahan
9. Allyssa Cherlize Santos
10. Jean Melie Roa

PAGPILI NG PAKSA

NILIMITAHANG PAKSA "Ang mga hakbang na isinasagawa ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang


baitang ng Paombong High School Inc. upang mapangalagaan ang mentalidad
habang may pandemya"
MAIKLING Maraming suliranin ang umusbong sa kasalukuyang panahon. Ilan na rito
PAGPAPALIWANAG SA ang pandemya, pagyakap sa Online Distance Learning, lockdown, kawalan ng
PAKSA trabaho at isyu sa gobyerno. Sa kadahilanang bago pa lamang tayo sa mga ito
at sinusubukang mamuhay sa tinatawag nating “bagong normal,” labis muna
itong nakakaapekto sa buhay ng mga tao, lalo na sa mga mag-aaral. Tunay na
mahirap makibagay sa mga pagbabago ng mundo sa kasalukuyan at mas
lalong mahirap sa humuhubog pa lamang na pagiisip ng mga mag-aaral na
panghawakan ang iba’t ibang alalahaning dala nito. Kaya naman, marami ang
nakararanas ng stress, anxiety o hindi magandang kalagayan ng mentalidad.
Kaya naman, nilalayon ng paksang ito na alamin ang iba’t ibang hakbang
na isinasagawa ng mga mag-aaral upang mapanatili ang magandang
kalagayan ng kanilang mentalidad. Wala mang kakayahan ang bawat isa na
burahin ang problema at stress, posible naman itong makontrol at
mapamahalaan nang epektibo. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,
magagawa nating suriin, pabutihin at imungkahi ang mga tiyak na aktibidad
upang hindi lamang mapangalagaan ang emosyonal at mental na kalusugan ng
mga mag-aaral, kundi sila din ay matulungan sa patuloy na pakikibagay sa
makabagong takbo ng mundo.

TENTATIBONG I. KABANATA 1
BALANGKAS A. Panimula
(TOPIC OUTLINE) 1. Kalagayang Pangkasalukuyan
1.1 COVID-19 Pandemic
1.2 Online Distance Learning
2. Paglalarawan sa Paksa
2.1 Mentalidad ng mag-aaral habang may pandemya
2.2 Kahalagahan ng pangangalaga ng mentalidad
B. Batayang Teoretikal
1. Behaviorism Theory ni J. Watson
C. Batayang Konseptwal
D. Suliranin at Kaligiran
1. Pangkalahatang Suliranin
1.1 Kalagayang Mentalidad ng mga Mag-aaral
2. Kaugnay tiyak na Suliranin
2.1 Problema at Stress
2.1.1 Bahay
2.1.2 Paaralan
2.1.3 Komunidad
2.1.4 Bansa
E. Kahalagahan ng Pag-aaral
1. Mag-aaral
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11
PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2020-2021
2. Guro
3. Magulang
4. Institusyon
F. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
G. Depenisyon ng mga Katawagan

II. KABANATA 2
A. Kaugnay na Literatura
B. Kaugnay na Pag-aaral

III. KABANATA 3
A. Disenyo ng Pananaliksik
B. Respondent/Tagasagot
C. Instrumentasyon
D. Pangangalap ng Datos
E. Estadistikong Tritment

IV. KABANATA 4
A. Inaasahang Datos
1. Mga Salik na Nakaaapekto sa Mentalidad ng mga Mag-aaral
1.1 Bahay
1.2 Paaralan
1.3 Komunidad
1.4 Bansa
2. Pagbabago sa Pag-uugali at Pagkilos ng mga Mag-aaral
2.1 Sarili
2.2 Bilang anak
2.3 Bilang mag-aaral
2.4 Bilang miyembro ng lipunan
3. Pag-aalaga sa Mentalidad
3.1 Hakbang na isinasagawa ng mga mag-aaral
3.2 Hakbang na hindi isinasagawa ng mga mag-aaral
4. Resulta ng mga Hakbang sa Mag-aaral
4.1 Isinagawang Hakbang
4.1.1 Mabuting epekto
4.1.2 Masamang epekto
4.2 Hindi Isinagawang Hakbang
4.2.1 Mabuting Epekto
4.2.2 Masamang Epekto

V. KABANATA 5
A. Lagom ng mga Natuklasan
B. Konklusyon
C. Rekomendasyon
1. Para sa Mag-aaral
1.1 Tiyak na Hakbangin upang Mapangalagaan ang
Mentalidad
1. Para sa Guro
2.1 Mga Bagay na Magpapaganda sa Pagbuo ng
Kapaligirang Pampaaralang Sumusuporta sa Mentalidad ng
Mag-aaral
2. Para sa mga Magulang
3.1 Mga Bagay na Makatutulong sa Pagpananatili ng
Mentalidad ng kanilang Anak

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11

You might also like