You are on page 1of 9

GAWAING PAGKATUTO PARA SA KASAYSAYANG LOKAL

Barangay Sta. Cruz


Grade 3

I. PANIMULA:

Magandang araw! Kumusta ka? Handa ka na bang pag-aralan ang tungkol sa


iyong barangay?

Ang Learner Activity Sheet na ito ay inihanda ko para sa iyo upang higit mo
pang mahalin ang Barangay Sta. Cruz. Napansin mo marahil ang ilang sa
nakatatanda sa iyo gaya ng iyong ate at kuya na nagtatanong sa iyong mga
magulang kapag hindi nila kabisado ang isang lugar. Gamit ang pangunahing
direksiyon na napag-aralan mo noong nasa ikalawang baitang ka pa, mahalagang
masuri mo ang kinalalagyan ng iyong barangay batay sa mga nakapaligid dito. Sa
araling ding ito, masusuri mo ng lubos ang kasaysayan ng Barangay Sta. Cruz,
maging ang paniniwala at tradisyon na noon ay hindi mo lubos na maunawaan.
Huwag kang mag-aalala kaya mo ito, magtiwala ka lang sa sarili mo. Kung hindi
ay maaari kang tulungan ng iyong guro, magulang o nakatatanda na kasama mo sa
bahay.
Tara samahan mo ako at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

II. LAYUNIN:
1. Nasusuri ang kinalalagyan ng barangay batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahing direksiyon
2. Nasusuri ang kasaysayan ng Barangay
3. Nakikilala ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon sa Barangay

1
III. PAGTALAKAY SA PAKSA:

Tara! Simulan na nating alamin at tuklasin ang kasaysayan ng Barangay Sta.


Cruz.

Ayon kay Reyes (1996), humigit kumulang 1800 taon na ang nakalilipas
mula nang naitatag ang Sta.Cruz, isa sa 23 Barangay na bumubuo sa bayan ng
Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija. Ito ay isa sa walong pinaka- matandang
barangay ng lungsod.
Ang hanggahan nito sa hilaga ay barangay Mangino; sa Timog naman ay
barangay ng Kapalangan; sa Kanluran ay Balante at sa Silangan ay Maburak. Ito
ay may layong 6.7 km. mula sa City Hall ng Lungsod ng Gapan. Isang munting
barangay na nagtataglay hindi lamang ng malalawak na lupaing sakahan kundi
maging ng iba’t-ibang yaman ng kasaysayan, kultura at tradisyon na tunay ngang
ipinagmamalaki ng mga tao na dito ay naninirahan.
Sinasabing ang pinagmulan ng pangalang Sta. Cruz ay mula sa dalawang
alamat. Una ay tungkol sa paglitaw ng isang magandang babaeng nakaputi isang
araw ng Mayo 13, ganap na ika-anim ng hapon, sa isang ilang na lugar. Nang
makita ito, kaagad ay nagsiluhod ang mga tao at nagdasal sa paniniwala na ito ay si
Sta. Elena na naghahanap sa pinagpakuang krus ni Kristo. Simula noon, ito na ang
naging patrona ng barangay at ipinadiriwang na nila ang kanilang kapistahan
tuwing sasapit ang ika-13 ng Mayo. Kasabay nito ang pagsasadula ng Zarzuela na
tinatawag ding “Arakyo” at itinuturing ng tradisyon at bahagi ng kanilang kultura.
Mula rin noon ay tinawag na rin nila ang kanilang lugar na Barangay Sta.Cruz.
Ang isa pang kuwento ng pinagmulan nito ay mula sa isang mag- asawa na
dinapuan ng malubhang sakit. Walang albularyo o doktor na makapagpagaling sa
lalaki na nagngangalang Juan Sumela. Dahil dito mas pinili niya na ilapit na
lamang siya ng kanyang asawa sa krus na nakasabit sa kanilang dingding at doon
ay nanalangin siya ng mataimtim. Matapos iyon ay nanumbalik muli ang lakas ng
lalaki. Nalaman ito ng lahat at sila’y nagalak. Mula noon ay pinangalanan nila ang
kanilang lugar na Sta.Cruz.
Lingid sa kaalaman ng marami ang Sta. Cruz ay hindi lamang isang munting
barangay, dahil ito rin ay isang sisidlan ng nag- uumapaw na kasaysayan. Noong
panahon ng Kastila, ang barangay ng Sta. Cruz ay naging mapanganib dahil ito ay

2
naging kampo ng mga insurektos na mahigpit na kalaban ng mga Kastila, ang
kanilang puno ay si Urbano Lacuna. Samantala noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig taong 1941-1944 ang Sta.Cruz naman ay ginawang taguan ng
USAFFE. Nakamamangha, kung paanong ang barangay Sta. Cruz ay minsang
naging bahagi ng mga makakasaysayang pangyayari sa bansa.

Pagtataya sa Pag-unawa:
Magaling! Nabasa at naunawaan mo ito. Gusto kong sagutan mo ang mga
sumusunod na katanungan sa tulong ng nakatatanda na kasama mo sa bahay.

Panuto: Sagutin ang mga ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Saang direksiyon matatagpuan ang Barangay Kapalangan?


2. Anong barangay ang nasa hilagang direksiyon?
3. Kailan ipinagdiriwang ang kapistahan ng Barangay Sta. Cruz?
4. Bakit naging mapanganib ang Barangay Sta. Cruz noong panahon ng
Kastila?
5. Sino ang pinaniniwalang lumitaw na babaeng nakaputi na naghahanap sa
pinagpakuang krus ni Kristo ?

IV. GAWAIN
Ang galing, galing mo! Nasa bahagi ka na ng Gawain, tara tingnan natin kung
natutunan mo talaga ang ating aralin.

Gagabayan ng nakatatandang kasama sa bahay ang pagsasagawa ng mga


gawain. Pwede ring humingi ng tulong sa guro kung walang makakapagturo.

GAWAIN A: IGUHIT MO! MUKHA KO!

3
Iguhit sa inyong kuwaderno ang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang
impormasyon at naman kung ito ay mali. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.

________1. Ang Barangay Balante ay nasa direksiyon ng Silangan.


________ 2. Nasa hilagang direksyon naman ang Barangay Mangino.
________3. Sinasabing ang pinagmulan ng pangalang Sta. Cruz ay
mula sa dalawang alamat.
________4. Ang isa pang kuwento ng pinagmulan ng barangay ay
mula sa isang mag-ina na dinapuan ng malubhang sakit
at walang makitang albularyo kaya naisip ng ina na
isabit ang anak sa krus na nakasabit sa dingding.
________5. Sta. Elena, isang zarzuela na itinatanghal tuwing pista sa
Barangay. Itinuturing ng tradisyon at bahagi ng kanilang
kultura.

GAWAIN B: KAKAMBAL BA KITA?

Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Isa sa walong pinakamatandang a. Urbano Lacuna


Barangay sa lungsod ng Gapan
2. Pangkat na nagtago sa Barangay b. Juan Sumela
Sta. Cruz
3. Naging Patrona ng barangay c. Sta. Elena
4. Ngalan ng lalaki na dinapuan ng d. USAFFE
malubhang sakit
5. Pinuno na mahigpit na kalaban e. Sta. Cruz
ng mga Kastila f. Insurektos

GAWAIN C: IWASTO MO!


4
Punan ang bawat patlang ng angkop na salita upang maging wasto ang bawat
pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Humigit kumulang____________taon na ang nakalilipas mula nang naitatag


ang Barangay Sta. Cruz. Ito ay isa sa walong pinaka- matandang barangay sa
kasaysayan ng lungsod ng Gapan.
2. Taon____________nang gawing taguan ng USAFFE ang Barangay Sta.
Cruz.
3. Ito ay may layong____________mula sa City Hall ng Lungsod ng Gapan.
4. Ang ____________ ay nasa gawing Kanluran na direksiyon ng Barangay
Sta. Cruz.
5. Ang Barangay Maburak naman ay nasa gawing ___________ na direksiyon.

GAWAIN D: HANAPIN MO AKO!

Panuto: Kopyahin sa iyong sagutang papel ang nasa larawan. Suriin at tukuyin ang
mga barangay na matatagpuan sa mga pangunahing direksyon na ito.

K S

5
Gawain E: TRADISYON AT KAUGALIAN! BUHAY PA BA?

Ngayon naman ay subukin natin ang iyong kahusayan sa larangan ng


pagsulat. Sumulat ng sanaysay gamit ang 2-3 pangungusap tungkol sa isang
tradisyon at kaugalian na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ng mga taga
Barangay Sta. Cruz. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Rubriks sa Pagmamarka:

Pamantayan Puntos
Tumutugon sa paksa ang nilalaman ng replektibong sanaysay 5
Maayos ang Paglalahad ng opinyon at kaisipan 5
Malalim ang ginawang pagninilay 10
Kabuuan 20

V. SANGGUNIAN :

6
 Kasaysayan, Bayan at Ako, KASALO Learning Module
Inihanda ni:

YOUR NAME
Designation

Sample format for sanggunian


Sanggunian (Alphabetically arranged)
“Barangay Sta. Cruz.” Sa Kasaysayan, Bayan at Ako (KASALO), Sinaliksik nina Marie Cris F.
Tecson, Ricelle B. Pascual, and Elgeen B. Ondrade, pp. 174-177. Kagawaran ng
Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Gapan. 2019.

Tecson, Ma. Lourdes I. “Barangay Mangino.” Sa Kasaysayan, Bayan at Ako (KASALO),


Sinaliksik nina Rhea B. Masilang, Theresa C. De Lara, and Frederick F. Diza, pp. 112-
121. Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Gapan. 2019.

Sample format sa MELCs na kinuha online

Department of Education – Commons, K to 12 Most Essential Learning Competencies


with Corresponding CG Codes, pp. 57-58. https://commons.deped.gov.ph/melc
(maaari mo na itong tanggalin kapag nailagay mo na ang iyong
sanggunian)

VI. SUSI SA PAGWAWASTO:

Gawain A: IGUHIT MO! MUKHA KO!

1.

2.

7
3.

4.

5.

Gawain B: KAKAMBAL BA KITA?

1. E
2. D
3. C
4. B
5. A

Gawain C: IWASTO MO!


1. 1800
2. 1941-1944
3. 6.7 km
4. Balante
5. Silangan

Gawain D: HANAPIN MO AKO!

Mangino
H

Balante K S Maburak

T
Kapalangan
8
Gawain E: TRADISYON AT KAUGALIAN! BUHAY PA BA?
Ang kasagutan ay magmumula sa mga mag-aaral. Mamarkahan ang
kanilang mga gawa sa pamamagitan ng rubriks na inilaan ng guro.

You might also like